LBLAS (CHAPTER 6)

9 7 0
                                    

Pagka pasok na pagka pasok ko ng condo ay nahahalata kong may tao na sa loob at alam kong si ate yun.

"You're already here?" tanong nito na wala man lang sa akin ang paningin.

"Halata naman diba? Makikita mo ba ako dito kung di pa ako nakarating?" pabalang na tanong ko sakanya.

"Pilosopa, btw kumain kana? Kasi gutom na ako kaka hintay sayo." aniya na hinihimas pa ang tiyan.

"Tapos na akong kumain, at kung gusto mong kumain mag luto ka, may laman pa naman ata siguro ang ref ko." sabi ko saka sumampa sa upuan at nag pahinga.

Naramdaman kong tumayo siya kaya alam kong kakain na siya.

"I was wondering, bakit di mo man lang binalikan ng sampal yung taong yun kahit sinampal ka na?"

"Wait, paano mo nalaman na nasampal ako?"

"Base sa muka mo, alam kong sinampal ka, at isa pa papunta na sana ako sa classroom nyo nang makita ko yung isang lalake na tumatakbo pa punta sa kung saan kaya sinundan ko ito, saka ang dilim na nun."

"Hindi ka natatakot sa dilim ate?" tanong ko.

"Why would i? You know how much i love darkness." saka kunwaring niyayakap ang hangin.

"Again, bakit di mo ginantihan ng sampal yung babaeng yun?" pag tatanong niya ulit.

"I have no choice but to stay calm, tsaka kung pinatulan ko yun baka kanina pa siya tulog."

"Sino yung lalakeng kasama mo kanina pa alis?"

"That? He's Lucas my classmate, t'saka sinundan niya daw ako from our locker hanggang dun sa madilim na lugar." paliwanag ko.

"I think he likes you"

"I don't think so, I'm not his type and also he's not my type"

"Hmm, if you say so" saka ito sumubo ng noodles.

"We're dating"

Ni lingon ko siya at ganun nalang ang gulat nya sa sinabi ko.

*LUCAS' POV*

Pagka-uwi ko sa bahay ay dumiretso nako sa banyo para maligo dahil ang lagkit ng katawan ko.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga nakita ko kanina.

Masakit siguro yung sampal ni Trishia sa kanya, namumula yung pisnge nya ih.

Treat ko kaya siya ulit bukas? Hmm masyadong common.

Natapos na akong maligo kaya nag sipilyo naman ako, saka ako lumabas ng banyo at kumuha ng beer sa maliit na ref duon sa kwarto ko.

Habang umiinom ng beer ay na-aalala ko yung kanina sa resto.

Ang cute niya pag naka titig sakin. Tsk!

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina upang kumain dahil nagugutom na naman ako.

"Nagugutom ka iho?" tanong sa akin ni yaya.

"Opo, hinahanap ng tiyan ko yung mga luto mo" biro ko sakanya.

"Naku iho, naubos na nung bunso yung ulam kaya wala nang natira, ipagluluto nalang kita"

"Ahh wag na po yaya, kumain na din naman po ako kanina kaya okay lang po na wag na po kayong mag luto mas mabuti nga po natulog na kayo ih"

Sabi ko saka ako umakyat ulit sa kwarto ko para ma tulog na dahil maaga pa ako bukas sa school.

*KINABUKASAN*

Habang nag mamaneho pa punta sa school ay nakinig ako ng mga kanta sa radyo.

Traffic.

*TOK TOK TOK*

May kumatok sa bintana ng kotse ko kaya nagulat ako.

Binuksan ko ang bintana saka ito nag salita.

"Lucas right?" tanong sakin ng naka helmet na babae at halatang magaling ito makipag karera gamit ang motor.

Tumango ako saka ito lumingon sa traffic light at nag paharurot.

"Tsk! Mag tatanong tas di man lang sinasabi kung sino siya."

Pina-andar ko na ang kotse ko at dumating ako ka agad sa school.

"Swerte naman nung Blythe na yun sakanya. Hayst"

"Oonga, sana ako nalang siya"

"Excuse me, di ka magiging siya, iba ka at iba siya malabong mangyare na magiging ikaw siya" saka ako tumawa at yumuko naman yung babaeng nagsabi na sana siya nalang daw si Blythe.

Pagka-rating ko sa classroom ay wala dun si Blythe pero andun ang kanyang bag.

"Alam nyo ba kung saan nag punta si Blythe?" tanong ko sakanila.

"Nag punta sa locker nakita ko siya kanina." ani ng isang lalake na gwapo din, pero mas lamang ako ng ka gwapuhan.

Pumunta ako sa locker at na abutan ko si Blythe na inaayos ang mga libro'ng naka kalat sa sahig. Tinulungan ko na siya sa pag pulot at di man lang siya nagulat sa pag tulong ko.

Walang puso, di ako pansin.

"Di mo ata pansin ang presensya ko Blythe?"

"Alam kong ikaw ang papasok kaya di na ako mag du-duda pa kung sinong tumulong"

"Sana lahat Blythe may ganyang instinct kung instinct nga tawag diyan."

"Tumahimik ka kung ayaw mong bug-bugin kita dito." pagbabanta niya sa akin.

"Tsh, siya na nga tinutulungan siya pa galit" bulong ko.

"Hindi ko hiningi ang tulong mo, ikaw ang kusang tumulong"

Sabi ko nga maririnig mo na naman bulong ko, kinginang yan.

Pagka-tapos niyang ayusin ang laman ng locker niya ay lumabas na kami at pumasok na sa classroom.

Nag hintay kami ng ilang minuto at dumating na ang lecturer namin kaya di na kami nag ingay pa.

"Good morning class" bati niya sa amin.

"Good morning miss" bati namin pa balik sakanya.

"Today's topic is about Military history of the Philippines during World War II does anyone know anything about our topic for today?"

*BLYTHE'S POV*

Tinaas ko ang aking kamay para sumagot.

"Yes Ms. Villarreal?"

Tumayo ako para sagutin ang tanong.

"The Commonwealth of the Philippines was attacked by the Empire of Japan on 8 December 1941, nine hours after the attack on Pearl Harbor. Although it was governed by a semi-independent commonwealth government, the United States of America controlled the Philippines at the time and possessed important military bases there. The combined American-Filipino army was defeated in the Battle of Bataan and the Battle of Corregidor in April 1942, but guerrilla resistance against the Japanese continued throughout the war. Uncaptured Filipino army units, a communist insurgency, and supporting American agents all played a role in the resistance. Due to the huge number of islands, the Japanese never occupied many of the smaller and more minor islands. Japanese control over the countryside and smaller towns was often tenuous at best."

"And In 1944, Allied forces liberated the islands from Japanese control in a naval invasion. That's all i know miss" dagdag ko.

"Thank you Ms. Villarreal for answering my question, im impressed you're exempted for our exam tomorrow."

"Thank you miss" tumango ako bago umupo at tinakpan ang aking muka para matulog sa upuan ko.

*END OF CHAPTER 6*

Thank you for reading, and also sorry for the late update i hope maka bawi ako next time, mejo busy ako sa modules huhu.

Love Between Lies And SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon