Naging magkaklase sila noong third year high school. Tinutulungan lagi ni Ed si Ben sa mga projects at assignments kapalit lagi nito ay tulong mula kay Ben.
Di makatanggi si Ed kay Ben dahil na din sa dala ng pangangailangan niya ganun din naman si Ben nap ag hininging tulong si Ed kay Ben ay di rin ito tumatanggi.
Isang halimbawa nito ay ang pagsagot ng test paper ni Ben. Kapalit nito ang maliit na cellphone para macontact ni Ed ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid.
Paborito ni Ed tumambay sa bahay nila Ben dahil dito lamang siya nagkakaroon ng pagkakataon makagamit ng computer at makapaglaro ng playstation.
Kaya kahit anong project at assignment ay lagi meron naisasubmit si Ed at lalo na din si Ben.
Dahil nga sa lagi si Cherry at Ed ang naglalaban sa mga quiz bee ay nagkadevelopan sila. Lubhang mahiyain pa noon si Ed kaya si Cherry na ang nagtapat ng kanyang paghanga kay Cherry.
Una ay umamin si Cherry na gusto daw siyang ligawan ni Ben pero dahil sa matalik nitong kaibigan si Ben at malaki ang utang na loob niya dito ay di niya din magawang lapitan si Cherry at makilala ng husto.
Ang kanilang bonding at getting to know each other ay sa tuwing pinapadala sila ng kanilang school upang lumaban sa ibat ibang patimpalak sa labas man o sa loob ng kanilang eskuwelahan.
Tinanong minsan ni Ed si Ben tungkol kay Cherry habang gumagawa ito ng projects nila sa bahay nila Ben.
Ed
Ben, naalala mo ba si Cherry? Yung lagi nating kalaban sa best in project.
Silang tatlo lagi ang nagiging awardee ng best in project / research sa kanilang klase.
Syempre ang Projects ni Ben ay gawa din ni Ed. Minsan pag nais magpasiklab ni Ben sa isang chicks ay magrerequest ito na maging best in project kay Ed. Either second or third place si Ed at Cherry.
Isa din ito sa mga taktikang ginamit ni Ben kay Cherry subalit nabuko lamang ni Cherry na si Ed lagi ang gumagawa ng mga assignments at project ni Ben.
Minsan kinompronta ni Cherry si Ed sa isa sa mga laban nila outside of school.
Dito nalaman ni Cherry kung bakit ginagawa ito ni Ed. Dito niya din nakilalang husto si Ed at nagsimulang magkaroon ng paghanga.
Ben
Ah yung babaeng yun? Bad trip yun pre. Andami ko nang ginawang moves dun pero di ako pumasa.
Ed
Talaga? Bakit daw?
Ben
Ewan ko dun, hayaan mo siya. Kala naman niya siya lang ang maganda at sexy sa school.
Ed
So hindi mo na tinuloy yung panliligaw mo sa kanya?
Ben
Teka bro, parang ngayon lamang kita narinig na magtanong tungkol sa isang babae ah? Kasama ba yan sa research natin?
Ed
Naku siraulo ka, hindi. Wala naitanong ko lang.
Ben
Bro wag ka mag alala, Malaya kang ligawan siya pag gusto mo. Walang problema sa akin yun. I'll give way to you. Kung isa ito sa mga paraan na makabawi ako sa iyo sa lahat ng tulong mo sakin. I'll do it my friend.
Ed
Naku Ben di naman sa ganun. Naikwento niya lang kasi sa akin na niligawan mo daw siya.
YOU ARE READING
Finding Ex
RomanceIsang buwan na lang mula ngayon ay ikakasal na si Ed sa kanyang kasintahan na si Tin pero isang panaginip ang maglalagay sa alanganin ng kanilang kasal ni Tin.
Finding Ex: Chapter 3 Flashback Part 1
Start from the beginning
