PROLOGUE

9 0 0
                                    


"Taehyung wag mo namang gawin ito, kaibigan kita at girlfriend ko siya. Importante kayong dalawa sakin." sabi niya habang pinipiglan akong mag empake ng mga gamit ko.

"Taehyung, pakinggan mo naman ako... I know I have mistakes. I didn't keep some of my promises pero wag mo naman akong iwan, please?" sabi niya habang ako'y na estatwa, hindi ako makagalaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Ang hina ko  yan ang linya na patuloy na tumatakbo sa utak ko, dahil hindi manlang ako makapagsalita, hindi ko manlang masabi kung gaano ko sinubukang manatili, hanggang sa tuluyan ko ng nakalimutan ang sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal sakanya.

Patuloy ang pagbagsak ng luha ko habang tinutuloy ang pag lalagay ng mga damit sa bagahe, ngunit sa bawat lagay ko ng damit, kabaliktaran naman ang ginagawa ni jungkook. Hanggang hindi ko na kinaya, at nakapagbitaw ako ng mga salita sakanya.

"Ano bang problema mo ha?!" Pasigaw na tanong ko sakanya

"tae, i love you. please don't leave me, wag naman ganito." sagot niya sakin na nagbigay sakin ng pag-asang baka mahal niya din ako.

"Mahal mo ako? oo naman siyempre alam ko yon, bilang kaibigan mo diba?!  bilang kaibigan nanaman! mahal mo lang ako bilang kaibigan mo kaya hindi mo nakikita na mahal kita higit pa doon! ang sakit sakit na eh, ang sasakit sakit na dito" sinabi ko habang tinuturo ang puso ko. 

"Ang sakit kasi hanggang kaibigan nalang talaga ako eh, ginagawa ko naman lahat para magustuhan mo din ako, i tried jungkook. Pero tama sila hinding-hindi mo ako magugustuhan kasi may nagmamay-ari na ng puso mo"

That Should Be Me |TAEKOOK|Where stories live. Discover now