11

35 6 15
                                    

Magkaharap kami ng pwesto ni Adrian sa jeep. Magbubus na sana kami kaso nga lang ay mahirap makipag-unahan sa mga paluwas ng Maynila kaya mas minabuti na lang namin na magjeep. Masyado na rin kasing gabi.

Eight thirty na siguro ng nakasakay kami ng jeep at hanggang ngayon na malapit na kaming bumaba ay miski isang ngiti hindi niya man lang ako nabigyan.

I know that he knew whenever I would steal a glance on him, his lips would slightly move. Akala niya ata hindi ko napapansin. May kayabangan din pala 'to si Gonzaga sa katawan.

Nakatitig ako sa side profile niya ng bigla siyang bumaling sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi agad ako nakaiwas ng tingin.

His light chuckle made my cheeks heat up. Shit, Ilisha, nakakahiya!

"Malapit na tayo." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango at isilid ang librong hawak ko sa bag dahil hindi ko na talaga inaasahang kakausapin niya pa ako.

"Para po!" Bahagyang sigaw ko ng makita ko ang 7/11 sa may kanto ng bababaan namin.

Noong tumigil ang jeep ay iminuwestra ni Adrian ang daan para paunahin ako. Diretso na sana ako sa may sakayan ng tricycle nang maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

Goosebump travels from where he is holding me up to my back. Shit.

"Ihahatid na kita." Kasabay ng bahagyang paghila niya sa akin papunta sa harap ng convenience store kung sana nakaparada ang itim niyang motor.

"Pero hindi ba out of the way 'yung samin?" I said while looking at the back of his head. He's still holding my wrist... Is this really happening?

Umiling siya at lumingon sa akin.

"Hindi. Actually, same subdivision lang tayo. Hindi pa tayo nagkasabay sa sasakyan kaya siguro hindi mo alam."

Inabot niya sa akin ang nag-iisang helmet na nakasabit sa manibela ng motor.

"Paano ka?" Alam kong isa lang lagi ang helmet na dala niya dahil hindi naman siya basta basta nagpapasakay sa motor niya.

"Ayos lang. Mag-iingat ako, lalo na kasama kita." Mababa ang boses na sabi niya.

Agad akong napalingon sa kanya dahil doon. Seryosong mga mata ang bumungad sa akin pero agad rin naman siyang umiwas ng tingin. Anong ibig niyang sabihin?

Sumampa muna siya sa motor bago niya kinuha sakin ang helmet.

"Akin na. Isuot mo na. Masyado na tayong gagabihin." Halos hindi na ako makahinga ng tumayo siya para lang maabot ako. Sobrang lapit niya na halos ramdam ko na ang tama ng bawat hinga nya sa may baba ko.

And here I am, completely still while admiring his features. Ang hahaba pala talaga ng mga pilik mata niya, mas nadepina non ang itim na itim niyang mga mata.

Kinuyom ko ang mga kamay ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka bigla ko na lang pasadahan ng mga daliri ko ang malambot niyang buhok. Magulo na lalo ngayon na gabi at mahangin.

"There. Let's go?" Agad akong nag-iwas ng tingin bago tumango.

Pagkasakay ko ay agad niya nang binuhay ang makina ng motor. Wala akong nagawa kung hindi ang kumapit sa tagiliran niya.

"Wag kang bibitaw ha?" Tangina, naiiyak na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pasado alas dies na rin ng tumigil siya sa harap ng gate namin. Hindi ko na kailangan ituro kung saan dahil mukhang alam niya talaga kung saan ako ihahatid.

"Salamat sa paghatid." Bahagya akong ngumiti at inabot sa kanya ang helmet. Kinuha niya 'yon at isinabit na lang sa may silinyador.

He chuckled before raising his hand for a handshake.

"I'm Adrian Gonzaga. Sorry, hindi ako nakapagpakilala kanina ng maayos." Nanatili ang ngisi sa mga labi niya.

Ako rin naman hindi!

Agad ko na tinanggap ang pakikipag kamay niya. "Okay lang. I'm Ilisha Razon."

Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Hindi ko alam kung malulungkot ako dahil binitawan niya na agad ang kamay ko o matutuwa dahil nangyayari ang lahat ng ito ngayon?

"Ingat ka and thank you ulit sa paghatid."

"You're welcome. Nice to finally meet you, Ilisha."

Natawa ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang ba talaga ako napansin?

"Nice meeting you too, Adrian."

Tinanaw ko siya habang papalayo. Hindi ko alam kung paano ito naging posible pero masaya ako. He finally knew me.

Fading ColorsWhere stories live. Discover now