Pag baba ko sa lupa ay sinipa ko yung isa kaya't tumalsik.

" Bitawan nyo ang babeng yan! "

" Sino ka ha?! Wag ka makielam?! "

" ba't mo pa naitanong kung hindi naman sumagi sa utak mo, na ako papatay sayo?! " mayabang kong saad.

Base pa lang sa mga ito ay manyakis na. Kaya't di ako nagtaka kung ano kailangan nila sa babae. " tulongan moko, please miss?! Nagmamaka awa ako. "

" pre mas sexy ang isang to.. Tignan nyo naman oh?! Apaka kinis! " saad nung kasamahan

" eh ang babastos nyo naman pala?! "

" palaban pre, yan ang gusto ko?! Nagpapakipot kaba miss? "

" Hindi, dahil ito sasalubong sainyo?! " sabay sapak sa mukha nung isa. At tinadyakan ang sumunod. Kita ko naman na namilipit ang dalawang yun.

" gusto nyo nang away diba? Halika kayo?! Ako kalabanin nyo?!! " hinagis nila yung babae at pinalibutan ako.

Huh?! Anong balak nila?! Wala silang lakas katulad ko. Inihanda ko ang sarili, pagtutulungan nila ako kaya't napalipad ako ng wala sa oras. Nagkatinginan pa sila.. takot?

' akala ko ba ay gusto nila ng gulo? Ba't parang naging pusa ang mga ito. ' tss!

Paglapat ko ulit ay sinipa ko sa mukha ang isa. Tinuhudan at sinapak ang isa, iniwasan ko yung isa at sinapak ang nasa likod. Nilingon ko naman yung isa at tinadyakan sa mukha. Ginamit ko ang kapangyarihan ko kaya hindi nila ako matamaan. Nang mapagod sila ay napansin ko si inay, isa sa mga nanonood sa gulo. Kita ko naman na hindi nya ako namumukhaan.

I grab the chance na lumapit sa mga ito at " tumawag kayo ng pulis at wag nyo hahayaan na maka alis ang mga yan?! " saka lumipad papunta sa palasyo.

Nang dumating ako ay nagiba agad ang suot ko. What? Kung ano ang suot ko kanina. Yun na din ang suot ko ngayon?! Hinanap ko naman sina Yael pero mukhang wala na. Mabuti na rin dahil magtatanong sila sakin.

Napatagal kase ako..

Tumakbo na ako at hinanap sila. Pero bakit wala yatang tao? Nasan sila? Mabilis lang naman ako ah? May tinulungan lang naman ako... Dibale baka nasa loob sila ng palasyo. Mapuntahan na nga..

****

Yael's POV

Pumasok muna kame sa loob ng palasyo. Dahil mukhang nagbabawas ang kaibigan ko. Nagpapahinga lang din ako dito, medjo kahabaan ang higaan ko pero mag isa lang ako.. nakapikit lang ako habang nagpapatugtog sa headset. Nabigla lang ako dahil sumigaw yung katulong. What the fuck?!

Para saan yon?! Imposibleng kinikilig lang yun sa palabas. Jusko! Hindi na lang ulit ako nagpatugtog nag phone na lang ako.

" ano yun? Ba't may sumisigaw? " dumating naman ang Hari.. Matakot na sana ang katulong, joke lang.. " natutulog ang mahal ko, kaya sana hinaan nyo boses nyo " dagdag nito.

Hapon na at malapit na mag gabi. At magpahanggang ngayon ay wala parin si Victoria.. Sumobra ba ang sakit ng tyan nun?

Bago naman ako matulala ay kinausap muna ako ng Hari.

" ijo pwede ba kitang makausap? " saad nito sakin. Napa ayos naman ako ng upo kaya umupo ito sa katabi ko. " sige ho, para saan ho ba? " saad ko naman sa hari.

" Tungkol lang dun sa peklat ni Victoria? Alam moba kung saan nya nakuha yun? " huh? Nako, wala rin po akong alam dun. Napaso nga din po ako kung alam nyo lang..

" Ho? Ah eh-- " hindi natuloy ang sasabihin ko.. Dahil nakita ko ang peklat ng Hari. Hawig na hawig nito ang peklat ng kaibigan ko.

Paano?

Imposible naman kase na pinaglihi sya sa mahal na Hari.. Pero paano nga nagkaroon ng ganyan si Victoria? Kahit ako ay nagtataka din eh. Baka napaso lang sya? Tama napaso.

" ijo? Nasan kana? Magkausap lang tayo. " saad ng hari kaya mabilis naman ako nagsorry. Baka pagalitan ako.

" ah h-hin --- " hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating ang kawal. At isa pa ang dami nila, talagang magigising ang mahal na Reyna dito. At baka akalain may nangyayare dito. Nako!

" Mahal na Hari?! "

" Mahal na Hari may kailangan kayong malaman?! " hingal na sabi nung isa. Habang yung iba nagpapaingay.

Sana pagbigyan nila ako, para makaltukan ko sila. Paniguradong gising na ang Mahal na Reyna. Tsk!

" Teka isa-isa lang, tsaka natutulog ang mahal ko.. Ano ba yan! " may halong panunumbat yan ha?! Maiingay kase. " mag hinay hinay kayo, ano yung kailangan kong malaman? "

" May nangyayare ho na hindi maganda sa labas ng palasyo, malapit sa bahay nina Beatrice. " huh? Ano?! Mabuti at nandito pa si Victoria.

Pagnagkataon patay.. Nagitla kame parehas ng Mahal na Hari. Ano ba ang nangyayare. Bakit may sumusulpot na gantong problema? MAY sinabi pa ang Hari ngunit hindi ko ito naintindihan. Nakita na lang namin na bumaba ang Reyna. Ang Reyna ba ang may kayang magpigil sa nangyayare?

" Sasama ako, mahal sasama ako. Huwag mong ipagkait sakin ito " saad naman ng Reyna.

At sa huling pagkakataon umalis na kame, wala kameng sinayang na oras. Pumunta kame sa lugar na yun. Ngunit karwahe ang dala namin. Pagbaba namin na ay nakita namin yung mga lalakeng namimilipit. What the fuck? Anong nangyare sa mga ito?

" Alam nyo ba ang nangyare sa mga yan? " saad ng Reyna.

" Halika kayo, samahan nyo ko * sabay baling sa Reyna * mahal dito lang kayo, mapahamak kapa " saad nito habang hawak ang pisnge.

Ano ba yan?! Nabibitter ako?!

Pinabayaan kona lang sila, pinagmasdan kona lang yung mga lalake, grabe mga natamo nito. Ang ilan ay maga ang buong mukha. Yung mga ilan naman bali ang buto, sino naman ang makakagawa nito sa mga taong to? Lumapit ako dun sa babaeng takot na takot. Napano din ito? Mag tatanong lang naman ako eh. Wala akong ginagawa.

" Ah ate ayos ka lang, ba't ka natatakot? " saad ko. May kinalaman ba ang halimaw na yun sa babaeng to?

Napatingin naman sakin yung babae at nahimasmasan. Grabe talaga ang charisma ko, ang pogi mo naman yael?!

" S-sila, s-sila ang d-dahilan ng t-takot ko, mabuti na lang may nag l-ligtas sakin " huh?

Ibig sabihin hindi halimaw ang may gumawa nito? Pero sino naman ang nagligtas sakanya? Walang super hero sa panahon na ito..

" sino yung naglistas sayo? Maari mo bang madiscribe? " pagtatanong ko. Paniguradong dito ako makakakuha ng impormasyon

Tumango ang babae bago nagsalita.

" Isa syang babae, nakakasilaw ang ganda nya. Sobra ang hubog ng katawan. Mahaba ang buhok, para nga syang m-may kapangyarihan "

" tama ba ang mga narinig kong impormasyon? Babae? Ang nagligtas sayo ay kapwa babae mo? " nagitla kame ng magsalita ang Reyna.

Nakita ko naman ang babaeng tumango, paano naman mapaparulog ng babaeng yun na patulugin ang mga lalake? Anlalake ng katawan ng lalake. Worst bali bali pa ang buto?! Hindi ako makapaniwala. Wala pang ilang segundo ay katabi kona naynay ni Victoria..

" Si Victoria nasan? " bulong nito sakin.

" Nasa palasyo ho, nagbabawas po ng timbang hehe. " sana magets hehe.

" Sigurado ka? " bulong nito. Ano ba meron at nagbubulungan kame? Ano kinalaman ni Victoria sa nangyayare?

Napaka inosente kaya ng kaibigan ko.

The Eclipse ( Completed )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ