CHAPTER 41 ~ Athena ~

Start from the beginning
                                    

Umiling si Paige at naiiyak na hinawakan ang kamay ko.

Tumayo ako at naglakad. Ayoko muna dito..kailangang may gawin ako. Kailangan kong umalis sandali..dahil kung maghihintay ako don...hindi ko alam kung makakatagal ako.

...

...

Lumakad lang ako ng lumakad. Iniisip ko yung mga times kung gaano kami ka excited ni Thea sa pagdating ng baby namin..lahat ng oras na kasama ko si Thea.

Hindi ko alam kung ilang oras na yung lumipas. Basta ang alam ko lang natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad pabalik sa may emergency room. Napakunot noo ako ng makita kong wala na don sila Paige. May iba na dong tao na naghihintay na din sa pasyente nila.

Damn it.

Iniwan nila si Thea?

Bago ko pa makuha ang cellphone ko para tawagan si Paige bumukas na ang pinto at may lumabas don na isang doctor. Nagmamadaling lumapit ako sa kaniya.

"Doc...kamusta ang mag-ina ko?"

"I'm Sorry....but-"

ALTHEA'S POV

Masakit ang katawan ko ng nagising ako. Pakiramdam ko dinaganan ako ng mabibigat na mabagay. Siguro matagal narin akong nakahiga. Ayoko pa naman ng natutulog ng diretso na diretso ang katawan ko.

Most of the time I curled on Craige's arms.

Kumurap-kurap ako ng magising ako. Nasisilaw ako sa liwanag mula sa bintana. Nagpalingon-lingon ako..walang ibang tao maliban don sa nurse na inaayos yung dextrose ko.

Mukang nagulat siya ng makita akong nakatingin sa kaniya pagkaraan ay ngumiti siya.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now