"Ganun? So paano kung malaman niya ang ginawa mo sa ER noon?" nagulat ako sa sinabi niya. Oo nga pala hindi ko pa naikukuwento kay Mia lahat-lahat. Karapatan niyang malaman yun.


Lumapit ako sa kanya. Buong tapang ko siyang sinabihan na huwag siyang makialam sa buhay naming dalawa. At huwag niya akong pangunahang sabihin kay Mia ang nangyari sa ER, at kung bakit may isang buwan akong nawala sa ospital dahil nasuspinde ako due to that issue.


Ngumiti-ngiti lang ang loko-loko na ito. Mas lalo akong nagalit na kabado na baka anytime, may marinig si Mia about sa nangyari.


"Tapang mo pa rin bata!.....Oh, baka diyan, magbago isip mo. Yan o ibabalik mo si Mia sa akin" sabay abot sa akin ng isang brown envelope.


Habang binubuksan ko yung envelope ay naramdaman kong naglalakad siya patungo sa sasakyan kong nakahinto sa gilid. Mabilis niyang binuksan ang pinto, kinuha ang tuxedo kong nakahang sa likod, tsaka nagpabango gamit ang perfume na binili ni Mia for me.


"Aba loko to ha" patakbo na akong bumalik sa sasakyan ko pero bigla naman siyang kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan niya. Baliw na ba talaga yun? Pati damit ko at pabango gustong angkinin?


Hindi ko natuloy ang pagbukas ko sa envelope. Sa halip ay nagdali-dali na lang akong pumunta sa sasakyan ako. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita ko ang sampung missed calls from Mia and texts. Napahawak ako sa noo ko.


"I'm coming Mahal" nasabi ko sa sarili ko as I started the car.




Pagdating ko sa resto ay nakapatay lahat ng mga ilaw. Kinabahan ako kasi usually naman ay maliwanag ang entrance dito.


Maya-maya may nakita akong lalaking humahabol sa isang....."Mahal?"


Napatingin muli ako at tama nga, si Mahal nga yung tumatakbo papalayo sa lalaki. Nang nakatiyak akong pumasok na si Mia sa private dining room ay nilapitan ko ang lalaki. Laking gulat ko dahil si Bruno na naman ang nakaharap ko. Ayos na ayos siyang tulad ko, mula sa pananamit na kinuha niya sa sasakyan ko kanina, pati ang pabango, ang ayos ng buhok, lahat.


Lumapit ako at kinwelyuhan siya, "Hindi ka ba nakakaintindi. Sinabi ko nang wag na wag mong lalapitan si Mia!!" 


Buong lakas ko siyang sinuntok pero tumatawa lang ito sa akin habang pinapahiran niya ang kaunting dugo sa gilid ng labi niya dahil sa suntok ko.


Tumingin siya nang mayabang sa akin, "So I guess di mo pa rin nabubuksan yung envelope. Once na nabuksan mo na yan, tawagan mo ako. Let's have our deal sealed"



Binitawan ko siya at napalingon ako sa kaunting siwang sa private dining room kung saan nagtatago si Mia. Unti-unti na niyang binubuksan ang pintuan kaya kumaripas ako ng takbo at hinablot siya sa dilim.


Nang nakarating na kami sa cafe, nakita kong tulog na tulog siya kaya napagpasiyahan ko na huwag muna siyang gisingin.


Naisipan kong buksan ang brown envelope. Nagdadalawang-isip ako actually kasi hindi ko alam kung anong makikita ko sa loob nito pero ginawa ko pa rin. Parang di ako matahimik if hindi ko man lang ito nabasa.





Maraming papel ang laman nitong envelope pero lahat ay galing sa neurology department ng ospital na pinagtatrabahuan ko.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong pangalan ang nakasulat doon.



"Mahal?"



Napatingin ako kay Mia na mahimbing ang pagkakatulog. Hinaplos ko ang pisngi niya pero hindi ko mapigilang may tumulong luha sa mga mata ko.



"Mahal? Bakit?"



Bago ako tuluyang umiyak sa driver's seat ay gumalaw si Mia sa pagkakahilig ng ulo niya sa bintana. Binalik ko agad lahat ng papel sa envelope at pinahiran ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko.



So ito pala ang deal na inooffer ni Bruno sa akin? Bakit naman sa ganitong paraan pa? It leaves me no other choice but to.....



Hinawakan ko muli ang pisngi niya at dinampian siya ng halik sa noo, "Gising na Mahal, andito na tayo"


Tumitig siya sa akin for a couple of seconds at yumakap. Ramdam ko ang pagmamahal everytime na magkayakap kami. 


I do not want to lose her but if it's the only way to save her, I think I should give in. Napakabigat sa puso ko ang gagawin kong desisyon but it's for her, right? Lahat naman para sa kanya, sa kanya lang. 



Right?

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now