"S-Sino siya kuya?" Tanong ni Liza kay Jake. Napataas ang kilay ni Nathalia dahil sa uri ng tono ng pagkakatanong nito. May halo kasing inis ang pagtatanong nito sa kanya. Tumingin din ito sa mga braso niya na nakayakap kay Jake.

Ngumiti si Jake at humarap kay Nathalia. Muli nitong hinalikan ang kanyang noo kaya napangiti na rin si Nathalia.

"Siya si ate Nathalia mo. Kasintahan ko at magiging asawa na pagkatapos ng kasong hawak ko." Pagmamalaking saad ni Jake

Namula ang mukha ni Nathalia dahil sa sinabi ni Jake. Nakarinig pa sila ng mga biro at pang-aasar ng mga kasamahan nila.

Hindi sinasadyang napatingin si Nathalia kay Liza na matalim ang tingin na ipinukol sa kanya. Tapos ay muli itong tumingin kaya Jake.

"Ang tagal mong hindi nagpagkita. Tapos babalik ka at sasabihin mo na may nobya ka na at magpapakasal ka?!"

Gulat silang napatingin kay Liza ng sabihin niya iyon. Nakita nila ang galit sa mga mata nito na tumingin kay Nathalia.

"Liza!" Panabay na saway ng mga magulang ni Liza.

Bigla itong umalis at tumakbo palabas ng bahay. Kaya napatingin si Jake sa mga magulang nito.

"Pasensya na Jake ah. Alam mo naman ang batang iyon matagal ng may pagtingin sa iyo." Tumatawang ani ni Manang Berta kay Jake.

Napangiti na lamang si Jake ng pilit. Naisip ni Jake na hindi niya alam na lalalim pala ang pagtingin nito sa kanya.

"Pasensya na rin po kayo. Talagang kapatid lamang ang tingin ko kay Liza." Nakakaunawang wika ni Jake.

"Ano ka bang bata ka. Wala naman kaming intensyon na ipilit si Liza sayo. Buhay mo iyan at ikaw dapat ang magpasya kung saan ka masaya." Nakangiting saad ni Mang Ambo.

"Hayaan mo't pagsasabihan ko mamaya. Hala sige at magpahinga na muna kayo. Tatawagan namin kayo kapag handa na ang hapunan."

Itinuro ng mga ito kung saan ang kwarto na kanilang tutuluyan.

Nang makapsok sila sa kwarto ay inilibot ni Nathalia ang tingin dito. Maaliwalas naman at presko kaya nagustuhan niya.

Umupo si Nathalia sa gilid ng kama. Iniisip niya kung hanggang kailan ba sila mananatili sa pagtatago. Hindi dapat sila ang nagtatago dahil wala naman silang ginagawang masama. Ngunit mukhang nabaliktad ata ang sitwasyon nila.

"Hey!" Napatingin siya sa mukha ni Jake ng yakapin siya nito. Hindi niya namalayan na katabi na pala niya itong nakaupo sa gilid ng kama.

"What wrong? What's bothering you?" Nag-aalalang ani ni Jake sa kanya.

Umiling si Nathalia sa tanong ni Jake. Niyakap din niya ito ng mahigpit.

"Hanggang kailan tayo ganito? Gusto ko ng matapos ito."

Sinapo ni Jake ang mukha ni Nathalia at iniharap ito sa kanya. "Malapit na. At kapag natapos na ito ay magpapakasal na tayo."

Napataas ang kilay ni Nathalia at napangiti siya. Nagpopropose ba ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang kanyang mararamdaman. Masaya siya dahil gusto siya nitong maging asawa pero hindi niya inaasahan na sa ganitong sitwasyon talaga nito naisip na sabihin iyon sa kanya.

"Nagpopropose ka ba?" Tanong ni Nathalia kay Jake. Nakita niyang namula ang leeg nito at tainga.

"Wala akong dalang singsing dahil nasa ganito tayong sitwasyon pero pagbalik natin ng maynila ay ibibigay ko sayo kahit na anong singsing."

Tuluyan ng tumawa si Nathalia dahil sa nakikita niyang nahihiya ito. Hinalikan niya ito sa pisngi at gulat itong napatingin sa kanya.

"Kahit sanang simbahan willing akong magpakasal sayo. Kahit ngayon na magpapakasal ako sayo." Malambing na saad ni Nathalia.

Siniil siya ni Jake ng mapusok na halik at agad naman niya itong tinugon. Mahal na mahal niya si Jake at natutunan niyang mahalaga ang bawat oras kaya hindi na niya sasayangin pa. Kung gusto siya nitong pakasalan ay payag siya, dahil iyon din naman ng ninanais ng kanyang puso.

"Sabi mo yan ah. Wala ng bawian." Biro ni Jake sa kanya kaya natawa siya habang tumatango.

Hinalikan siya nitong muli at dahan dahang inihiga sa kama. Kinubabawan siya nito habang hindi napuputol ang kanilang halik.

"Ohhh baby!" Ungol ni Nathalia.

Bumaba ang halik ni Jake sa leeg ni Nathalia. Naramdaman niyang mariing hinalikan iyon ni Jake at sigurado siyang magmamarka iyon. Habang ang isang kamay nito ay nasa loob na ng kanyang damit at nilalaro ang kanyang dibdib.

Nang bumababa ang labi ni Jake sa kanyang dibdib ay napa arko ang kanyang katawan. Alipin siya ng mga halik at haplos ni Jake. Kaya sa simpleng haplos nito ay bumibigay agad ang kanyang katawan dito.

Naputol ang kanilang ginagawa dahil may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila at napangiti si Nathalia ng makita ang pagkabitin at inis aa mukha ni Jake.

Inayos nila ang sarili bago tumayo.. Umupo siya sa kama habang si Jake ang naglakad patungo sa pintuan upang buksan ito.

Nang buksan niya ito ay bumungad sa kanila ang nakangiting mukha ni Liza.

Mukhang okay na ito at nakakangiti na ito sa kanila. Nababahala si Nathalia sa ipinapakitang ugali nito. Para kasing hindi iyon totoo. Kaya kahit ayaw man niya itong paghinalaan ay hindi niya iyon magawa. Para kasi itong may hindi magandang gagawin.

Tumayo si Nathalia at lumapit sa pinto. Agad napataas ang kilay niya ng abutan nito si Jake mga unan at kumot.

"Kuya Jake, naayos ko na ang kwarto sa kabila. Pwede mo ng gamitin iyon." Saad ni Liza. Napatingin pa ito sa kanyang leeg. Siguro ay napansin nito ang pulang marka na ginawa ni Jake kanina dahil sariwa pa ito. Hindi siya nag-abalang takpan pa ito.

"Naku Liza nag-abala ka pa. Dito na ako sa kwarto ni Nathalia." Nakangiting saad ni Jake.

Naiinis si Nathalia kay Jake dahil hindi nito napapansin na may ibang kahulugan ang ginagawa at ikinikilos ni Liza. Ang tanga talaga. Inis na bulong ni Nathalia.

"Hindi pa kayo kasal. Hindi pa dapat kayo nagsasama sa isang kwarto. Nakakahiya sa..."

"Sorry?!" Pinutol ni Nathalia ang sinasabi nito. Sarkastiko siyang napatawa.  Kung bitch ka mas bitch ako girl. "At sino ka para magsalita ng ganyan? Alamin mo ang lugar mo Liza. Don't cross the line."

"Hey baby." Saway ni Jake kay Nathalia. Nakita nitong namumula na sa inis si Nathalia kaya niyakap na niya ito. Hindi na magandang pangitain ito dahil naka 'bitch mode' na ang kasintahan niya. At kapag hindi niya iyon pinigilan ay tiyak na makakatikim ng maaanghang na salita si Liza.

Humarap si Jake kay Liza. Naawa siya dito dahil hindi niya masuklian ang nararamdaman nito sa kanya.

Bumuntong hininga si Jake at nakakaunawang tumingin kay Liza. Nakayuko ito at mukhang iiyak na.

"I'm sorry Liza. Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sayo." Niyakap ni Jake si Nathalia. "Salamat dahil binigyan mo ako ng espesyal na pagtingin. Pero sana ay ibaling mo na sa iba ang nararamdaman mo. May kasintahan na ako at magpapakasal na kami. At kahit wala akong kasintahan ay hindi ko pa rin masusuklian ang nararamdaman mo dahil kapatid lang ang tingin ko sayo Liza. I'm so sorry."

Tumalikod ito ng hindi nagpapaalam sa kanila. Nagkatinginan sila at muling pumasok sa loob ng kwarto. Bumuntong hininga na lamang si Jake.

"The nerve of that girl." Inis na saad ni Nathalia.

"I'm sorry about that. Hwag mo na lang pansinin."

Niyakap ni Jake si Nathalia mula sa likod at ibinaon ang mukha sa leeg nito. Hinalikan pa niya ito at inamoy amoy.

"Hwag ka ng mainis. Ituloy na lang natin yung ginagawa natin." Paos na buong ni Jake sa tainga niya habang hinahalikan nito iyon.

Napangiti na lamang si Nathalia dahil sa kapilyuhan ng kasintahan niya. At naisip niyang sisiguraduhin niyang hindi makakagawa ng hindi maganda si Liza na magiging dahilan ng pagkakasira nila ni Jake. Bring it on bitch. Mapagpatol ako.

(Agent Series Book 1) Taming The Arrogant AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon