"Ofcourse not..." Tipid kong sagot. Kailangan ba nilang malaman na ikaw ang nagugustuhan ko?



"Well, well, well... sumama nalang kayo sa 'kin..." Uminom ulit s'ya ng beer, "Birthday kasi ni Alessa... matagal pa naman mga pare sinasabi ko lang kasi excited na 'ko at kasama si Sarina syempre! Kaya okay na okay 'yun! Ang kaso ayaw ako isama ng babaeng 'yun! Andun pa naman yung babaeng gusto kong pormahan..." Tumawa s'ya, ako naman ay interesadong nakikinig sa kanya, "Kukulitin ko pa si Sarina..." Nangingiting nilaklak ang alak na hawak.



"Pass... may date kami ni Veronica. Baka bibigay na ang isang 'yun!" Singit naman ni Gio.



"Ilang taon na s'ya..." Para akong tangang basta nalang nagsalita.



"Si Veronica?" Nanlaki ang mga mata ni Gio, akala yata nito ay type ko ang babaeng 'yun, "Bente dos... bakit?"



"Si Alessa... gago!" Bahagya akong natawa.



"Pota, kilig ka, Pre!" Hinampas ako ni Jetro.



"You like her??" Tinakpan ko ang tenga ako dahil ang lakas ng boses nilang dalawa. Ano namang masama kong magustuhan ko s'ya...



"May masama ba?" Hindi ko napigilang mapangiti.



Nagtawanan silang dalawa, "Malamang masama! gago, kapatid 'yun ng jowa mo!" tawa ng tawa si Jetro...



"Hindi ko naman sinabing gusto ko s'ya, ang sabi ko kung may masama ba 'don?" Pagpapalusot ko.




"Wala akong maipapayo sayo..." Natatawang paring sabi ni Gio, "Dahil masama nga 'yan..."




"D'yan na nga kayo... uwi na ko! Baka malasing lang ako sainyo, hihina n'yo pa naman!" Pangbubuska ko.



"By the way, Pare... pihikan yang si Alessa. Nagmana ata sa Lola n'ya..." Tinapik tapik ni Jetro ang balikat ko, "Kay Deinna ka nalang..."



"Oo nalang." Naglakad ako palabas ng unit ni Gio.




Titig na titig ako sa screen ng cellphone ko, hindi ko alam kung tama ba itong naisip kong paraan para makita s'ya...

Midnight Lover (Completed)Where stories live. Discover now