Chapter 1

5.4K 55 0
                                    

"Mama, mag aaral po ako ngayong taon. Gusto ko pong mag aral." sambit ko kay mama na busy sa paninigarilyo.

"Magtigil ka nga, Arabela. Wala na nga tayong pangbili ng pagkain, pag aaral pa ang aatupagin mo!" padabog niyang binaba ang kanyang sigarilyo at umalis ng bahay.

I bit my lower lip and cry. Minsan iniisip ko. Bakit ba ganito ang ibinigay na buhay sa akin ng panginoon?

Umiling ako at kumain na lang. Kailangan kong makapag aral para maihaon sa buhay ang pamilya ko.

Ako lang ang anak nila Mama at Papa. Masaya kami noon ngunit nang nagkaroon ng trahedya ay nalugi ang kompanya. Nagkanda letche letche na at hindi ko na alam kung anong nangyari sa buhay namin.

Kumbaga, para kaming ibon na naputulan ng pakpak.

"Bela, halika sa kwarto. May pag uusapan tayo ng tatay mo!" sigaw niya at pumasok sa kwarto nila ni Papa.

Kinabahan agad ako. Hindi ko alam kung ano ito. Ngunit sa tingin ko ay hindi maganda.

At sana mali ang kutob kong ito. Namamawis ang kamay ko at nakayuko lang nang pumasok ako.

Nakita ko si Papa na may hawak na bote ng Empirador at si Mama na nakataas ang kilay sa akin.

"Ano po ba 'yon, Mama?" magalang kong tanong.

Umismid si Mama. "Bela, malaki ka na. Isa ka nang ganap na dalaga ngayon."

Nanginginig ang aking mga kamay at nahihirapang huminga. Tumango ako at pumikit.

Mukhang alam ko na ang takbo ng usapan na 'to...

"Ayaw man namin ipakasal ka pero wala kaming magawa."

My eyes widened. "Ano po? Ako ikakasal?!"

"Magulang ang kausap mo, Bela! Galangin mo naman kami!" matigas at pirmadong pagkasabi ni Papa.

Unti unting pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I want to protest for myself. Oo nga't magulang ko sila but still this is my life.

"Hindi! Bata pa lang ako! I'm just 18 years old! Hindi pa ako tapos sa pag aaral. Paano na po iyon?"

Binasag ni Papa ang bote at galit na tumayo. "Lintik na pag aaral! Marami tayong utang sa mga Reyal, Bela! Mag isip ka nga! Putangina naman!" malutong niyang sinabi tsaka lumayas ng kwarto.

I feel betrayed. How can my own parents do this to their only child? Paano nilang nagawa na ipagkanulo ako para sa utang ng pamilya namin na hindi naman ako ang may kasalanan?

Naiwan kami ni Mama na tahimik. "Magpakasal ka, anak. Para rin ito sa ikakabuti mo."

"H-hindi ko kaya, Mama....." naiiyak kong sabi.

Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti. "Gawin mo para sa amin ng Tatay mo."

Tumatakbo akong umiyak sa kwarto ko. I hate it! Ayokong magpakasal! At lalong ayokong magpakasal sa hindi ko kilala! Marami pa akong gagawin sa buhay at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.

Hindi pa ako handa sa buhay ng may asawa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kwarto ko. Sa sobrang pag iyak ko ay hindi na kataka takang namumugto ang mga mata ko.

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko sila Papa at Mama na nag aagahan. Masama man ang loob ay sumabay ako sa kanilang kumain.

"Anong nangyari sa pagmumukha mo, Bela?!" galit na sambit ni Papa.

"Nasa hapag tayo ng pagkain." sabat ni Mama.

"S-sorry po, Papa. D-dahil sa pag iyak kagabi." nakayukong aniya ko.

My heartless husbandWhere stories live. Discover now