Chapter 28

64 4 0
                                        

Chapter 28

Dear Mom and Dad,

By the time na mabasa niyo po ito eh malamang po wala na ako sa bansa.

Sorry po kung hindi ko sinabing aalis ako.

Sorry po kung through this letter niyo lang malalaman.

Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos.

Pero po kasi alam ko namang hindi kayo papayag and believe me, Mom and Dad, I really want to do this project.

Don't worry about my studies, 3 months ago, nung sinabi po ni Ate Lyna sa akin na may part ng Prinsesa at ng movie ko ang ishu-shoot sa ibang bansa eh nagdecide po ako na kausapin si Mrs. Cruz at hilingin sa kanya kung pwedeng ibigay niya na sa akin yung mga kakailangin kong requirements para maka-graduate kasi nga po aalis ako.

And tadaaaa~ I graduated with flying colors. First Honorable Mention ako ng batch namin, Mommy and Daddy! Naka-attach po dito yung diploma at medal ko. Ang ganda po 'di ba? Pero sayang rin po kasi kung mas nag-aral pa ako ng maayos eh baka naging Valedictorian ako.

At kung hindi sana ako aalis eh makikita niyo pa akong mag-marcha at maisasabit niyo pa sa akin yung medal.

But nevertheless, sobrang thankful pa rin po ako sa pagpapaaral niyo sa akin sa magandang school. Thank you po talaga. At saka, sorry po ulit. Gustong-gusto ko po kasi talagang gawin 'tong project na 'to eh.

Mom and Dad, don't worry about me, okay? Kahit 15 pa lang po ako eh kaya ko na ang sarili ko. Isa pa po eh kasama ko naman dun sila Ate Lyna at Ate Lisa. Promise po, uuwi ako ng maayos at buong-buo na.

Hindi ko po isusulat dito yung address ng tutuluyan namin o kaya eh yung bansang pupuntahan ko kasi alam ko namang susunod po kayo. Pero alam ko rin naman po na magha-hire kayo ng tao para hanapin ako pero nagmamakaawa po ako sa inyo, 'wag niyo po akong susundan at 'wag niyo pong ipagsasabi sa iba ang kinaroroonan ko.

Yes, may deeper reasons po ako kung bakit ako aalis at alam ko naman pong alam niyo na rin kung ano 'yon. Mga magulang ko po kayo at kahit hindi ako magsalita eh alam kong napi-feel niyo po. Pero sana po umarte na lang kayong walang alam. Sasabihin ko naman po ang lahat pagbalik ko eh, promise.

As in lahat-lahat po talaga. Hindi na ulit ako magse-secret sa inyo.

I'll miss the both of you. Wala pa pong kasiguraduhan kung kelan ang balik ko pero I'll be back. Hindi nga lang sooner. Pero baka later. Hahaha! Ang corny ko. Pero babalik naman po talaga ako, promise. Cross my heart. Hindi ko naman kasi po kakayanin na malayo sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay ko ng sobrang tagal.

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahaaaaaaaaaaaaaaaal ko po kayo. Ayan na po ah, sobrang mahal ko po kayo kaya 'wag na po kayong magalit ha? Bibili po ako ng maraming-maraming pasalubong.

Kita-kits na lang, Mom and Dad. Mahal na mahal ko po talaga kayo. At pagbalik ko po dito, sigurado akong maayos na ako. Babye na po. Love you ulit. Mwah.

Your Baby,
Shaila

P.S.
Alam niyo po bang maraming magandang university sa pupuntahan ko? Pinagiisipan ko pa po kung doon na lang ako magka-college. Malay niyo po baka pagbalik ko eh kaya ko ng i-manage ang ibang companies natin.

P.P.S.
Pinagiisipan ko pa lang naman po, Mom and Dad, kaya please, 'wag pong OA ah? Labyah!

And as I fold the paper, another bunch of tears flow through my cheeks.

Kahit hindi madrama ang sulat na ginawa ko para sa kanila eh hindi ko maiwasang maiyak.

Sino ba naman ang hindi iiyak kung mapapalayo sila sa mga taong mahal nila 'di ba?

Pero ano pa ba ang magagawa ko bukod sa kayanin ang lahat ng ito and hope na sana, sana pagbalik ko rito eh maayos na ako ulit.

Kasi ginusto ko namang mahalin siya eh.

Ang mali ko lang eh hindi ko napaghandaan yung mga posibleng mangyari kaya nauwi sa ganito.

Oo na, kasalanan ko na. Oo na, ako na ang tanga. Ako na ako na ang martir.

Pero hindi pa naman huli ang lahat eh. Eto na nga, oh. Ginagawa ko na ang first move.

-

"What do you mean by hindi alam nila Tito at Tita na aalis ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Sapphire.

Kasalukuyan ng lumilipad ang eroplanong sinasakyan namin papuntang America.

Eto na talaga 'yon. Sa wakas eh magkakaruon na ako ng time para mag-heal at ng time para maayos ang buhay ko.

"Ate, alin ba sa hindi nila alam ang hindi mo maintindihan? Kaloka ka. Kanina pa ako paulit-ulit! Hindi nga nila alam, okay?! Wala silang alam na pupunta ako ng ibang bansa!" Inis na sabi ko. Kanina pa 'tong si Ate Sapphire eh. 'Pag ako nabwisit eh lilipat talaga ako ng upuan ng matahimik naman kahit papaano ang mundo ko.

"Tss. Kung gano'n eh tatawagan ko na sila to inform them." Sabi niya sabay labas ng iPhone niya sa hand carry niya.

"No! You don't need to do that! Nagiwan na ako ng letter so malamang ngayon eh alam na nila." Pag-pigil ko sa kanya.

"Pero sinabi mo ba kung saan tayong bansa pupunta?" Tanong niya.

"Hindi. For sure eh papauwiin ako no'n at hindi na ako papayagang mag-artista. Kaya pwede ba, Ate? Huwag ka ng makielam, please? Huwag mo na silang tawagan." Paki-usap ko. Tinitigan niya naman ako.

"Hindi lang 'to tungkol sa taping ng Prinsesa at sa shooting, tama ba ako?" Sabi niya. Napa-iwas naman ako agad ng tingin.

"This is also about your heart, Jayden's feelings and Amber's return." Sabi niya. Hindi ko naman na tinanggi kasi no sense na rin naman. Kilala niya na ako at wala na akong lusot.

"So, tell me, Shaila, pumayag ba si Amber na balikan si Jayden nung pinakiusapan mo siya?" Tanong niya. Hindi na lang ako sumagot.

Hindi naman kasi maganda yung kinalabasan nung pakikipagusap ko kay Ate Sienna eh.

Oo, hindi naman nagbago yung pakikitungo ni Ate sa akin. Sobrang bait niya pa rin at kinakausap niya pa rin ako.

Pero hindi naman sila nagbalikan ni Jayden.

Wala ring kwenta yung pagsampal niya sa akin. Tss.

"Kitams. Wala namang palang nangyari eh. So, pwede ba? Stop na, Shai. Mamaya eh hindi naman pala talaga sila ang para sa isa't isa. Malay mo kayo pala ni Jayden ang magkakatuluyuan." Sabi niya. Napa-irap na lang ako at nagsuot na ng earphones tapos pumikit na.

Ayoko ng umasa.

Mamaya lalo lang ma-damage ang puso ko.

----

Simple PrincessWhere stories live. Discover now