Chapter 27
Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto niya. Torn between knocking and going back to my room.
Actually, kanina pa ako nandito. Siguro mga 30 minutes na ang nakakalipas pero naka-tanga pa rin ako.
Nung narinig ko kasi yung sinabi ni Monique sa garden a few days ago, pinagisipan ko kung kakausapin ko ba siya.
At nakapagdesisyon na akong kakausapin ko na talaga siya pero ewan ko ba dito sa katawan ko. Ayaw sumunod sa akin. Ayaw kumatok, ayan tuloy, hindi ako makapasok.
Alam ko naman na eto ang tamang gawin pero minsan kung ano ang tama eh 'yon talaga ang mahirap gawin.
Pero no! Kaya ko 'to! Kakausapin ko na siya.
Didikit na dapat yung kamay ko sa pinto para kumatok na finally pero bigla namang bumukas 'yon at bumungad sa akin ang magandang mukha ni Ate Sienna.
Ate Sienna daw ang itawag ko sa kanya para lahat daw kaming mga babae eh nagsta-start sa S yung pangalan tapos si Dad lang yung A.
Oh 'di ba? Ang arte lang? Kaloka. Kahit ano naman ang itawag sa akin eh sa A pa rin naman nagsta-start ang second name ko eh. Pati na rin ang second name niya at ang second name ni Ate Sheena.
Pero hayaan na, malakas talaga ang trip niya eh.
"Oh, hi, baby sis! I was about to go to your room para sana yayain kang mag-shopping." Naka-ngiting sabi niya. Napa-ngiti na lang rin ako.
Oo, siya ang ex-girlfriend at mahal pa rin ng taong mahal ko pero that doesn't change the fact na Ate ko siya. Na mabait siya sa akin. At na nararamdaman kong mahal niya ako.
Akala ko nung una ay galit ako sa kanya. Pero mali pala ako. Hindi ako galit sa kanya. Galit ako sa ginawa niyang pag-iwan kay Jayden.
Pero ngayon, narealize ko na wala nga pala akong karapatan na magalit sa ginawa niya.
Kasi sino ba naman ako 'di ba? Isa lang naman akong babae na nagmamahal kay Jayden. But unfortunately, hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko.
"Are you free today? Wala ka bang taping, shooting or other commitments? At saka bakit ka nga pala nandito sa harap ng room ko? Do you need anything?" Tanong niya habang naka-ngiti pa rin.
"Wala po akong gagawin ngayon. Pero I want to talk to you about something. Something really important." Sagot ko.
"As in ngayon na ba? Hindi ba pwedeng after na lang nating mag-shopping?" Naka-pout na sabi niya.
"Pero, Ate, kasi ang mall naman eh makakapaghintay at saka ang dami-dami mong ng damit at sapatos eh kaya unahin na natin ang kailangan kong sabihin habang may lakas pa ako ng luob." Sabi ko.
Mamaya eh tuluyan ng magbago ang isip ko at hindi ko na talaga siya kausapin.
"Kakausapin mo lang ako pero kailangan talaga may lakas ng luob? Oh em gee! Gano'n ba ako kaintimidating? At saka hindi naman kita aawayin ah! I so love you kaya!" Sabi niya sabay nag-pout na naman.
"Alam mo, Ate, hindi talaga ako sigurado kung sino sa ating dalawa ang mas matanda eh. Mas isip bata ka pa kesa sa akin eh. Tss. Huwag kang ma-drama, papasukin mo na ako sa kwarto mo at ng masabi ko na ang kailangan kong sabihin." Sabi ko sabay medyo tinulak pa siya para tumabi siya at maka-daan ako.
Yes, close na kami. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos na magkasama kami eh lagi niya akong dinadaldal at inaayang lumabas so sa tingin niyo, hindi pa ba kami magiging close?
"Oh, ano na ang sasabihin mo? Wait. Let me guess. Is this about showbizness? Ay, 'wag mo akong kausapin tungkol sa mga ganyang bagay. I'm just a model, not an actress. Kaya wala akong alam diyan." Sabi niya.
YOU ARE READING
Simple Princess
RandomI was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as my world change, my own fairytale also started with a "Once upon a time" but will it also end with a "Happily ever after"?
