Chapter Seventeen

2 2 0
                                    

The situation was awkward. Only Tita Cristina and the one called Geraldine, the mother of Sante talked the whole time while we were at the living room. Pero, hindi ko pinagsisihan ang mapabilang sa kanilang pagtitipon ngayon. Sentro ng usapan nila ngayon si Vestine at hindi ko hahayaang bubuwagin ng ina niya ang aming relasyon.

Her mother just gave me a plain looked and smirked, the whole time. Nakakahinga lamang ako ng maluwag ng umalis ito upang ilibot ang ina ni Sante. Vestine didn't care how her mother would react, she just leaned her head on my shoulder like nothing happened.

“What's your plan about this problem, Cristina. Akala ko ba ay wala na tayong problema?” Nahuli ko ang pagtapon ng tingin sa akin ng ina ni Sante.

Inilapag ni Tita Cristina ang dala niyang tray at umupo. Hinawakan niya ang hita nito at binigyan ng nangungusap na tingin. Binigyan niya ako ng tingin at ibinalik ito sa kanyang kausap. Sante remained looking at the floor while fiddling his fingers.

“Ako ang bahala, Geraldine. Aayusin ko ito. Sisiguraduhin kong walang babalakid sa ating plano.” Iniwas ko ang aking paningin bago pa man mahuli ni Tita Cristina na ako'y nakikinig sa kanilang pag-uusap.

Napaayos ako ng upo ng napatingin sila sa gawi ko nang malakas na tumunog ang aking telepono. I excused myself and went out upang masagot ang tawag ni mama. Sinundan ako ng tingin ni Vestine kaya sumenyas akong babalikan ko siya pagkatapos ko itong sagutin.

“Finn, nasaan ka?” pambungad na tanong ni mama sa kabilang linya.

“Nandito po sa bahay ni Vestine, Ma. Nagpaalam naman po ako kay Papa kanina.” sagot ko.

“Iyon ang problema, Finn. Wala ang papa mo rito sa atin. Pumunta lang ako sa kapit-bahay nang saglit kanina, pagbalik ko sa atin wala na siya.” natatarantang paalam ni mama.

“Baka may pinuntahan lang, Mama. Babalik iyon.” sagot ko upang lumuwag ang kanyang pakiramdam.

“Saan naman nagpunta ang ama mo, Finn? Kanina pa iyon at saka hindi niya naman gawain ang umalis ng hindi nagpapaalam sa akin.” Mom's word alerted me. “Magdadalawang oras na ang lumipas, Anak.”

Namataan ko ang paglabas ni Vestine mula sa kanilang bahay. Her expression changes when she saw my face.

“What happened?” she mouthed.

“Sige, Ma. Uuwi na ako.” paalam ko bago ibinaba ang tawag. I faced Vestine and held her arms. “Nawawala ang papa, kailangan ko ng makauwi.”

Her brows furrowed hearing my news. She nodded and gave me a worried look. “Mag-iingat ka. Unahin mo muna ang tatay mo, Finn. Ako na muna ang bahala rito.”

“Thank you. Ipagpaalam mo na lamang ako sa mommy mo.” I uttered cupping her face. I planted a peck on her forehead before bidding goodbye. I tried calling Papa's number but it was out of the coverage area. Nervousness begin to occupied my body. This is not him.

“Naabutan ako ng traffic, Mama. Nandito pa ako sa crossing.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Hindi pa rin po ba sumasagot si Papa?”

“Cannot be reach pa rin ang telepono ng ama mo, Finn.” Tumango ako. I ended the call ng umusad na ako sa aking pwesto hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa trapiko. Ngunit kahit pa man ay banayad na ang kalsada ay nanatiling mabagal ang takbo ng aking motor. Nagbabakasakaling nasa tabi lamang ang papa. Baka kasi may binili siya at nagkulang ang kanyang pera.

Namataan ko ang isang itim na SUV sa harapan ng isang mamahaling restawran na kailangman ay hindi ko pa napapasukan, ang Croatia Restaurant. May kakaibang kutob ako kaya ihininto ko ang aking motor at pinagmamasdan ito, ganoon na lamang ang kabang aking nararamdaman ng matanaw ang pamilyar na bulto ng isang lalake. Dumoble ang kabang aking nararamdaman ng makitang napapaligiran siya ng mga armadong lalake.  Agad akong pumarada sa hindi kalayuan at tumakbo upang maabutan si papa.

“Papa!” tawag ko na ikinalingon nilang lahat. Sa halip na nangangambang tingin ang igagawad sa akin ni papa ay binigyan niya ako ng ngiti at sumenyas na lumapit sa kanila. Sa bawat hakbang ko sa hagdan palapit sa kanila ay sinuri ko ang kanyang mga kasama. Habang napapaligiran siya ng mga naka-unipormeng tauhan ay may isang matandang nakaagaw sa aking atensyon na katabi niya.

Nabigla ako ng binigyan ako nito ng masayang ngiti. If I ain't mistaken, that old man was in the middle of 60's. His suit looks expensive kaya hindi ko maiwasang hindi maghalusinasyon. May utang ba kami sa kanya kaya niya kinuha si papa? Or was it, this old man own an—no, hindi gagawin iyon ni papa kahit mahirap kami.

“Magmano ka sa lolo mo, Finn.” utos ng papa ng makalapit ako sa kanila. My eyes widened in shocked. This is my first time hearing and meeting him in my entire life. Ang buong akala ko ay wala na siya dahil wala akong narinig na balita mula kay papa, I didn't expect he's still alive and looking good and expensive.

“Nice to meet you, my dearest grandson! Ang laki mo na!” komento nito habang nakangiting tinapik ang aking balikat.

Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong reaksyon, ako'y naguguluhan sa mga pangyayari. Tumabi ako kay papa samantalang ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap.

“Nakarating sa akin, Frox, that my grandson is doing great in school!” Binigyan niya ako ng ngiti at ibinalik ulit kay papa ang atensyon. “Maybe, this is the right time. He can surely handle our business very well and bumalik na kayo! That incident happened long time ago  was already closed.”

I excused myself upang matawagan si Mama, also I felt like they were talking using an alien language, hindi ko sila maintindihan.

“Nahanap ko na po si Papa, Mama!” pagbibigay-alam ko.

“Talaga! Salamat sa diyos!” she uttered with a sigh of relief. “Saan mo siya nahanap, Anak?”

“Sa Croatia Restaurant po, Mama.”

“Paanong napadpad ang ama mo ryan, Finn, ganoong napakamamahalin ng restawran na iyan.” agarang tanong ni Mama

“Kasama niya po si Lolo.” Katahimikan ang bumalot sa linya ni mama. “Ma, nandiyan pa po ba kayo?”

“L-Lolo? Nandito na ang lolo mo?” Hindi makapaniwalang saad ni Mama sa kabilang linya.

“Opo.” Napakurap ako sa reaksyon ni Mama at hinagis sa malalim na pag-iisip.

Fighting for his Affection (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon