Prologue

168 8 2
                                    


"Elle, patulong naman!"


Huminto ako sa pagta-type at saka napapikit nang lumapit si Solasta sa table ko. Sabi na nga ba't ako ang kukulitin nito dahil absent si Ivo, e!


I sighed. "Bakit?"


"Ang sungit natin today, ah!" sabi niya nang makita ang naiiritang reaksyon sa mukha ko. "Gumising ka ba ngayong araw para magalit sa mundo?"


I straightened my back and placed my arms on the chair's armrest to adjust my sitting position. "May ginagawa kasi ako at importante 'to," I explained. Alam na alam naman nilang ayaw kong naiistorbo ako lalo na kung importante ang ginagawa ko. "Kay Ivo ka nalang mangulit. Papasok na 'yon bukas."


I'm re-reading the proposal for the meeting later. I'm also scribbling down ideas and making detailed notes for additional information. I have to be prepared.


"Sige na naman, Elle, oh." Umupo siya sa bakanteng upuan at pinaglaruan ang mga sticky notes sa lamesa ko. "Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa 'kin," pagmamakaawa niya.


I sighed again. "Ano ba 'yon, Lasty?"


"Malakas ka kay Sir J, 'di ba? Sabihin mo naman sa kanya na ibang project nalang ang ibigay sa 'kin."


"What? No!" I hissed. "Kilala mo 'yon. Kung anong project ang ibigay niya sa 'yo, 'yon dapat ang gawin mo. Alam mong---"


"Oo, alam kong ayaw niya nang pa-iba iba! Kaya nga ako magpapatulong sa 'yo, 'di ba?"


With a raised eyebrow, I expressed my disapproval of what she wanted. "At talagang gagamitin mo 'ko para diyan?"


"Hindi 'no! Pero parang ganoon na nga." She rubbed the bridge of her nose with the tip of her finger. "Please, Elle. Help me. Magkaibigan naman tayo, e."


"Sinong may sabi?"


"Sama ng ugali!" She rolled her eyes. "Sige na kasi. Tulungan mo na ako."


"I know you can do the project, Solasta. Bakit ayaw mong gawin?"


Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Kahit 'di niya sabihin sa 'kin, alam kong ayaw niya ro'n sa project dahil sa personal na dahilan. She should not let her personal issues obstruct her job, right? Work is work.


"Do it. I know you can, so why limit yourself?"


She turned her gaze away from me. "Hindi ko kaya..."


"You'll never know unless you give it a shot," I said, trying to convince her. Sayang naman kasi 'yong project.


"H-hindi ko nga kaya! M-masyadong mabigat para sa 'kin. Hindi ko kayang gawin."


Beneath the Mischiefs of YesterdayWhere stories live. Discover now