"I apologize if I texted you in a hurry. I just want to talk to you." She paused. I blinked, still waiting for more pero hindi na sya ulit nagsalita.

Wala naman ako masabi, kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Irina looked very royal and stunning. Masakit man pero sa ngayon, kitang kita ko na bagay na bagay sila ni Mikael. Paano kung pwede sila?

Nalikuyom ko ang palad ko.

I should not be thinking like this. Ibinalik ko ang galit ko.

"I wanted to talk to you about Mikael." Mahinang sabi nya ulit.

"Obviously." Hindi ko napigilan ang sarcasm.

Napatingin sya sa akin.

"Uhm gusto ko lang sana mag explain." Sabi nya ulit.

"Explain." Walang emosyon na sabi ko. "Explain for what? Kung tutuusin, hindi ka dapat sa akin nag e explain. You should just be explaining to Damien, Irina. He loves you. I also love Mikael. Tapos makikita namin kayo sa ganoong posisyon?" My rage got the better of me. Tumaas ang boses ko.

She bit her lower lip. "Nagmamahalan kami ni Mikael." Matigas na sabi nya.

Uminit ang ulo ko sa sinabi nya. "So anong gusto mo palabasin ngayon?" Tumaas ang kilay ko.

"Let him go. Magpapakalayo na kami. Sorry kung napaglaruan ka nya, I am sure hindi nya sinasadya. He's confused, that's why." She looked pleading. Nawala ang kaninang puno ng confidence na aura ni Irina.

Gusto kong matawa. Hindi ko alam kung totoo iyon o hindi, pero nakakatawa. They wanna run away? Confused lang si Mikael kaya pinatulan nya ako?

This is bullshit.

"Confused lang sya kaya pinatulan nya ako? Wow." Tumawa ako ng nakakaloko. "Then why are you here pleading na tigilan ko na sya? We're not even seeing each other."

Halata ang pagkagulat sa mga mata nya. "Stop lying. He's always out. Nakikipagkita sya sayo and don't deny it. Akala mo ba, hindi ko alam?" Ang kaninang nagmamakaawa na mukha ni Irina ay nagpapakita na ng galit ngayon. "Stop confusing him more!" Mariin na sabi nya.

Ako ang na confuse. Palaging wala si Mikael?

"You're pathetic." Inis na sabi ko. Matalim ang tingin na binigay ko sa kanya. Huminga ako ng malalim para maiwasan ko na makapagsalita ng hindi maganda.

I was hoping na kahit papaano ay magiging maayos ang pag uusap namin, but she showed me her bitch side, who am I not to show mine?

"Please, Resha. Usapang babae sa babae. Let him go." Imbes ay sabi pa rin nya.

Umiling na lang ako.

Kapwa kami napalingon ni Irina nang may bulto na lumapit sa amin sa mesa. Nang tumingala kami ay nakita namin na si Mikael iyon.

Mabilis na tumayo si Irina while I composed myself at hindi nag react. Kinuha ko lang ang red tea ko at sumimsim roon.

"K-Kael.." Irina said.

Nakatingin lang ako sa table.

"What are you doing here? What the hell is wrong with you?" Rinig ko na sabi ni Mikael. It wasn't loud, but it's heavy.

"I was.. I was just talking to.." Irina trailed off. Ramdam ko ang kaba nya.

Pigil na pigil ko ang sarili ko na huwag silang tingalain. Mikael's presence feels suffocating. Parang gusto ko matigil huminga.

"Let's go." Matigas na sabi ni Mikael.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil ramdam ko na lang na hinila ni Mikael si Irina. Before I knew it, nakita ko na lang sila palabas ng pinto. Mikael is holding Irina at her back na parang pumipiglas pa.

Just One Reason (Completed)Where stories live. Discover now