The Cold Guy (MBB Sequel)

392 22 4
                                    

Tristan's POV:

Hi! siguro naman kilala nyo na ako? so.. sa mga hindi pa nakakakilala sakin, ako nga pala si Tristan Joseph Logan, ang bestfriend ni Dominique Julianne. At totoong kapatid ni Victridel Aaron sa mother side.

nasa mall ako ngayon, kilala nyo ba kung sino yung kasama ko?

itong dalawa, sila Julianne at kuya Aaron. ginawa kaming chaperon ng dalawang 'to, sinabi nila mag eenjoy daw kaming apat, pero tamo..sila lang yung nag eenjoy, iniiwan lang kami. Nakaakbay si kuya ngayon kay Dominique,kung titingnan mo sila ngayon parang normal na lalakeng tropa lang pero sa paningin ko boset at nakakainis yung mga aura nila щ(ಠ益ಠщ) akala mo may mga puso sa piligid. gusto ko tuloy silang sigawan ng "may mga kasama pa din kayo!" haist..

nga pala kasama namin ngayon si Zykie, sinama sya ni kuya e.. hmm.. siguro sinama nya 'to kasi para may kasama ako pag iniwan nila ako, at hindi sila makonsensya na mag isa lang ako tsk

"Zykie, bakit ka pumayag na sumama?" walang emosyon kongs tanong sakanya

"pinilit ako nung Aaron, nagulat nga ako bakit bigla akong isinama hindi naman kami masyadong close." kalmado nya namang sagot sakin, tapos ewan ko parang kahit hindi sya nakangiti ngayon, parang ang saya nya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

e di sila na nag eenjoy dito sa mall na'to..

teka ano nga bang gagawin namin dito?

tumakbo ako papalapit kila kuya at nagtanung

"ano palang gagawin natin dito?" walang emosyon ko na tanung sakanya

"mag eenjoy, kung saan gagala tayo, maggagames.. Ganun" ngiting ngiti naman ni kuya..

"libre mo wala akong pera" naka poker face ako na nagsalita, nagnod naman sya at hindi pa rin nawawala yung ngiti nya..

Btw 3months na silang nagdadate, parang kada araw nga nafafall sila sa isa't isa

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"inggit much?" nagulat naman ako nung magsalita yung isa pang asungot, muntik ko ng makalimutan kasama pa pala kami..

napakunot naman ako sa tanong nya at tiningnan sya ng masama

"problema mo?" tanung ko sakanya na may pagkainis yung tono

"wala naman akong problema, baka ikaw meron, gusto mo magshare?" natatawa nya namang sabi sakin, aba't loko 'tong lalakeng 'to!

Hindi porket alam nya yung tungkol sa feelings ko kay Julianne gaganyanin nya na ko

Tinalikuran ko nalang sya, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ko, at sinusundan sila kuya ko na napakasaya

"oy masyado ka namang pikon, ang cold mo talaga, jinojoke ka lang" ngingiti-ngiti nyang sabi sakin, sabay tinapik tapik nya yung balikat ko

"pwede ba?" inis kong sabi sakanya, tinabig ko yung kamay nya na nasa balikat ko. Pero bwiset lang, tinawanan ako ng asungot na'to..

Kung alam ko lang na ganito pala nakakaasar yung ugali neto, e di sana hindi ko nalang ginawang close 'to..

The Cold Guy (MBB Sequel) *HIATUS*Where stories live. Discover now