Virtual Graduation Script 2021

57 0 0
                                    

Intro: Hindi matitinag ang pagpapatuloy ng de-kalidad na edukasyon sa paaralang Concepcion Integrated School kahit pa sa gitna pa ng Pandemya, pinatunayan ito nang makasaysayang pagtatapos ng panuruang taon dalawang libot-dalawpu hanggang dalawang libo't dalawampu't isa.

PROCESSIONAL …

Isang mapagpala at makasaysayang araw sa inyong lahat. Ngayon ay ating idaraos ang ika- 4 na palatuntunang pagtatapos ng SHS sa Concepcion Ingreted School.
________________________________________________________
PAG-AWIT NG LUPANG HINIRANG
PANALANGIN
HIMNO
________________________________________________________
Ngayong taong panuruang 2020-2021, na may paksang diwa na: Kalidad ng Eduskasyon, lalong patatagin  sa gitna ng pandemya.
Bilang pagbubukas ng programa, inaanyayahan ang lahat na tumayo nang tuwid at sumabay sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na susundan ng panalangin na pangungunahan ng mag-aaral mula sa hanay ng 12-Socrates na si, Cielo Mariz R. Dela Cruz at ang pag-awit ng Himno ng Rehiyong tatlo, himno ng SDO Pampanga at Himno ng Inang Paaralang Concepcion Integrated School.

PAMBUNGAD NG PANANALITA

Sa pagkakataong ito, ating matamang pakinggan ang pambungad na pananalita ni AILEEN P. CAPULONG,  mag-aaral mula sa hanay ng 12- Plato.

MENSAHE NG PUNUNGGURO
____________________________________________________________
Ngayon naman ay ating pakinggan ang ating butihing punongguro ng ating paaralan, na si Gng. SHERYL C. DELA PEÑA para sa isang makabuluhang mensahe.

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL
___________________________________________________________
Para kilalanin ang ating panauhing pandangal sa mahalagang tagpong ito ng pagtatapos ng ating mga mag-aaral, ihahatid sa atin ito ni G. Robin E. Punzalan.
_________________________________________________________
PAGPAPAKILALA NI SIR ROBIN
PAGKATAPOS NG PAGSASALITA NG PANAUHING PANDANGAL
_________________________________________________________
PRESENTASYON AT PAGKUMPIRMA
________________________________________________________
Maraming salamat sa mensaheng tigib ng motibasyon at inspirasyon sa ating mag-aaral, nawa'y baunin nila ito hanggang sa kanilang tagumpay.
Ngayon naman ay ating masasaksihan ang paglalahad ng ating SHS Focal Person ni Dr. Rosanna S. Cuizon, sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa Baitang 12 at pagkumpirma ng ating butihing guro na si Gng. Sheryl C. Dela Peña sa mga mag-aaral bilang ganap na nakapagtapos ng Senior High School.
_________________________________________________________
PAGPAPAKILALA SA MGA NAGSIPAGTAPOS
__________________________________________________________
At ngayon naman ay ating kikilalanin ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa pangunguna ng kanilang mga masisipag na gurong tagapayo.mula sa hanay ng 12- Socrates at 12-Plato.

RECORDING  OF ADVISERS
____________________________________________________________
PAGKILALA SA MGA MAG-AARAL NA NAGTAMO NG KARANGALAN
__________________________________________________________
Naririto naman ang mga mag-aaral na nagkamit ng mga karangalan mula sa Baitang labindalawa sa hanay ng Socrates at Plato.
May Karangalan, ( With Honors)
May Mataas na Karagalan, ( With High Honors)
At May pinaka Mataas na Karangalan ( With Highest Honors)

MENSAHE NG PASASALAMAT
________________________________________________________
Dumako naman tayo sa talumpati ni Jomel A. Macapagal, mag-aaral ng Hanay ng Socrates para paglalahad ng Mensahe ng Pasasalamat.

¬¬¬¬GRADUATION SONG
_________________________________________________________
At ngayon ay sabay-sabay nating pakinggan ang kanilang awitin sa mahalagang araw ng kanilang pagtatapos o completion day na pangungunahan ni JANINE B. RAMOS, mag-aaral mula sa hanay ng 12-Socrates.
¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬________________________________________________________
PANGWAKAS NA PANANALITA
________________________________________________________

Muli ang aming pagbati sa inyong lahat. Napatunayan ninyo na sa kabila ng krisis na ating ikinakaharap, tinupad ninyo ang isang pangarap ng inyong magulang para sa simula ng inyong tagumpay.
At sa puntong ito, narito ang ating masigasig at masipag na Taga- Pangulo ng Samahan ng mga Magulang at Kaguruan o PTA, na si G. Juanito D. Yambao, Jr.
________________________________________________________
ANNOUNCEMENT
_________________________________________________________
Paalala: Ang ating taunang Brigada Eskuwela, distribusyon ng kard at pagbubukas ng ating bagong panuruang taon 2021-2022 ay aming ipo-post sa ating opisyal page sa Facebook ng CIS para sa karagdagang mga impormasyon.

Muli, isang maligayang pagbati ang aming ipinapaabot sa inyong lahat. Ako si G. Jonas M. Viray, ang inyong guro ng palatuntunan. Maraming -maraming salamat sa pakikiisa at pagsubaybay. Sama- sama tayo sa Sulong Edukalidad!
Basta sa Concepcion, May pusong Champion

Mga Talumpati ni MapagkandilingguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon