Chapter 25
"Oh, Shai, why are you here?" Takang tanong ni Ate Sapphire pagkapasok ko sa tent niya dito sa set ng shooting namin.
Dito talaga ako dumiretso dahil wala naman na akong ibang makakausap bukod kay Ate Sapphire. Kasama nila Mom sila Jennaira eh.
"And why are you crying?! Sino ang umaway sa 'yo?! Lika, resbakan natin!" Inis na sabi niya nung tuluyan niya ng makita ang namamaga kong mata dahil sa kakaiyak.
"Calm down, Ate. Sige ka, 'pag nakita ka ni Tita eh malamang palayuin ka na no'n sa akin dahil iisipin niyang bad influence ako sa 'yo. Sobrang prim and proper mo bago mo ako makilala tapos ngayon eh para kang gangster na walang ka-class-class." Sabi ko sabay pilit siyang pina-upo. Para siyang handa ng sumugod sa gyera eh.
"Eh kasi naman, Shai! Look at yourself! Not that I'm saying that you are ugly ah. You're still beautiful. Pero kasi you also look wasted! 'Yang mata mo sobrang namamaga! At 'yang ilong mo, dinaig pa ang ilong ni Rudolf sa pagkapula! Bakit ka ba kasi talaga umiyak, ha? At saka, 'di ba ngayon darating yung long lost sister mo? Bakit nandito ka? Pumayag naman si Direk na hindi mag-shoot ng mga scene mo ngayon ah." Sabi niya habang inaayos ang buhok ko.
"Ang dami mo namang tanong, Ate. Naste-stress ako lalo." Reklamo ko. Akma niya naman akong babatukan pero lumayo ako. Syempre, sino bang gustong masaktan? Wala naman 'di ba? Wala.
"Huwag highblood, Ate Sapphire. Papangit ka niyan, sige ka. Pero sige na nga, magke-kwento na ako. Tutal 'yon naman talaga ang ipinunta ko dito eh." Sabi ko.
"So, magkakaruon tayo ng bedtime story kahit tirik na tirik ang araw. Wow, ang saya naman." Sarcastic na sabi niya. This time eh ako naman ang umakmang babatok sa kanya pero umiwas rin siya.
Sabi sa inyo eh. Walang taong gusto masaktan kaya kahit mahirap, iiwas na lang. At lalayo.
"Joke lang. Isa ka ring dakilang highblood eh. Osige na, magstart ka na at baka abutin tayo ng madaling araw." Sabi niya. Nagbuntong-hininga muna ako bago nagsalita.
"Of course you know Jayden. And of course you also know about my feelings for him and his feelings for Amber, right?" Sabi ko. Bigla namang nanlaki yung singkit niyang mata.
"You know about Amber? H-how...?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Nung pumunta ako sa condo niya para ihatid siya kasi nalasing siya eh nakapasok ako do'n sa kwarto niya at dyn ko nakita yung paintings niya. At saka one time rin eh nakwento na siya sa akin ni Jayden pero hindi niya lang pinangalanan." Sabi ko.
"O...kay. So, what about that damn girl who left Jayden without a single goodbye?" Taas-kilay na tanong niya. Badtrip rin pala siya kay Ate Amber.
"Well, she is back. I-- we, me and Jayden saw her earlier. And of course, my family also saw and welcomed her with open arms because she happened to be the sister I lost a long time ago." Sabi ko. And I expect violent reactions from her pero nanatili lang siyang naka-nganga at tulala.
"A-are you joking or something? I swear, hindi nakakatawa, ah." Sabi niya after a while.
"Itsura ba akong nagjo-joke, Ate Sapp? Oo, alam kong itsurang isang malaking joke ang mukha ko ngayon kasi nasa disheveled state ako pero I can't joke about this topic, Ate. Mahirap malaman na ang karibal mo pala sa taong mahal mo eh yung matagal mo ng nawawalang kapatid. At mas mahirap malaman na mahal pa rin nila ang isa't isa after all these years. Pero sa lahat ng mahirap, ang super duper hirap talaga eh yung gustuhin ng isip mo na mag-give way at let go pero hindi naman kayang gawin ng puso mo." Sabi ko sabay napahagulgol na naman. Niyakap niya naman ako.
Sa pagkakaalam ko eh fourth year high school student pa lang ako. 15 years old.
Pero bakit ganito na katindi yung mga pinagdadaanan ko?
YOU ARE READING
Simple Princess
RandomI was just a simple girl but then big changes came that maneuvered my world into a 360 degrees turn. And as my world change, my own fairytale also started with a "Once upon a time" but will it also end with a "Happily ever after"?
