Pinaghila ako ng upuan ni Vince pagkatapos ay umupo sa aking tabi. Mas inilapit pa niya ang kanyang upuan sa akin at bumulong..

"What do you want to eat?"

Doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala silang lahat sa amin. Titig na titig at tila hindi pa rin makapaniwala. Si Tita ay ngumisi ng malapad at sumimsim ng tubig pagkatapos ay binalingan si Vince sa aking tabi na nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"This is unbelievable, you know. I wasn't expecting this. Nung una, ang buong akala ko talaga ay hindi na kayo magkakaayos pa. Like, napipilitan lang kayong dalawa na nasa iisang bubong para sa anak niyo." nakangiting wika ni Tita sa amin.

"Oo nga, 'yang si Kuya ubod ng kagaguhan. Palagi niyang pinagtatanggol si Zarina kesa kay Ate Cha!" sabat ni Trina habang umiiling "Naku Kuya, kung alam mo lang kung gaano ka kagago dati! Di na talaga ako magtataka kung itakwil ka nila Mama at Papa!" dagdag niya at nagtawanan sila.

"Yeah, I remember it clearly. Nasampal ka pa ni Mama at nasuntok ni Papa, right?"

Matalim na tiningnan ni Vince si Tristan pagkatapos ay bumaling kay Charles na nakakandong kay Tito at sinenyasan itong lumapit. Agad namang nakuha iyon ni Charles at mabilis na umalis sa hita ng kanyang Lolo at naglakad papuntan sa pwesto namin. Mabilis siyang kinarga ni Vince at pinaupo sa kanyang hita.

Humagalpak si Tita "Yeah, yeah, I remember it now. That's when you didn't even realize that you impregnated Charlota, huh?"

"Gago kasi si Kuya dati! Ay naku, ang sarap-sarap sambunutan!" iiling-iling na wika ni Trina "Nakakairita palagi! Naalala ko pa 'yung naglasing siya tapos kinompronta namin ni Tristan! Alam mo ba kung anong ginawa niya Ate?"

Umiling ako, di ko naman alam. Si Vince ay masama na din siyang tiningnan pero mukha wala naman siyang pakialam at nagpatuloy nalang.

"Ang sabi niya sa amin ni Tristan, 'who are you?', jusko Ate! Ang sarap-sarap sampalin ni Kuya pramis! Tapos pagkatapos niya kaming tanungin ni Tristan ng ganun, sinukahan niya pa kam—" bigla siyang binato ng tissue ni Tristan.

"Disgusting,"

Ngumiwi si Trina "Totoo naman talaga! Tapos pagkatapos niya kaming sukahan, nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang walang nangyari at biglang tumawa!" tumatawang wika niya. Pati kami ay natawa na rin.

"Kamuntikan pang magtawag ng albularyo si Mama nun! Baka sinapian!"

Tumatawa akong lumingon kay Vince na bahagyang nakanguso ang labi habang kinukunan ng pagkain si Charles.

"Ginawa mo 'yun?" di makapaniwalang tanong ko.

He pouted more "I'm totally in trouble that time,"

Umirap ako sa kanya at kinurot ang tagiliran niya kaya siya napangiwi.

"Nguso-nguso mo diyan? 'Wag na 'wag mo kong ginagamitan ng paganyan-ganyan mo, Vince."

Sumimangot lang siya.

Matagal-tagal pa kami bago natapos kumain. Paano ba naman kasi, kwento ng kwento si Trina tungkol sa mga kagaguhan ng Kuya niya. Samantalang si Vince naman ay halos hindi na makakain ng maayos at nakabusangot lang ang mukha nuong hapunan.

Topic of the day siya, guys.

Nang umakyat kami ng kwarto, nagulat ako ng sumama si Charles sa amin. Ang buong akala ko ay sa kwarto siya nila Tita matutulog. Char, hindi naman sa sobrang landi ko, ganun. I mean, at least, mababawasan ang kalandian ni Vince kapag kasama namin si Charles!

"Totoo ba talaga 'yun? Ginawa mo 'yun, Vince?" humagikgik ako sa kanya.

Matalim niya akong tiningnan at tumabi kay Charles.

The Billionaire's Child [COMPLETED]Where stories live. Discover now