Sinubuan ako ni Zion ng Pepero niya at saktong pagkagat ko doon ay saka pa lang nakapasok si Kurt at Chase. Lumapit si Kurt sa likod namin ni Zion saka kami niyakap pareho. Natawa ako at humawak sa braso niyang nakapayakap sa amin ni Zion.

"Pupunta na ba tayo para panoorin sila Ina?" tanong ni Kurt sakin.

Tumango ako bago kumuha sa box ng Pepero ni Zion.

"Is Zion coming? Are you coming Zion Andrei?" tanong niya kay Zion.

"Aniyo, hyung. I want to stay here with eomma and appa. You should go bond with your yeoja chingu." ani Zion na nagpatawa sa aming lahat pwera sa isang tao.

Humingin ng tubig si Chase kay eomma. Mabilis kumilos si eomma para bigyan ng baso si Chase at tinuro ang ref para siya na mismo ang kumuha. Bumaling sakin si appa na may halong pagtataka at alam kong magsasalita itong si Zion kapag nakita niya na si Chase.

 At tama nga ako ng hinala. Tinapik ako sa braso ni Zion at tinuro si Chase na nainom ng tubig habang nakatingin sa kawalan. 

"Noona," tawag ni Zion sakin kaya tinignan ko lang siyang tumuro kay Chase. "Isn't he the one who wants to steal you away from me and Kurt hyung?" tanong ni Zion.

Mukhang narinig ni Chase ang sinabi ni Zion dahil bigla itong ngumisi at tumingin sa aming tatlo nila Kurt. Lumipat ang mga kamay ni Kurt sa baywang ko at saka ako biglang hinapit nang makita niyang nakatingin si Chase rito.

"Uhh... moreupnida." sagot ko rito.

"How could you not know, noona?" tanong ni Zion at bumaling na siya sakin.

Nagkibit balikat ako kay Zion. Tumingin siya sa kuya Kurt niya na may matang nagtatanong kung bakit hindi ito nagrereact sa sinasabi niya.

"Maybe your noona isn't so sure about it, Zion. No one will steal your noona from us. I promise." ani Kurt at naramdaman ko ang pag-ngiti niya kay Zion.

Ngumiti na rin si Zion but a part of me felt hurt. Hindi na dapat nagpromise si Kurt. I know his promise is for Zion but a part of me is hoping that he will really stay. Pero, hindi naman pwedeng sa akin iikot ang mundo ni Kurt. His father needs him still.

Ang inakala kong isang linggo naming stay rito pero tatlong linggo pala dapat ay kay Kurt lang pala. He's bound to leave in two days. Friday na and Sunday na siya aalis. Ang bilis ng araw, aaminin ko. Aaminin ko na nabitin ako sa isang linggong bonding moments namin ni Kurt. Nabitin ako and how I wish I could turn back time.

"You okay?" tanong ni Kurt sakin sa kalagitnaan ng pagdadrive niya.

"I'll be fine. Just thinking." ani ko saka ko siya binigyan ng ngiti.

Tumingin siya sa rear view mirror niya at sa side mirror. Sumimangot bigla si Kurt at agad na umiling bago bumaling sakin para magtanong. "About what?" aniya sakin.

Tumingin rin ako sa side mirror ko at nakita ko ang isang itim na Elantra ang nakasunod sa amin. Hindi tinted ang kotse kaya't kitang kita ko sa lapit nito ang driver na si Chase. He's following us at tulad ni Kurt ay umiling ako para balewalain.

"Na aalis ka sa linggo. I think once na umalis ka, I'll feel alone. Alam mo yun?" ani ko at lumabi.

"Irina, we had a deal. Once I left, you can do whatever you want with Chase. You could give him a chance but I wouldn't say I don't care. Tapos sa pagbalik ko, you'll decide. Either you'll stay with Chase or you're coming with me." ani Kurt.

"Alam ko naman yun. Ano lang, nasanay lang ako sa presensya mo. Kaya ganito ako." sagot ko na nagpangiti kay Kurt.

Mabilis kaming nakarating sa skating rink. Pagkababa namin ng kotse ay agad lumapit si Kurt sakin at humawak sa kamay ko. Kabababa lang ni Chase sa kotse niya. Napatingin siya sa amin mula ulo na napahinto sa kamay namin ni Kurt. Humigpit ang hawak sakin ni Kurt at saka niya iginiya si Chase na sumama na sa amin.

 Tumingin sa mata ko si Chase nang naunang maglakad sakin si Kurt. Ngumisi siya nang makitang napatingin ako sa kanya at agad akong kinindatan. Tinalikuran ko si Chase at nagpatianod na kay Kurt.

"Are you going to join them?" tanong ni Kurt sakin.

Lumingon ako sa dalawang nagliliftings. Mahirap ang prinapractice nila but I really want to skate. Nalipat ang tingin ko kay Zane. May gamit rin pala ang matitibay niyang braso dahil nakakaya niyang buhatin ang kambal ko. I really want to learn how to figure skate like Ina pero yun ang specialty na binigay nila eomma sa kanya. I'm into musical instruments.

"Siguro kapag tapos na sila magpractice or break time nila." sagot ko na tinanguan niya.

"Doon tayo sa taas." ani Kurt at sabay kaming umakyat sa taas.

Kitang kita mula rito kung paano buhatin ni Zane si Ina. Kapag minsan ay nararamdaman ni Zane na mabibitawan niya si Ina ay agad niyang ibababa ito ng maayos sa mga bisig niya. I really saw in Zane's eyes how he loves my sister so much. I really can't believe na ang pangalan niya ang pumipigil sa possibilities nila ni Ina. I ship them.

"Mukhang kalmado na si Ina." ani Kurt sakin.

"She is. Mabuti nga yun eh." sagot ko.

"Ba't mabuti?" tanong ni Kurt.

Napakagat ako sa labi ko. What was I thinking about anyway?

"Baka kasi 

Nothing But StringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang