C34

117 7 0
                                    

C34


"Papasukin mo agad sila Dalia! Carol! Ihanda ang dining table, maghanda ng mga pagkain ngayon na! Marta! Mag labas ka ng tsaa at cake dito sa sala." utos ni Mommy sa mga maid namin sa bahay.

While here I am at the sofa, sitting while excitedly waiting for Atlas. Naalala ko ang ginawa niya at ginamit itong motivation para mawalan ng reaksyon ang aking mukha.

Pumasok si Dalia kasama ang dalawang lalaki at isang babaeng may katandaan. Nanlaki ang nga mata ko na makita si Nay Noemi na nakasuot nang pormal na dress at may suot na mamahaling kwintas, singsing at porselas.

Katabi niya si Anthem na may suot na tuxedo at nakangising nakatingin saakin. Bumaling ako sa pamilyar na lalaki na nakatingin saakin ngayon.

"Thanks for bringing back my daughter here, I'm so thankful. And I don't know how to pay my gratitude towards to you, Atlas." Mommy speak.

Nanlalaki ang mga mata kong bumaling muli sa lalaking katabi ni Anthem. Kasing tangkad niya rin si Anthem, parehas rin sila ng hubog ng katawan. Atlas has a thick brows and eyebrows. Mga mata niya ay parang masungit tingnan pero kapag tiningnan mo nang maiigi, malambot ang ekspresyon niya at inosente. He has a pointed nose and his lips, colored like a cherry, very kissable. Namula ang pisngi ko ng maalala ang nangyari. Nakita kong kumunot ang noo niyang tumingin saakin ng makita ang ekspresyon ko at agad akong umiiwas ng tingin.

"Nay Noemi! I missed you!" I said and immediately hugged her.

Nay Noemi welcomed my hugged and hugged me tight. Natutuwa niyang hinaplos ang buhok ko at namamangha akong pinagmasdan.

"Tatanungin ko sana sila Mommy kung nasaan ka eh." I said. "Kaano-ano niyo po pala si Anthem at Atlas?" Alanganing tanong ko.

Matamis siyang ngumiti bago ako sagutin.

"Mga anak ko sila, Ija." Bumaling siya kay Anthem at tumango.

"I'm Frederick Anthem Avila, nice to meet you Miss Chelsea." He said.

Kaya pala pamilyar ang Avila na apilyido saakin!

Bumaling naman siya kay Atlas. He's familiar to me! Like I met him on my past or somewhere?

"I'm Tamer Atlas Avila." pakilala niya at iniaabot ang kamay ko at hinalikan ito.

"Mam Sir! Ready na po ang dinner!" tawag ni Carol.

Mabilis kong binawi ang kamay ko at umiiwas ng tingin. Sumunod ako kay Ate at mahigpit na humawak sakanya. Umupo kami sa upuan at nagdasal bago kumain.

At first, my parents, Kuya and Anthem talks about business. May naiintindihan rin naman ako at minsan ay nakikisali sa usapin nila.

Aabutin ko sana ang lalagyan ng menudo ng unahan ako ni Atlas at nilagyan ang plato ko.

"T-Thanks.." I uttered and continue to eat.

"So Atlas, once again. Thanks for bringing back my daughter here. Paano ba namin kayo mababayaran sa tulong na ginawa niyo?" maligayang tanong ni Mommy kay Atlas.

"I want us to be married."


Halos masamid ako habang kumakain at umuubong umiiwas ng tingin sakanila.

What the heck Atlas?! Anong pinaplano mo?

"M-Mommy..." Tanging nasabi ko na lamang.

"W-Well, sorry Atlas. But we're no longer do an arrange marriage. I want our daughter to choose who she loves and married. Gusto naming siya ang magdesisyon sa bagay na iyan."

Unknown Man (Anonymous Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant