Hindi pa ulit kami nag kakalapit ng ganito simula ng malaman kong may nililigawan sya sa kabilang school.

"Ako na, mukhang hirap na hirap ka na." ani nya at isinabit sakanyang balikat ang violet kong duffel bag.

"Ah! Oo! Hiningal na ako hindi ko naman kasi akalain na masyadong malayo ang talon." bawi ko. Muntikan na akong natameme doon, a?!

Inayos nya pa ang strap ng bag sa balikat. Mukha syang boyfriend ko. Napapikit ako. Ang landi mo Primrose! What a flirt.

"Sanay magbitbit ng pang babaeng bag, a? Lagi ka bang pinapagbitbit ng bag ni Daniella?" halos mapamura ako dahil nag dire-diretso ang bibig ko at nabanggit ko pa talaga ang pangalan ng babaeng nililigawan nya.

"Si Daniella? Hindi. Hindi ko na yun nililigawan." sambit nga habang patuloy kami sa paglakad. Napahinto naman ako sa gulat. Ngunit sumunod din kaagad.

Hindi nya... nililigawan? Hindi nya na nililigawan?

"Bakit? Kayo na ba?" usisa ko.

"Hindi. Binasted nya ako." simpleng sagot nya. Agad akong natapilok pagkarinig.

Mabuti at nahawakan nya ang kamay ko at hindi ako dumiretso sa baba.

"Mag-exercise ka naman kasi para masanag ka."

"Ah," I laugh awkwardly "Tsaka na kapag sinipag." sagot ko. Tumawa sya kaya natawa rin ako. Ngunit natabunan ito ng tunog ng paglagaspas ng tubig.

At last! Narinig ko na ang lagaslas ng tubig tubig galing sa Falls! Buti nalang. Kasi kung hindi namin narinig, hindi ko alam kung paano makakaalis sa topic namin.

"Nandito na pala tayo. Ang bilis naman." bulong nya na hindi ko naintindihan.

"What did you say?" I asked.

"Wala. Tara na!" hinila nya ako palapit sa nga kaibigan namin.

Inilapag na nila ang iba nilang gamit. Ang mga babae ay pumunta ng comfort room oara magpalit, nag paalam din si Millie na nag papalit muna sya kaya naiwan ako dito. They should have used their brains. Kung pwede namang isuot nalang agad ang pang ligo nilang damit bakit hindi nila ginawa?

Nakita ko si Damien na may dalang dslr at nag pi-picture na. Nilapitan sya ni Seb at hiniram ito. Binigay naman ni Damien at nag hubad na sya ng kanya t-shirt. Sebastian blocked my vision, sya nalang tuloy ang nakita ko.

"Tara do'n. Kuhaan kita ng pictures." ngisi nya at ipinakita ang dslr ni Damien.

Ngumiti din ako. Namula ang pisngi ko at hindi mapakali ang nga buwaya sa aking tiyan. Tila nag paparty party na sila sa loob dahil sa sobrang kilig ko. Hindi naging sila ni Daniella Rivera! Hindi ko alam kung bakit ba ako nag kakaganito. Ang saya saya ko. Nabasted na nga ang tao pero good news iyon para saakin.

Hindi sila nagkatuluyan. I grinned.

"Wait." saad ko.

"Intayin kita doon." turo nya malapit sa may talon. Tumango ako at tinalikuran sya.

Malaking cottage ang kinuha nila para saamin. Pag talikod ko naabutan ko si Cosmo na nakatingin. Kaming dalawa nalang ang naiwan dito. The others dive into the water while the girls changed their clothes. Nakaupo lang sya katabi ang mga bag at gamit namin. Malamig ang tingin. He looks upset so I didn't bother asking him why he's silent. Kanina lang ay kausap nya pa si Kylie. Baka naman nabasted agad?

Umupo ako sa may tabi nya at 'yon nalang naman ang bakante. Niluwagan ko ang sintas ng aking rubber shoes at pagkatapos ay nag tanggal na ng sapatos.

Endless Lies (Endless Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon