Sa aking panaginip ay may isang nagnining-ning na apoy ang siya'ng nagtuturo sa daan patungo sa paraisong iyon. Aking sinusundan ang apoy hanggang sa nakatungtong ako sa Kryfó dásos, ang gubat na siyang kinakatakotan ng lahat at walang sino man ang nangahas na pumasok sa kagubata'ng iyon.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sa munting apoy ngunit lumipad muli ito papasok sa kagubatan, Sa aking panaginip ay nagda dalawang-isip akong pumasok ngunit tila may sariling buhay ang aking paa ng kusa itong gumalaw at sundan ang apoy.

Mula sa madilim na bahagi ng gubat at nakakatakot na tunog ay tanging ang liwanag ng munting apoy ang siya'ng nakikita ko. Bagama't isa lamang ito'ng panaginip ay ramdam ko ang kilabot sa aking natutunghayan at naririnig.

Patuloy ko lamang sinusundan ang apoy na iyon ng hindi ko namamalayang oras, Ngunit sa ilang oras na aking paglalakad at pagsunod sa apoy ay may natanaw akong liwanag, alam ko'ng may labasan pa ang kagubatang iyon. Lalo'ng bumilis ang lipad ng apoy patungo sa liwanag na aking tinatanaw kaya naman tumakbo na rin ako para ito'y masundan.

"Mia stigmí!" (Sandali lamang!) Pagtawag ko ngunit patuloy pa rin ang kaniyang mabilis na paglakad kaya naman mas binilisan ko rin ang aking pagtakbo hanggang sa hindi ko namamalayang na'sa dulo na ako ng gubat kung saan natanaw ko ang labasan.

Para akong nabato sa aking kinatatayuan ng makita ko ang ganda ng tanawin, para ako'ng nasa ibang mundo, Mundo ng mga diyos at diyosa, sobrang presko ng hangin at ang kagaanan ng kalooban ay mararamdaman mo rito. Dahan-dahan akong naglakad sa mga damuhang pinaliligiran ng mga bulaklak at nagliliwanag na mga paro-paro.

"Tóso ómorfo, Ti eídous méros eínai aftó." (Kay ganda, Ano'ng klase'ng lugar ito?) Saad ko sa aking sarili at nilibot ang aking tingin ng may sobrang pagkamangha sa aking mga nakikita. Tumingin sa taas ng may marinig akong malakas na ugong at napapikit ako ng ang araw ay lumiwanag ng sobra at tumama ang sinag nito mula sa akin.

Bigla ako'ng nagising dala-dala ang alaalang iyon. Napatulala ako sa aking kinahihigaan at may kung anong bagay na siyang nagtutulak sa'kin na maniwala sa panaginip na iyon, na totoo ang lahat ng aking panaginip. Kay tagal bago ko inisip ang aking gagawin ngunit nakita ko na lamang ang aki'ng sarili na naghahanda para puntahan ang Kryfó dásos.

Ilang oras bago ko marating ang Kryfó dásos at sa itsura nito'y hindi mo tatangkaing pumasok. Matagal ko muna'ng pinagisipan kung itutuloy ko ba'ng pumasok ngunit nakita ko na lamang ang aking sarili na pinapatakbo ang kabayo papasok sa gubat dala-dala ang sulo bilang magsilbing liwanag ngunit sa kalagitnaan ng aking paglalakbay ay may umalingaw-ngaw na isang nakakatakot na tunog na siya'ng kinataranta ng kabayo, Tila'y nawala ito sa katinuan at bigla nito'ng iangat ang sarili kaya naman nahulog ako mula rito, tumakbo paalis ang kabayo at naiwan akong mag isa. Aaminin ko'ng nakararamdam ako ng takot ngunit may kung anong bagay na nag uudyok sa'kin na magpatuloy kaya naman kinuha ko'ng muli ang sulo na aking pinagpapasalamat dahil hindi namatay ang apoy nito at nagpatuloy ako'ng muli sa paglalakad. Marami akong naririnig na mga tunog at sigaw, maging ang mga iyak at atungal ngunit tinatagan ko ang aking loob.

"Saphira tama ba ang iyong ginagawa?" Bulong ko sa aking sarili habang patuloy na tinatahak ang daan.

Halos kalahating oras na ang aking nilalakad ngunit puro dilim pa rin ang aking nakikita kaya naman huminto ako sa paglalakad.

"Chazos! Eísai ilíthia Serafína! Ba't ka ba nagpapaniwala sa isang panaginip lamang?!" (Tanga! Isa ka'ng tanga Seraphina...) Inis na saad ko sa aking sarili at nagdisesyon na ako'ng bumalik ng bigla ako'ng mapalinga sa kanan, Nanlaki ang mata ko ng makita ang liwanag na lagusan, Ang liwanag na siyang nakita ko sa aki'ng panaginip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SERAPHINAWhere stories live. Discover now