"Ano'ng karapatan mong pagsabihan ako ng gan'yan?! Magulang mo ako, Elvira! Sa akin ka nanggaling!" She shouted. "Napakabastos niyang bibig mo! Ang bastos mong anak! Wala kang respeto!"

Blanko lamang ang aking ekspresyon habang pinapanood ko siyang sinisigawan ako. Sa mga oras na 'to, nawalan na ako ng gana sa lahat. Naubusan na rin ako ng puwedeng maramdaman. Tanging galit lamang ang aking nararamdaman. Those words that came out of her mouth had no effect on me. Sanay na sanay na ang puso ko... kaya wala na akong maramdaman.

"Your father was right! I should have just aborted you! Hindi na lang sana kita pinaglaban noon kay Emer! Wala kang utang na loob!"

Suddenly, guilt crept into my chest. I couldn't understand but my knee softened. I suddenly felt weak... especially when I heard Mama's weak voice. When a tear fell on her cheek, I quickly look away and swallowed the lump in my throat. Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa matinding pagpipigil.

Gayunpaman, parang sirang plaka ang mga salita ni Mama dahil paulit-ulit kong naririnig 'yon sa loob ng aking isip. Paulit-ulit kong naririnig iyong binitiwan niyang kataga.

Na sana ay ipinalaglag na lang niya ako.

"Hindi mo alam kung paano ko ipinaglaban 'yang buhay mo sa Papa mo! Kasi kung Papa mo lang ang masusunod? Matagal ka nang wala sa mundong 'to! You won't even meet Zavion if that's the case!" I could hear the frustration in her voice. "Tapos ayan ang ibabalik mo sa akin, Elvira?"

Hindi ako nakasagot. Nangapa ako sa mga salitang puwedeng isumbat sa kan'ya. I lost the courage I used to have. Tanging ang boses lang ni Mama ang umaalingawngaw. Marahan siyang hinawakan ni Elaine, pilit siyang pinapakalma. Sa paraan pa lang ng paghinga ni Mama, alam kong galit na galit ito.

"Ask your boyfriend to come here or else..." She shuts her eyes tightly. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Elvira," mariin ang kan'yang boses. Iniwan niya kami roon pagkatapos niyang sabihin 'yon. Lumipas lamang ang ilang segundo, sumunod sa kan'ya si Elaine.

Natampal ko ang aking noo dahil sa pagkasiphayo. Nanginginig ang aking mga kamay nang kuhain ko mula sa ibabaw ng mesa ang aking phone. I texted Zavion about what had happened. Mariin kong nakagat ang aking labi. Halos hindi ako mapakali habang hinihintay ang reply ni Zavion. Paikot-ikot lamang ako habang nakapamaywang. Mabilis din ang tibok ng aking puso dahil sa kaba.

Bakit ba desperado si Mama na makita si Zavion? Ano ang plano niya— nila?

Naputol ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng isang malakas na busina mula sa labas. Naging hudyat 'yon upang bumaba muli sina Mama mula sa kanilang kuwarto. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at kitang-kita ko ang pagkasabik sa kanilang mga mata. I can't even move my feet. I was just stunned there while waiting for them to enter the house.

I breathe heavily when I heard their voices. Sila ang sumalubong kay Zavion. Nasa tabi ni Elaine si Mama habang abala ito sa pakikipag-usap. Kumuyom ang aking kamao dahil sa inis.

"You haven't visited here for a long time..." Mama chuckled. "Ayaw mo bang bisitahin si Elaine?" She said, ignoring my presence.

"I have no business with her, Madame," Zavion answered casually. "So I don't have a time to visit her. It's just a waste of time," he added and shifted his gaze on me. Naglakad siya papunta sa akin at mabilis na ipinulupot ang kan'yang braso sa aking baywang. He kissed the top of my head that made me blush for a second.

My lips immediately form a smirk. Nagtagal ang tingin ni Mama sa kamay ni Zavion. Umarko ang kilay ni Elaine, lalo na nang mapagtanto niyang totoo ang sabi-sabi na kan'yang naririnig. Napaiwas din naman agad sila ng tingin matapos marinig ang isinagot sa kanila ni Zavion. Natawa ako sa aking isip dahil sa hiyang kanilang natamo.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now