Muli siyang napangiti ng maalala niya ang ginawa ni Jake kagabi para lamang makatulog siya. Kahit hindi ito kumakanta ay kinantahan siya nito upang mabilis siyang makatulog.

Agad siyang naligo at bumaba ng kusina upang kumain ng tanghalian. Nahihiya siya sab mag-asawang katiwala dahil tangahali na siya nagising.

Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya si Manang Berta na nagliligpit ng mga pinagkainan. Mukhang katatapos lang din nila kumain.

"Magandang tanghali po Manang Berta." Nakangiting bati ni Nathalia sa matandang babae.

"Oh gising ka na pala. Ang sabi ni Jake ay hwag ka muna naming gisingin dahil hindi ka raw nakatulog ng maayos." Malungkot na saad ng matanda.

Tumango siya sa sinabi nito. Lumapit siya sa ref at kumuha ng pitsel na may lamang tubig saka nagsalin sa baso na hawak niya.

"Hala maupo ka na at ipaghahain na kita." Agad na tumalima ang matanda at mabilis na naghain ng pagkain.

"Salamat po Manang." Saad niya bago siya umupo sa harapan ng mesa.

"Hwag kang masyadong mag-isip. Alam kong malalampasan nyo rin ang kaguluhang nangyayari. Mahuhuli din ang may mga sala."

"Sana nga po. Para matapos na ito. Nakaka pagod na rin po ang ganito."

Nakakaunawang ngumiti sa kanya ang matanda. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"May awa diyos anak. Magdasal lang kayo at siguradong didinggin niya ang mga hinaing nyo."

Napangiti siya sa mga salita ni Manang Berta. Naisip niya na bakit ba hindi nagmana dito ang anak nitong si Liza.

Matapos siyang kumain ay hinugasan na niya ang kanyang pinagkainan. Pinipilit sana ng matanda na siya na ang maghuhugas ngunit hindi siya pumagay.

Nahihiya siya rito dahil wala naman siya sa sarili nilang bahay kaya ayaw niyang umasta na parang seniorita.

Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam siya kay Manang Berta na papasyal na lamang siya sa niyugan. Nalaman niyang naroon ang Magandang lalaki na asawa nito at abala sa pagha-harvest ng buko kaya naisip niyang pumunta doon. Gusto niyang makainom ng sariwang bukod juice.

Mababait at wala siyang masabi sa mga tauhan ng ninong James nila. Base sa mga kwento at masayang mukha ng mga trabahador ay mabait na Ami ang mga ito.

"Mam Nathalia ito po, tikman nyo." Ani ni Lando na isa sa mga trabahador sa niyugan. Trabaho din nito ang umakyat sa puno ng niyog at manguha ng tuba na ginagawang alak.

Inalalayan siya nitong makaupo sa kahoy na upuan na nasa ilalim ng puno. Hindi naman napansin ni Nathalia na hinawakan nito ang kanyang braso at beywang dahil excited siyang nakatingin sa buko na nasa mesa. Gusto na niyang matikman ang bagong pitas na buko.

Iyon ang eksenang naabutan ni Jake ng makarating siya sa niyugan. Agad siyang pumunta doon ng sabihin sa kanya ni Manang Berta na naroon si Nathalia. Hindi niya gusto na pupunta si Nathalia doon ng mag-isa kaya naman sumunod agad siya dito ng malaman niya. Hindi rin niya gusto ang mga tingin ng mga kalalakihan kay Nathalia. At hindi nga siya nagkamali.

Agad na nagdilim ang mukha niya ng makita ang simpleng paghaplos ni Lando sa braso at beywang ni Nathalia. Kung hindi lamang masamang pumatay, ay napatay na niya agad ito. Nagtatagis ang bagang niyang lumapit sa mga ito. Nakita pa niya ang simpleng pagngisi ni Lando dahil siguro ay hindi napansin ni Nathalia ang pangmamanyak nito. Kaya lalong nagpuyos siya sa galit.

Nang makalapit siya ay agad niyang kinuha ang baril at pinatunog ang pagkasa nito. Kaya mabilis na napatingin sa kanya ang lahat lalo na si Lando. Namutla ito nang makita siyang. Lalo pa itong namutla at pinagpwisan pa ng makita ang hawak niyang baril.

(Agent Series Book 1) Taming The Arrogant AgentWhere stories live. Discover now