CHAPTER 1
Armie's POV
Umingay na naman sa school gym.. Malamang nagpapasikat na naman ang isip-batang si Benj. Tumatumbling-tumbling na naman ata sya na parang bata.
But then, a guy has suddenly light up my day.
'Yan si Miguel Tei 'Migz' for short at isa sya sa Tei Cousins. Crush ko sya since second year college. Ang gwapo nya kase at ang angelic ng mukha nya. Tapos kissable lips pa. Basta!! Ang amo amo ng mukha nya at ang pino pino nya kumilos.. Malayo sa ugali ng pinsan nyang si Benj na sobrang kulet.
"Hi!" simpleng bati nya sa akin sabayan pa ng napakaganda nyang ngiti. Ngiting kahit napakasimple lang ay makalaglag panty na.
"Hello!" tugon ko. At lumampas na nga sya sa akin.
He greeted me because I am the school council president. Kilala din ako dito sa school kaya halos lahat ay binabati din ako.
Pero kilalang masungit din ako kaya may halong takot ang pagbati sa akin ng iba naming mga kaschoolmate.
Pero iba sya.. Wala akong nakikitang takot sa mukha nya tuwing babati sya sa akin. Syempre nga naman.. He is one of the good student ng school namin at isa syang Tei kaya bakit sya matatakot na batiin ako.
At narating ko na nga ang floor ng classroom namin pero laking gulat ko nang makita ko si Benj na pasalubong sa hallway na dinadaanan ko. Seryoso ang mukha nito na parang may susugurin na kung sino.
Tsk! Parang kanina lang ay nag-iingay sya sa gym ngayon andito na sya agad?? Ano naman kayang problema nya at ganyan ang itsura nya??
At laking gulat ko nang bigla syang huminto sa mismong harapan ko.
Tinignan ko sya ng masama dahil sa pagharang nya sa akin.
Pero gumanti rin ito ng mas masamang tingin.
Baliw na ba 'to???
Then he suddenly change the way he looks at me... From galit to nang-aakit na tingin.
"Hoy!! Nababaliw ka na??" taas-kilay kong tanong rito.
"Oo.." tugon nito na todo makatingin sa mga mata ko.
"..nababaliw na talaga ako.. SA 'YO!! MS. PRESIDENT!!!!!!!!" anitong isinigaw pa ang katagang Ms. President.
"Tsk! Baliw na nga!! Tabi!!" at pabangga ko syang nilampasan. Hah!! Hinahayaan ko na nga ang mga kabaliwan nya dito sa school tapos ngayon idadamay pa nya ako??? Nababaliw na nga talaga sya!!
Pasalamat nalang talaga sya at malakas ang mga Tei dito sa school kundi matagal na syang napatawag dahil sa mga trip nya.
"Teka!! Armie Kim!!" malakas nyang tawag sa pangalan ko kaya bigla akong napahinto at inis na humarap sa kanya.
"Benjamin Tei.. TO THE COUNCIL OFFICE NOW!!" malakas kong sigaw saka nagpatuloy sa paglalakad.
At paglayo ko ay biglang naghiyawan sa tuwa ang mga alipores ni Benj. Ewan ko kung bakit.. Talagang ang kakapal na ng mga sapal nila sa mga tuktok nila.
"It's a date!" nadinig kong sabi pa nila.
"Uy!! H'wag nga kayo.. Nahihiya tuloy ako!!" anang impaktong si Benj.
Nagmadali na nga ako sa aking paglalakad dahil naiirita na naman ako sa ingay nila. Kahit saan ko talaga makita si Benj ay laging may ingay, kelan kaya sya mananahimik?? At kelan nya patatahimikin ang eskwelahan namin??
At mabilis ko na ngang narating ang council office. Agad akong pumasok at pagtingin ko ay walang katao-tao sa loob.
"Ah.. Miss Pres--" hinto nya nang gulat akong mapalingon sa kanya.
