"Huwag mo ng ipagdiinan sakin ama na gustohin ko ang Felopa na iyan! Hinahayaan ko kayo sa inyong nais, kahit mabigat sa aking loob na manirahan ang babaeng iyan sa kahariang ito ay hinayaan ko kayo." Nakita ko kung paano umigting ang panga ng aking ama.

"Den tha empisteftó poté ti gynaíka pou katéstrepse ti schési tis mitéras mou mazí sou." (Kailanman ay hindi ko pagkakatiwalaan ang babaeng iyan na siyang sumira sa samahan niyo ng aking ina.) Dagdag ko'ng muli at tinalikuran siya.

"Seraphina!" Nagbabantang tawag niya sa aking pangalan ngunit hindi ako nagpasindak.

"Matagal ng patay ang iyong ina! At walang kinalaman si Felopa roon."
Napakuyom ang aking kamao at natigil ako sa aking paglalakad.

"Hindi lang si Felopa ang pumatay sa aking ina, pinatay mo rin siya."

"Den ypárchei thési stin kardiá tou atómou pou katéstrepse kai skótose ti mitéra mou." (Walang lugar sa puso ko ang sumira at pumatay sa aking ina.)

Mas pinili ko'ng hindi humarap sakaniya para tignan ang kaniyang reaksyon ngunit nakasisiguro akong hindi ito maganda.

Wala akong narinig muli sakaniya kaya naman nag desisyon na akong umalis na ng tuloyan sa silid na iyon.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa silid na iyon ay agad akong nagpakawala ng mabigat na hangin, para akong sinakal ng ilang oras sa pag uusap na iyon. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang sakit at sugat sa pagkawala ng taong walang ibang hinangad at minahal kundi ang kabutihan ng kaniyang pamilya. Ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako at tanggapin ako...

Umiling ako ng paulit-ulit upang ipag sa walang bahala ang aking iniisip at tumuloy ulit sa paglalakad.

"Kaliméra! mahal na prinsesa." (Magandang umaga.) Agad na gumalaw ang aking katawan at binunot ang espadang hawak ng kawal at itinapat ito sa lapastangang nilalang.

"Theé mou! Kumalma ka mahal na prinsesa!" (Diyos ko!) Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang ibinaba ang espada ng mapagtanto ko'ng si Lincoln pala ito.

"Ilang beses ko ba'ng sasabihin saiyo na huwag ka'ng basta-basta'ng sumusulpot sa aking harap!" Panenermon ko sakaniya.

"Pasensya ka na mahal na prinsesa, mukhang wala kasi sa iyong katinuan kaya naisip ko'ng gulatin ka." Nakangiting rason na nito sakin. Si Lincoln ay anak ng aming tagapag silbi, siya'y de hamak na mas bata kaysa sa akin, at kung paano kami nagkasundo? Iyon ay dahil sa ganiyang asta niya.

"Sa susunod ay baka maitarak ko na sa iyong leeg ang espadang iyan." Pagbabanta ko rito. Iniabot ko ang espada sa kawal at naglakad ng muli.

"Mukhang hindi talaga maganda ang iyong timpla ngayon mahal na prinsesa ngunit may nalalaman akong makakapag pasaya sa iyo." Panunukso nito sa akin na ngayon ay nakasunod at nangungulit nanaman.

"Wala akong panahong makipag biruan saiyo Lincoln." Masungit na saad ko rito.

"Ah ganun ba mahal na prinsesa? Sus sayang naman, paniguradong malulungkot si Persha dahil tinatanggihan mo'ng makita ang kaniyang anak." Bigla akong natigil sa paglalakad at agad na humarap sakaniya, lumapit ako rito at hinawakan ang kaniyang balikat.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga?!" Gulat na gulat na tanong ko rito.

"Nanganak na si Persha at alam mo ba kung ilan ang kaniyang anak? Dalawa. Pero mukhang hindi ka inte---." Hindi na niya tinuloy ang kaniyang dapat sabihin sapagkat agad na akong tumakbo palabas ng palasyo.

"Mahal na Prinsesa hintayin mo naman ako!" Pagtawag nito sakin ngunit hindi ko na siya nilingon at batid ko'ng nakasunod na siya sa akin ngayon. Sumilay sa aking labi ang malawak na ngiti at galak.
  Agad akong sumampa sa puting kabayo at kinuha ang lamparang nasa tabi nito saka ko ito pinatakbo ng mabilis. Sa tagong kagubatan pa ako kailangan pumunta para marating ang lugar ni Persha.

Lahat ng taong nadadaan ko'y binabati ako at batid ko'ng nagtataka rin sila kung bakit napakalawak ng ngiti ko at mabilis akong nagpapatakbo.

Hindi ko na mahintay pa'ng masilayan ang anak ni Persha kaya mas binilisan ko pang magpatakbo.

Pitong nayon pa ang kailangan ko'ng daanan at pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas nakarating na ako.

Bumaba ako mula sa aking kabayo at itinago ito mula sa kakahoyan, hinamas ko muna ang ulo nito bago ako pumasok sa Kryfó dásos (Tagong kagubatan) Agad na bumungad sa akin ang napakadilim na bahagi ng kagubatan at maririnig mo rito ang mga nakakatakot na tunog. Agad ko'ng sinindihan ang munting lampara biglang mag silbing liwanag sa madilim na lugar na ito. Walang mga taong nag hahangas na pumasok sa kagubatan na ito sapagkat ang alam nila'y puro kapamahakan at kamalasan ang mayroon sa gubat na ito ngunit hindi nila batid na sa dulong bahagi ng gubat na ito ay may naghihintay na napakagandang tanawin. Naniniwala ako'ng ganito denesenyo ng Theá (Diyosa) ang lugar na ito upang pangalagaan ang mga nilalang na naririto. At kung paano ko natuklasan ang lugar na ito? Iyon ay sa pamamagitan ng isang panaginip. Nanaginip ako'ng nasa ibang lugar ako at sa hindi ko mapaliwanag na kadahilanan ay hinanap ko ang lugar na ito kahit ito'y panaginip lamang, at dito nga ako tinawag ng panaginip na iyon. Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin ang pangyayaring iyon ngunit natutuwa ako sapagkat nakilala ko si Persha sa lugar na ito.

"Mahal na prinsesa?" Napangisi ako ng marinig ko ang boses ni Lincoln sa madilim na lugar na ito at batid ko'ng nakakaramdam nanaman siya'ng muli ng takot kahit pa ilang beses ko na siyang dinala rito.

"Naririto ako." Sagot ko, maya-maya pa'y naramdaman ko na lang mahigpit na paghawak sa aking balikat na aking ikinatawa.

"Magugustohan ka pa kaya ni Shera kung malalaman niyang napaka duwag mo'ng nilalang?" Natatawa ko'ng panunukso sakaniya.

Si Shera ang prinsesa ng Ravaton na siyang nagugustohan ni Lincoln.

"Hindi ako duwag." Pagmamatigas nito.

"Talaga lang ha?" Panghahamon ko sakanya at agad na inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at saka ko saka ako nagtatakbo.

"Mahal na prinsesa hintayin mo ko!" Sigaw niya na lalong nakapag paingay sa mga nakakatakot na tunog na mayroon sa madilim na lugar na ito. Rinig ko ang sobrang bilis na pagtakbo ni Lincoln at nakarinig ako ng lagabog at batid ko'ng nadapa ang isang iyon ngunit agad rin itong tumayo at tumakbong muli.

Mula sa kalahating oras na paglalakad at pagtakbo ay agad na sumilay sa aking labi ang malawak na ngiti ng matanaw ko rito ang liwanag, ibig sabihin ay nasa dulong bahagi na ako. Agad ko'ng binilisan ang pagtakbo hanggang sa makalabas na ako sa madilim na bahagi ng kagubatan at humampas sa aking mukha ang sariwang hangin.

Pumito ako ng dalawang beses upang tawagin si Persha at ilang minuto pa'y may narinig na akong napakalakas na atungal at malakas na hangin na siyang simbolo ng paglipad ng isang napakalaking nilalang at sa ilang sandali pa'y tanaw na sa kalangitan ang napakalaking dragon.

"Persha..."

SERAPHINAWhere stories live. Discover now