"Wala naman silang masamang balak. Naghahanap lang sila ng babae na mamahalin sila ng buo." Anito at matamis siyang nginitian. "May kilala akong bagay sayo, gusto mo reto kita?"

Napatitig siya rito at inisip ang isasagot. Siguro makakatulong din naman sa kanya ang pakikipag-blind date lalo na ngayon para mawala man lang kahit ilang oras sa isip niya si Xylyx.

Who knows, baka mamaya isa pala sa mga makaka-blind date niya ang magiging asawa niya.

"Let's try." Sagot niya saka ngumiti. "Pakilala mo ako para magkausap naman kami."

"Oh sure, teka, tawagan ko ngayon." Nagpaalam ito sa kanya para tawagan ang lalaking gusto nitong ireto kuno sa kanya.

Sana naman makatulong ng malaki ang pakikipag-blind date niya. Gusto niya ng mawala sa isip niya kung ano man ang nangyari sa kanilan ng binata.

What happened between them was a big mistake. Nadala lang siya sa pang-aakit nito at sa katangahan niya, nagpadala naman siya.

Ano na lang ang ipagmamalaki niya ngayon? She just lost her most precious treasure. Siguro maghahanap na lang talaga siya ng kano. For foreigners, wether you're a virgin or not, they're still love you because virgin woman is just a myth for them.

A picture of Xylyx smiling at her, came to ruin her calm mind. Hindi ba may lahing kano ang binata.

Nah-ah. Marahas niyang pinilig ang ulo at inubos ang laman ng baso niya. Kahit sinong kano ang iharap sa kanya ay tatanggapin niya huwag lang si Xylyx. Hindi niya kaya.

"Sanie!" Ned called her while giggling. Umupo ito sa upuan nito kanina at may malapad na ngiti sa labi niya. "Pumayag na siya. Sabi niya kung gusto mo daw na magkita din kayo. I already gave him your number."

Well, this is it. Siguro matulungan talaga siya ng pakikipag-blind date niya.

"Salamat, Ned." Aniya saka nakipagkwentuhan pa rito at sabay silang bumalik sa kompanya para magtrabaho.

Napabuntong hininga si Sanie nang makaupo siya sa swivel chair niya sa table niya. Balik trabaho na naman siya kaya kailangan niya na magfocus.

Shit.

Mura niya sa sariling isip nang makalimutan niyang bilhan ng pananghalian si Xylyx. Mabilis niyang kinuha ang cellphone saka tinawagan ang restaurant na lagi niyang inoorderan ng pagkain at umorder ng pagkain para sa binata.

Nang makaorder siya, nakahinga siya nang maluwang. Tumingin siya sa pinto ng opisina ng binata saka napabuntong hininga.

Umiling-iling siya saka binalik ang paningin sa monitor at nag-umpisa nang magtrabaho. Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang biglang tumunog ang elevator at lumabas doon ang delivery guy na laging naghahatid sa kanila ng pagkain.

"Good afternoon, Miss Sanie." Nakangiting bati nito sa kanya.

She smile back. "Maganda hapon rin sayo."

"Order niyo ho." Anito saka inilagay sa ibabaw ng desk niya ang order. "Bakit ho pala isa lang ang inorder niyo? Hindi na naman ho ba pumasok si Sir Xylyx?"

"Pumasok yon. Para sa kanya yan kasi kumain na rin ako." Sagot niya at ngumiti. "Ikaw na ang magdala sa kanya niyan sa loob. May kailangan pa kasi akong tapusin."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now