Chapter 29
"Saan mo pa gustong pumunta, Shai?" Tanong sa akin ni Ate Sapphire. Nandito kami sa isang mall dito sa Manhattan, nag-lilibot-libot at namimili ng kung anong magandang bilhin.
Wala kaming shooting o kaya taping ngayon. Naawa siguro si Direk sa amin dahil 3 days straighr na kaming walang pahinga at nagkakasakit na rin yung ibang mga crew pagod.
"Pwede bang umupo muna tayo? Ang sakit na ng paa ko eh." Sabi ko. Tumango naman siya at na-upo na kami sa isang malapit na bench.
Sa two weeks ng pamamalagi ko rito eh talaga namang masasabi kong maganda rito sa New York. Ang daming mga nagtataasang buildings, mamahalin at world class resturants at mga lugar na pwedeng mag-relax.
Oo, maganda talaga rito pero hindi ko maiwasang ma-miss ang polusyon sa Pilipinas.
Hindi ko maiwasang mamiss yung mga mahahalagang taong iniwan ko roon.
Sila Mom, Dad, Ate Sheena, Jennaira, Rissalaine, Monique, Kayelyn, Clarice, Ice, Tita Mel, Ate Sienna at sige na, hindi na ako magsisinungaling, miss na miss ko na rin si Jayden.
Simula kasi nung lumapag dito yung eroplanong sinakyan ko eh pinutol ko na ang lahat ng komunikasyon ko sa kanila.
Dine-active ko ang e-mail, facebook, twitter, instagram ay pati na rin ang wattpad at tumblr ko. Tapos nag-palit rin ako ng sim kaya wala talagang means na maka-usap ko sila o kaya eh makita manlang kahit sa desktop ng computer o kaya screen ng cellphone.
Para rin akong tanga eh 'no? Pinili kong magpakalayo-layo peto eto ako ngayon, hinahanap-hanap sila. Para ring walang sense yung mga paghi-hirap ko dahil wala namang nagbabago. Nasasaktan pa rin ako.
"Hi po!" Biglang sulpot ng isang cute na babae. Morena siya pero kulay brown ang mata at ang shoulder length na buhok. At base sa pag-gamit niya ng 'po' eh masasabi kong Pilipina rin siya.
"Uhhmmm, hello." Nag-aalangang bati ko sabay tumingin pa kay Ate Sapphire na nakatingin lang rin sa amin.
"I'm Natalie at fan niyo po ako! Ang galing-galing po kasi ng ginagawa niyong pag-arte sa Prinsesa eh. Tapos ang ganda-ganda niyo pa po! Alam niyo po ba na kapag tinitignan ko kayo eh napapaisip ako. Tinatanong ko ang sarili ko kung totoo ba talaga yung kasabihang 'nobody's perfect' at saka 'you can't have everything in life' kasi kada makikita ko po kayo sa TV eh parang super duper perfect niyo at parang nasa iyo na ang lahat kaya ako na mismo ang sumagot sa tanong ko dahil sarili ko naman talaga ang tinanong ko. Sabi ko, wala, hindi naman pala totoo 'yung kasabihang 'yon eh. Tapos sinabi ko pa na baka inimbento lang 'yon ng isang taong inggitero dahil hindi siya perpekto." Sabi niya. Medyo napa-ngiti naman ako. Wala ang cutie niya lang kasi eh. At saka... basta. Magaang yung luob ko sa kanya eh.
"Pero bago po ako makipag-selfie at magpapirma sa inyo eh pwede ko po ba kayong tanungin?" Tanong niya.
"Okay lang. Sige, ano ba 'yong tanong mo?" Naka-ngiting sabi ko.
"Masaya po ba talaga kayo?" Tanong niya. Medyo nagulat naman ako pero hindi ko na lang pina-halata sa kanya at ngumiti na lang ulit.
"O-oo naman." Sagot ko. Tumango-tango naman siya.
"Well, nakikita ko naman talaga sa mga mata niyo na masaya kayo. Pero alam niyo po ba kung ano pa yung isa kong nakikita? Kalungkutan. Yes, maybe you are truly happy now but I guess the happiness that you are feeling is not enough to mask the sadness in your eyes. The sadness in your heart." Sabi niya. Napa-tulala na lang ako sa kanya. H-how could she look through me? P-possible ba talagang makita sa mata ang emosyon ng isang tao?
"Alam niyo po, Ate Shaila, tatawagin ko na po kayong ate ah? Magpi-feeling close na po ako. Hehe. May mga pagkakataon kasi na kailangan eh yung sarili mo namang kaligayahan ang dapat mong isipin. Hindi naman masamang maging selfish minsan. Hindi naman masamang gustuhin mong maging masaya eh. Ang masama eh yung magpapakatanga ka. Ang masama eh yung magpaka-martir ka. Alam mo ba yung isang poem sa Randomness na libro sa wattpad? Ay, malamang hindi. Wala ka nga palang time para magbasa ng mga gano'n, 'di po ba? Pero ang alam ko eh may account po kayo sa wattpad. Pero 'yun nga po, sabi dun sa poem, People don't get hurt by loving. They get hurt by holding back. Para sa akin, totoo po 'yon. Wala naman po kasi talagang nasasaktan sa pagmamahal. Ang nakakasakit ng tao eh yung mga iniisip niya. Yung mga iniisip niyang 'what if's'. Yung pagiisip niya ng kalagayan ng iba bago sarili niyang kalagayan. Yung pagiisip niya ng mga consequences. Yung pagiisip niya agad sa future eh ni hindi pa nga siya umuusad sa present. In short, utak mismo ng tao ang nanakit sa sarili niyang puso. Kasi 'di ba kapag nag-start ka ng mag-isip, malilimitahan na yung mga kaya mong gawin. Ita-try mo ng pigilan yung nararamdaman mo kasi akala mo eh may masasaktan. Naiintindihan niyo po ba ako? Nagme-make pa po ba ng sense ang mga pinagsasabi ko? Hehe." Mahabang sabi niya.
"Alam ko kung ano ang pinupunto mo. Naiintindihan kita. Pero ako naman ang magtatanong. Ilang taon ka na ba, ha? Bakit parang ang dami mo naman atang alam tungkol sa love?" Takang tanong ko. Itsura kasi siyang mas bata sa akin pero lahat ng mga sinasabi niya tungkol sa pagmamahal eh may sense.
Kanina pa nga ako tamang-tama sa mga pinagsasabi niya eh. Kasi well, tama naman talaga. Nagpakabulag lang ako sa mga akala ko.
Ngayon napatunayan ko ng nakakapatay pala talaga ang akala. Nakakapatay pala talaga ang pagaassume.
Nakakapatay ng puso.
"14 pa lang po ako. Pero kahit kelan naman po eh hindi dapat gawing basehan ang edad sa kung gaano karami ang alam mo o dapat mong malaman tungkol sa pag-ibig. Panghabang-buhay po ang love kaya dapat hanggang buhay ka eh natututo ka rin tungkol dito. Ay, ang dami ko na pong nasasabi. Pwedeng mag-selfie na po tayo? Ate Sapphire, hi po! Pwede rin po ba kayong sumama? Groufie na lang po tayo!" Excited na sabi niya sabay nilabas na yung iPhone niya. At nagpose na nga kami sa harap nung camera.
Habang masaya niyang tinitignan yung mga picture namin eh pinagmamasdan ko siya.
Ang bata niya pa pero ang dami niya ng alam tungkol sa pag-ibig. At saka yung mga sinasabi niya eh tumatagos talaga sa akin na para bang alam niya yung mga pinagdadaanan ko at para sa akin talaga yung mga pinagsasabi niya.
"Look at her eyes." Narinig kong bulong ni Ate Sapphire. Taka ko naman siyang tinignan pero tinanguan niya lang ako kaya ginawa ko na lang.
I looked at Natalie's eyes pero nagulat ako nung...
Teka, totoo ba 'to? Talaga bang parang medyo lumungkot yung mga mata niya o nagiimagine lang ako?
Pero hindi eh! I can really see sadness in her eyes. Pwede pala talaga 'yong gano'n? Yung makikita mo yung nararadaman ng isang tao sa mga mata niya?
Kalungkutan ang nakikita ko sa mata niya pero bakit naka-ngiti pa rin siya?
"Hindi lahat ng nakikita mong ngumingiti ay masaya, Ate. Yung iba eh pinipilit lang ang sarili na maging masaya. Sa mga panahon ngayon eh dapat alam mo na 'yan kasi kahit ikaw mismo eh ganyan." Sabi niya. Napatulala na naman ako sa kanya.
Pa-paanong...?
"Sige na, Ate, mauuna na po ako. Thank you po sa pictures at saka sa time niyo! Babye po. I'll see you soon. Sana by that time eh kayo na ni Kuya Jayden at hindi ka na close minded." Sabi niya sabay ngumiti pa at umalis na. Naiwan naman akong naguguluhan.
How did she know about Jayden?
---
Alie's Note:
Pagbigyan niyo na. HAHAHA! Napagtripan ko lang talaga na bigyan ng appearance ang sarili ko sa storya na 'to. Hehe. Sana naman kahit papaano eh hindi kayo nabwisit. Hahahaha!
ESTÁS LEYENDO
Simple Princess
De TodoI was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as my world change, my own fairytale also started with a "Once upon a time" but will it also end with a "Happily ever after"?
