Chapter Sixteen

3 3 0
                                    

Tita Cristina gave me an irritated look. Humaging siya at tinanggal ang kamay niyang nakakrus sa kanyang dibdib. Saka na lamang ako nakahinga ng maluwag nang tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang sasakyan. That was just probably a 10 minutes talked but it felt so much an hour.

She brought a dark aura. Sumakay ulit ako sa aking motor at sinuot ang aking helmet. I thought they were going back home but their SUV take the other direction kaya nagkibit na lamang ako ng aking balikat. I began smiling when I spotted her standing outside of their gate. I greeted her with a warm hug and planted a kiss in her forehead. Hindi maipinta ang pag-alala sa kanyang mukha kaya hinawakan ko siya. Her arms were cold.

“May nangyari ba?” nag-aalala niyang tanong habang binibigyan ako ng halik sa pisngi.

“Wala naman.” Umiling ako bilang sagot. Naguguluhan ko siyang tinitigan. “Bakit?”

“Natagalan ka kasi.” she uttered faintly. “Let's go inside.”

Umayon ako.

Bukod sa kanya ay tanging mga katulong lamang ang natitira sa malaki nilang bahay. Their house was very big but it was all occupied by silence. Inilibot ko ang aking paningin at napatango ng hindi namataan ang kanyang ina sa loob.

Sa dining area niya ako dinala at doon ipinalapag ang dala kong milk tea. Napataas ang kilay ko habang malalim na iniisip kung bakit napakalaki ng kanilang mesa gayong bilang lamang sila ng kanyang pamilya. It's a rich thing, Finn.

“I baked something for you—us.” Napakagat siya sa kanyang labi at biglang umalis sa harapan ko patungo sa isang silid na sa tingin ko ay ang kusina nila. Napataas na lamang ako ng aking kilay sa mga inaasta niyang kakaiba.

What's with this woman? Her gestures were confusing. Umupo ako at inilibot ang paningin sa kanilang hapag-kainan. One thing I could say was, all the things displayed were all expensive and real.

I was about to stood up upang matulungan siya dahil lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas ngunit umalingawngaw sa malaki nilang bahay ang tilis niyang boses para lamang mapahinto ako sa aking binabalak. I was utterly confused when I seated back. Nakatutok ang paningin ko sa kung saan siya kahit pa man na may semento sa pagitan.

“Just stay there, malapit na ito.” sigaw niya na para bang ang layo namin sa isa't isa. Humingi ako ng pasensya sa isa nilang katulong na nag-alalang pumunta sa amin. Nang makitang hindi ako pumunta kay Vestine ay umalis rin ito at ipinagpatuloy ang naudlot nitong gawain.

A minutes more later, she finally went out with a tray in her hand. Bumuntong-hininga siya pagkalapag ng tray. Kinuha ko ang panyong aking dala-dala mula sa aking bulsa saka tumayo at pinunasan ang mga pawis niyang nagbabagsakan pababa sa kanyang pisngi.

“I've tried my best at saka nagpaturo naman ako kay Ate Luz kung paano magluto ng cookies!” she informed cutely.

Napangiti ako ng makita ang kulay itim na cookies imbes na kulay-kape. She already admitted last time that she isn't good at kitchen. Itinago ko ang aking tawa ng ipinagmalaki niya ang kanyang nagawa.

“Give it a try.” Inalog niya ang braso ko at pinilit na tikman ito. A smile crepted in her face as I began to get a piece, masigla siyang umupo sa harapan ko at tiningnan ang aking magiging reaksyon. I'd already expected its taste, naghalo ang tamis at pait sa lasa nito. “Is it good?”

“Hindi na masama. You're good, naipaghalo mo ang pait at tamis dito!” Yumuko ako habang tumatawa nang tinampal niya ako sa aking likod dahil sa aking sagot.

I took a sip on the milk tea while she was glaring at me sharply. Agad ko siyang dinaluhan at hinagod ang likod ng masamid siya habang kinakain ng buo ang isang piraso ng cookie.

“I like it!” saad niya ng may bahid ng sarkatiko ang tono pagkatapos sumimsim sa kanyang milk tea. Tumango ako nang may ngisi.

“Me too. Basta gawa mo masarap.” saad ko at tinitigan siya sa mata. Inayos ko ang mga takas niyang buhok at inipit ito sa likod ng kanyang tainga. May ilan pa siyang na-baked na hindi masyadong nasunog kaya iyon ang pinahatian naming dalawa. I set aside those extremely burnt cookies because it may cause diarrhea. She pouted of what I did.

“If you force yourself, ikaw lang din ang magdudusa.” I caressed her hair and gave her a persuasive smile.

She finished the last one and stood up upang iligpit ang aming pinagkainan. Nilagpasan niya lamang ako at binigyan nang nanlilisik na mata. I stood up grinning and followed her in their living room. I hugged her from the back and rested my head on her shoulder.

“I love you,” I whispered closely in her right ear. She giggled and spat my arms. I closed my eyes when she leaned her head and stayed on that position for a little bit of minutes. “Are you still mad at me?”

Kumalas siya at hinarap ako, she shook her head. Napalingon kami sa kanilang pintuan ng bumukas ito. Mahigpit na hinawakan ni Vestine ang kamay ko at binati ang kanyang ina.

“You're really here, huh.” puna ng kanyang ina ng makita ako. Inilapag nito ang kanyang mga pinamili at sumenyas sa labas. “Your Tita Geraldine is here, Vestine, greet her.”

“Who's Tita Geraldine, Mommy?” tanong niya.

“They're the owner of R and J agency. Her son studied the same university as yours so, you probably met each other. I forgotten his name.” Tinapunan niya ako ng tingin. “Be nice to them.”

Tumango si Vestine at sinunod ang utos ng ina. The lady she'd mentioned entered the house and as what was told by her mom, Vestine greeted her in a polite way. But she didn't moved, she remained on my side and entwined our fingers.

My brows raised as I saw who's the son her mother been referring to. Inilibot nito ang paningin sa loob at tumigil ng matanaw si Vestine.

“Vestine!” he greeted enthusiastically.

“Sante?” pagbati ni Vestine sa hindi makapaniwalang tono. His smile faded as he saw me standing on her side. Bumaba ang tingin niya sa aming magkahawak na kamay.

“Finn, you're also here.” Tumango ako at nginitian siya.

Fighting for his Affection (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon