Opinion only hehez

2.4K 128 66
                                    

Uunahan ko na kayo, o pinyon ko lang to, wag masiyadong magalit hehez.

Una sa lahat naiistress na ako.

Dapat talaga ilalabas ko to sa twitter, kaso wag na, ang daming mata na naka abang sa twitter, yung konting kibot mo, aatakihin ka na. So dito ko nalang ilalabas, atleast konti lang nakakabasa. Saka tbh kung sa twitter ka maglalabas ng opinion, daming elite international fans magagalit, nah im fine here ahahaha.

Wag niyo na ilalabas tong opinyon ko kahit saan, walang magscreencap, walang kahit ano. Kung ayaw niyong i-nail cutter ko mga mata niyo.

Anyway, etong opinyon ko ay regarding sa fancafe rules ng bighit.

Sa totoo lang wala naman talaga dapat akong pakialam sa fancafe ng bighit. Nagkaron lang ako ng pake simula nung naging strict sila.

Una sa lahat, hindi ako leveled up army, for some reasons like i cant understand hangul, i dont have time and money to learn korean, i dont know anyone who can help me translate the quetions, i dont have any korean friends, im not korean. Hindi ako nag-avail nung official army chuu chuu for the reason that I dont have money and Im being practical, hindi ko magagamit yung benefits ng pagpapa official, at saka may mga nagleleak naman ng fancafe photos. At tbh, fancafe photos lang ang habol ko. So ayun, yan ang reasons ko, do respect bago magreact ha.

Eto na, ewan ko kung ano bang seafood ang nakain ng bighit at bigla silang naging strict. Hindi naman ako since debut fan ng bangtan, pero nung skool luv affair era hindi naman sila ganyan kastrict.

Hindi nila pinoprohibit yung ibang photos sa fancafe, nakalimutan ko tawag dun, bts episode ata or staff diary. Basta yung mga inaupload nilang mararaming group photos, hindi naman nila gaanong pinrohibit dati.

Nakakagulat lang kasi bigla nalang niprohibit like tbh pictures lang yun whyy yoouu gotta be so strict and rude.

Eto yung napapansin ko, nahahati na yung ARMY Fandom sa:

Official ARMYs
At yung mga di official army.

Ewan ko, napapansin ko lang .
Ako dun ako sa mga di official army. 90k something ata yung mga may fancafe accounts, nasa 900,000 armys pa ang walang fancafe.

Ako as an army na hindi official, nasasaktan ako doon sa mga comments na "u should've availed the official army registration to be able to level up" "some fans are struggling to learn korean." Like i've said, i don't have money and time. Pake nga wala ako, pera at oras pa kaya.

Well yeah tama naman, paano nga naman yung mga nagbayad sa official army. Parang sayang naman yung binayad nila kung ile-leak lang yung mga contents ng fancafe.

Yeah I do respect them, paano nga naman sila.

Kaso paano rin kaming hindi official. Paano kaminnagtatry na maglevel up, kaso laging denied. Nagpapasalamat nga ako at may mga hulog ng langit at nagpopost ng fancafe photos.

In the first place kasi bakit may official army chuu chuu pa, ano pera pera nalang ahahaj. Sorry pero I prefer na gumasta ng cha ching sa albums kesa magkaron ng access sa site na wala naman ako maintindihan.

Not everyone in the fandom is clean, yan nalang ang comment ko ahahah.

Ang gusto ko lang malaman is, bakit biglang nagstrict yung bighit? I need explanations kung bakit unti unti na nilang nipo-prohibit yung mga bagay bagay.

Yeah bighit might act like a bigshit sometimes. Pero I like the way how they treat their artists, at kuntento na ako don. Simula ngayon pipigilan ko na sarili ko magkaroon ng pake sa fancafe at sa rules nila. Aasa nalang ako sa mga illegal na nagpopost at tahimik na magsesave.

JiminismWhere stories live. Discover now