Chapter 26
"Nagkabalikan na ba sila?" Tanong ko agad kay Monique nung makarating na kami sa may garden part nitong WBU.
Uwian na at talagang inaya ko siya dito para lang malaman kung mag-boyfriend at girlfriend na ba ulit si Jayden at Ate Amber.
Oo na. Ako na ang tanga. Oo na. Ako na ang martir.
Pero kasi kapag natanggap mo na sa sarili mo na kahit kelan eh hindi ka magugustuhan ng taong mahal mo, ikaw na mismo yung gagawa ng paraan para lang maging masaya siya.
Oo, hindi 'yon sa piling mo pero at least sasaya siya 'di ba?
At kapag masaya naman na ang taong mahal mo eh sasaya ka na rin eh.
Syempre hindi mawawala yung parte na masasaktan ka. Sino ba naman kasi ang taong hindi masasaktan kapag hindi siya mahal nung mahal niya? Wala naman 'di ba? Kahit nga kapag nalaman mo na may crush na iba yung crush mo eh masasaktan ka na eh. Edi lalo na kapag mahal na.
Pero the pain will eventually subside naman eh. Kailangan ko lang magtiis ngayon.
"Sino ang magkakabalikan?" Literal akong napatalon dahil sa sobrang gulat. Napa-hawak rin ako sa dibdib ko kasi parang sasabog na ang puso ko.
Ay, teka, paano pa nga pala sasabog ang puso ko kung basag na talaga 'to?
"Papatayin niyo ba ako sa gulat, ha?! Tsk! Wait, ano nga pala ang ginagawa niyo? Paano kayo naka-pasok dito? Bakit kayo nandito? " Sunod-sunod na tanong ko.
"Isa-isa lang naman ang tanong, girl! Okay, first question, ano ang ginagawa namin dito? Obviously, kinakausap ka. Second question, paano kami naka-pasok? Malamang eh dumaan kami sa gate. Hindi pa naman kami mga unggoy para akyatin ang napaka-taas na bakod nitong eskwelahan niyo. And lastly, bakit kami nandito? Hay, gosh, kayo na ang sumagot, guys, nagiinit na naman ang ulo ko. Tss." Sabi ni Jennaira. Napa-kunot naman ang nuo ko. Adik din 'tong babaeng 'to eh. Yung last question pa talaga ang hindi sinagot.
"Nandito kami kasi parang naka-limutan mo na kami! Aba, teh! Baka ang huling pagkikita pa natin eh nung sumama kami sa pagsundo kay Ate Amber and mind you, that was already a month ago! Nakakaloka kang babae ka! Alam naman naming busy ka sa trabaho at school pero ni tawag o text man lang eh wala kaming natatanggap galing sa 'yo!" Inis na sabi ni Rissalaine.
"Tapos hindi ka rin sumasagot sa mga tawag, text, chat, tweet at e-mail namin sa 'yo! Ano ba talagang nangyayari sa 'yo, ha? Nase-sense namin na may problema ka." Sigaw ni Kayelyn. Medyo napa-atras naman ako kasi mga mukhang badtrip na talaga sila.
"Calm down, guys. She'll explain." Sabi ni Monique. Sabay-sabay naman silang tatlo na umismid at umirap pero umupo rin naman sa mga bench afterwards.
"Sige na, Shai. Start explaining yourself." Sabi ni Clarice sabay binigyan pa ako ng re-assuring smile. Sa kanilang apat, siya lang talaga ang hindi highblood ngayon.
"Una sa lahat, gusto kong magsorry kasi nawalan ako ng time para sa inyo. Sorry talaga. Pangalawa, gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko kayo nakalimutan. Kayo na rin ang nagsabi na busy ako. Well, totoo naman kasi talagang busy ako. Dahil bukod sa school works at catching up with Ate Amber eh nagte-taping at shooting pa ako tapos may mall tours at TV guestings pa ako kaya kahit ang pago-open ng twitter account ko eh isang luxury. And lastly, I promise, I'll make it up to you, guys. Babawi talaga ako. But hindi pa sooner, okay? Tatapusin ko muna ang lahat mg commitments ko at saka tutal, 3 months from now naman eh ga-graduate na tayo kaya medyo luluwag na ang schedule ko at mapapadalas na ang bonding natin." Sabi ko sabay ngumiti sa kanila.
I'm sorry, guys. Hindi ko gustong magsinungaling sa inyo pero kailangan lang talaga eh. May mga bagay kasi na mas maganda kung hindi niyo na lang malaman. At saka hindi naman lahat ng sinabi ko eh puro kasiningalingan eh. Yung iba naman ay pawang katotohanan eh. Lalo na yung taping, shooting, mall tour at tv guesting part.
Pero sana pagdating ng panahon eh maintindihan niyo rin. Mahirap sa akin 'tong mga ginagawa ko. Mahirap para sa akin na maglihim sa inyong lahat.
Pero after this, sigurado na talaga akong aayos na ang lahat.
Maaayos ko na ulit ang buhay ko.
Maaayos ko na ulit ang sarili ko.
Maaayos ko na ulit ang puso ko, hopefully.
"Oh, babawi naman pala siya. Sige na, 'wag ng mainit ang ulo, guys. Patawarin niyo na siya. At saka 'wag niyo ng dagdagan pa ang stress at mga iniisip nitong babaeng ito. Baka mabaliw na 'yan at 'pag nalaman ng fans niya na tayo ang dahilan eh baka ipa-salvage tayo no'ng mga 'yon." Sabi ni Clarice.
"Tss. Para namang may magagawa pa kami. Oo na, sige na, bati na tayo. Pero basta babawi ka ah! Subukan mo lang hindi, gugulpihin ka na talaga namin!" Pagbabanta ni Kayelyn. Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila ng sobrang higpit. Wala namam silang nagawa kundi tugunin ang yakap ko.
"Ano ba 'yan, Shai! Bitaw na! Hindi na kami makahinga! At saka baka magkapalit-palit na tayo ng mukha!" Sigaw ni Rissalaine.
"Para namang iiwan mo na kami at nagpapaalam ka na kung maka-yapos ka eh!" Angal rin ni Clarice.
"Ay, aba! Subukan mo lang kaming iwan, babaliktarin talaga namin ang mundo para lang mahanap ka. At kapag nahanap ka na namin eh ipapatapon ka namin sa sun!" Sigaw ni Jennaira. Medyo natigilan naman ako pero hindi ko na lang pinahalata sa kanila.
Malamang eh pipigilan lang nila ako kapag nalaman nila.
And I can't afford that to happen.
'Yun lang kasi talaga ang tanging paraan ko para matanggal yung sakit. Para kahit papaano eh maging okay na ako.
"Grabe naman! Sobrang brutal naman no'n! Hindi ba pwedeng iba na lang?! Yung mga tipong sa Korea niyo ako ipapatapon! Ang dami kasing gwapo at talented duon eh!" Sabi ko sabay pilit pang tumawa at umarteng kinikilig. May maitutulong rin pala ang pagiging artista ko sa mga ganitong panahon eh.
"Lokaret. Pero speaking of gwapo. Ano ng balita sa lovestory niyo ni Jaydenmyloves mo?" Tanong ni Rissalaine. Muntik naman akong mapasalampak sa sahig. Paupo pa lang kasi ako tapos ginulat ako ng tanong niya. Oo, yung tanong lang. Hindi ko kasi ineexpect na bigla nilang ipapasok si Jayden sa usapan.
Pero buti na lang at hindi ako tuluyang nahulog. Paniguradong walang sasalo sa akin at masasaktan lang ako.
Pero nevertheless, sanay naman na akong masaktan. Medyo immune na nga eh. At onting sakit pa eh feeling ko talagang mamamanhid na ako.
"Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Ganyan ka ba talaga ka-inlove kay Jayden at sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya eh nawawala ka na sa sarili mo?" Sabi ni Clarice habang may kakaibang ngiti pa sa mukha.
"Ewan sa 'yo. Tsk. Humanap ka na kasi ng sarili mong lovelife ng hindi ang lovelife ko ang pinapakielaman mo." Sabi ko sabay umirap pa.
"Alam mo, Shai, ang love ay hindi hinahanap. Kusa 'yong dumarating sa buhay mo at the right time at the right place." Sabi niya. Binatukan ko nga.
"Ang dami mong alam. Oh siya, mauna na kayo sa parking lot. May paguusapan lang kami saglit ni Monique." Sabi ko.
"Ay! Uy, nandito ka pala, Monique!" Gulat na sabi ni Jennaira.
"Ay, hindi, hindi. Wala ako dito. Picture ko lang 'to." Inis na sabi ni Monique sabay umirap pa.
"Bakit kasi hindi ka nagsasalita dyan? 'Yan tuloy, hindi ka namin napansin." Sabi ni Kayelyn.
"So kasalanan ko pa talaga ngayon? Tss. Sige na, lumayas na kayo para makapag-usap na kami at nang matreat na kayo nitong babaeng 'to. Sige kayo, baka mamaya eh tawagan na lang 'to bigla at papuntahin sa set nila. Imbis na nakapag-catch up na kayo eh mauuwi pa sa wala." Sabi ni Monique. Sabay-sabay naman silang tumakbo papunta sa parking lot. Mga lokaret talaga.
"You're planning to do something pero obviously eh ayaw mong malaman namin." Sabi niya nung medyo nakalayo na sila Jennaira.
"Malalaman niyo lahat-lahat. Pero hindi pa sa ngayon." Sabi ko. In due time, guys. In due time.
"Okay. I'm counting on that. Pero sana alam mo ang ginagawa mo, Sha. Huwag kang magpadalos-dalos, okay?" Sabi niya. Tumango-tango naman ako.
"And tungkol doon sa tanong mo, no, hindi pa sila nagkakabalikan. At sa tingin ko eh ayaw na nilang magkabalikan."
---
YOU ARE READING
Simple Princess
RandomI was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as my world change, my own fairytale also started with a "Once upon a time" but will it also end with a "Happily ever after"?
