"Ara matulog kana." Sabi ni mama kaya tumango naman ako at pumunta sa higaan para makatulog.
"A-ara? Ikaw ba y-yan?" Tanong nung lalaki kaya nagtaka ako. Di ko naman kilala to pero kilala n'ya ako.
"Sino ka?" Tanong ko pero di n'ya ako ako sinagot bagkus ay niyakap n'ya akong mahigpit parang ayaw n'yang mawala ako.
"Mabuti naman at dumating ka. Ilang araw na akong naghintay sayo dito sa tagpuan natin." At hinarap ako ng may namumuo n'yang luha.
"D-di kita k-kilala." Kumalas ako sa pagkakayakap.
"Di mo na ba ako natandaan? May iba ka na bang minamahal? Ilang araw lang tayo hindi nagkita pero parang kinalimutan mo na ako." Malungkot s'yang ngumiti sakin. Naguilty ako sa pagsabi ko at hihingi sana ako ng tawad ng...
"Ara ano ba! Gumising kana jan para makapasok ng maaga sa paaralan." Sabi ni mama. Panaginip lang pala yun? Pero bakit parang totoo? Sino kaya yung lalaki?
"Wag kang tunganga jan at maligo kana." Sabi ni mama sabay labas sa aking kwarto.
Araw araw kong napaginipan yung lalaki. Gwapo s'ya,matangos ang ilong, mapupungay na mata, at kissable lips. Ang nakapagtaka lang ay bakit n'ya alam ang pangalan ko?
"Masaya ako na ikakasal tayo bukas aking mahal." Sambit n'ya at ako'y niyakap. Nandito na naman ako sa panaginip kong to. Kasalukuyang nasa hardin kami nag uusap.
"Ako'y masaya rin mahal." Sabi ko at kumalas sa pagkayakap n'ya. Im not loved him pero hindi naman n'ya deserve masaktan kasi mapagmahal s'yang tao at naramdaman ko na mahal n'ya daw ako.
Lalakad sana ako papunta sa mga bulaklak ng mag marinig akong putok ng baril na ikapanghina ko.
"Mahal may tama ka!" Natatarantang sabi ni Adolfo sakin. Dun ko naramdaman na ako pala yung binaril at natamaan ako sa puso ko.
"O-okay lang a-ako." Nanghihina kong sabi at napahiga sa lupa.
"D-dalhin kita s-sa hospital." Naluluha n'yang sabi at kakargahin sana ako ng may marinig naman kaming putok ng baril.
"W-wag na, o-okay l-lang naman a-ako." Agad n'yang hinawakan ang mukha ko.
"M-mahal na m-mahal kita Ara k-ko. Wag k-kang susuko paki u-usap." Pakikiusap n'ya sakin pero pipikit na talaga ang mata ko.
"Mahal din kita Adolfo." Sambit ko bago tuluyang pumikit.
"Ate, gising gising." Pagyugyog ng aking kababatang kapatid.
"Hmm bakit?" Tanong ko at kinusot kusot ang aking mata.
"Kakain na." Sabi n'ya, agad hinila ako palabas sa kwarto ko at papunta sa dining room.
"Kumain ka na Ara." Sabi ni mama na nagkakape. Umupo na din ako sa upuan at ngayon ko balak itanong kay mama kung sino yung Ara sa panaginip ko.
"Ma," Tawag ko na ikalingon n'ya.
"Mamaya mo na ako kausapin. Taposin mo muna yang pagkain mo." Sabi n'ya kaya agad kong inubos ang pagkain ko buti nalang ay di ako nabulunan.
"Ma, may sasabihin ako tungkol lang ito sa panaginip ko." Pagsisimula ko.
"Ano ba yun?" Tanong n'ya.
"Sino ba si Ara ma?" Tanong ko kaya taka s'yang tumingin sakin.
"Baliw ka ba nak? Ikaw si Ara." Sabi n'ya.
"I mean may isa pa bang Ara ma?" Tanong ko na napatigil sa kan'ya.
"Bakit mo natanong?" Seryosong tanong ni mama.
"Wala lang naman ma." Sabi ko sa kan'ya.
"Si Ara kapatid ko. Namatay s'ya nung 25 years old pa lang s'ya, ikakasal sana sila ni Adolfo pero binaril s'ya ni Amanda yung baliw na baliw kay Adolfo na kasintahan ni Ara." Kita ko sa mata ni mama ang lungkot.
"Pero ma bakit kapangalan ko s'ya?" Tanong ko ulit.
"Magka mukha na magka mukha kayo ni Ara na kapatid ko. At si Ara lang ang pinaka close ko." Sagot ni mama na ikatango ko.
"Ah yun pala, anong nangyari kay Adolfo ma?" Tanong ko.
"Hindi na s'ya nag asawa kahit anong pilit ng mga magulang n'ya ay ayaw n'ya mag asawa dahil si Ara lang ang iibigin n'ya hanggang sa huli n'yang hininga."
"Eh yung bumaril kay Ara ma?" Tanong ko.
"Sabi ni Amanda sa korte na akala n'ya ay si Berting yun ang kambal ni Adolfo. Kaya n'ya binaril si Ara na akala n'ya ay may iba na yung mahal si Berting." Sabi ni mama.
"By the way nak, bumili ka ng mga ititinda natin kasi paubos na ih." Biglang sabi ni mama.
"Maliligo muna ako ma." Sabi ko at tumayo na.
"Wag na nak, malapit lang naman dito satin ih. Yan nalang ang susuotin mo." Sabi ni mama sabay bigay ng pera at sa listahan na bibilhin ko. Nakashort lang ako at naka t-shirt pero aish bahala na.
Habang naglalakad ako pauwi ko ng may makita akong pamilyar na tao. Agad akong napatigil sa paglalakad ko at kusang tumulo ang mga luha ko. Ang saya n'ya sobrang saya n'ya na nakipaglaro sa batang babae.
"Daddy,bili tayo ice cream." Sabi nang batang babae at agad s'ya namang kinarga sa tinawag n'yang daddy.
"Hon, san kayo pupunta?"Tanong nang babae na kakarating lang.
"Bibili kami ng ice cream hon. Dali sama ka." Nakangiti n'yang sabi.
Naglakad sila papalayo at agad akong napaupo. Magkamukha n'ya talaga yung lalaki. Parang s'ya talaga. Napaiyak ako dahil nasaktan ako sa nakaraan n'ya. Kamukha ni Adolfo yung lalaking nakita ko. Malungkot ako at the same time ay masaya. Dahil nakakahanap na s'ya ng babaeng pinakasalan n'ya at natupad lahat ng mga plano n'ya noon na di natupad nila ni Ara noon.
