Finding Ex: Chapter 3 Flashback Part 1

Start from the beginning
                                        

Isang tanong isang sagot, gusto mo ba ako?

Nabigla si Ed sa tanong na iyon ni Cherry. Di siya makagalaw at makahinga.

Lalong inilapit ni Cherry ang kanyang mukha sa mukha ni Ed para matingnan ito ng mata sa mata.

Ed

Teka Cherry anong ginagawa mo?

Cherry

Bakit ayaw mo ba?

Ed

Hindi naman actually gusto ko nga eh kaya ilapit mo pa nga ng konti baka magbago isip ko.

Cherry

O hayan? Gusto mo ba ako o gusto?

Namutla at biglang pinagpawisan si Ed ng malapot.

Ed

Grabe naman ung options ko? Eh sa tingin mo may pagpipilian pa ba ako?

Cherry

So ano tayo na?

Ed

Teka di ka pa nanliligaw jan eh

Cherry

Aba at talagang ako pa?

Ed

Oo naman alam mo naman na wala akong pambiling mga bulaklak, tEddy bears at chocolates eh. Kaya kaw na muna manligaw

Cherry

Sino ba nagsabi na gusto ko yun, alam ko kung ano ang gusto ko?

Ed

Ano?

Cherry

Edi ikaw?

Biglang may lumapit sa tagong table nila sa library kaya napabalik upuan si Cherry ng mabilisan at kunwari ay tinuturuan si Ed.

Iyong spot na iyon ay reservEd lamang kina Ed at Tin sa tuwing may competitions silang sasalihan. Tago ito para di sila madistract pag nag aaral.

Nakita din ni Cherry ang maliit na cellphone ni Ed kaya agad agad niya itong kinuha at inilagay ang cellphone number niya.

Pilit naman tinanong ni Cherry si Ed sa cellphone number niya at wala na naman nagawa si Ed dahil sabi ni Cherry ay mag boyfriend at girlfriend na daw sila.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Bihira lang kasi may magtext o tumawag sa kanya kasi ang laman lang ng kanyang phonebook ay nanay niya at kanyang Tita Mellie kung saan nakakausap niya ang nakakabatang kapatid niya na si Eva.

Pagkakita niya dito ay Babe ang nakasulat. Napaisip siya bigla kung sino si Babe?

Nireject niya yung unang ring kasi wala siyang kilalang.

"Babe sagutin mo ung tawag ko"

Tumunog bigla ang cellphone niya at may nareceive siyang text.

"Babe sagutin mo please ang tawag ko, si Cherry to ang maganda mong girlfriend" – text ni Cherry.

Nagring ulit ang kanayng cellphone at agad niya naman din itong sinagot ng makita niya ulit ang pangalan na Babe. Duon niya narealize na si Cherry pala ang lagay ng cellphone number niya at pangalan niya sa cellphone.

Cherry

Hi Babe! How are you? Kumaen ka na ba? Nasan ka ngayon at ano ginagawa mo?

Ed

Finding ExWhere stories live. Discover now