5 pm.
Umuulit ulit ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaksihan ko ang mga pangyayaring bumabasag sa puso ko ng paulit ulit. Ang pangyayari sa tapat ng matandang puno ng zelkova.
Hindi ako makapaniwala. Si Zoe, ang babaeng pinakamamahal ko at si Alex ang taong pinagkakatiwalaan ko ay naghahalikan mismo sa harap ko. Tumakbo si Zoe papunta sa akin pero wala ang magwa. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Tumulo na lang ang luha ko nang makita ko sila. Nagpapliwanag si Zoe pero hindi ko na iyin naririnig. Parang ayaw ko nag marinig pa ang apliwanag. Pero biglang nawla si Alex sa tapat ng puno ng zelkova at mabilis na tumatakbo papunta sa akin hawak ang isnag kutsilyo. Wlaa akong imik habang papalapit siya. Masasaksak niya na ako pero wa akong magagawa. Papatayin ako ng kaibigan ko at pinagpalit ako ng taong pinakamamahal ko.
Mabilis ang pangyayari. sa isang iglap ay humarang si Zoe sa harap ko at ang Nasaksak ay siya imbes na ako. Lalong nagulat ang mga mata ko. Tumulo ang pulang pulang dugo si zoe sa daan. Tapos ay napasigaw ako.
"Zoe!!!!!!!!!!"
Napuno ng dugo ang kamay ko at ang puting suot ni Zoe ay nagmistulang pula na. Bakit? anu ba ito hindi ko maintindihan.
"Zoe, baliw ka na! Ipinagpalit mo ako sa mahinang iyan at gagawin mo ang lahat kahit mamatay ka para lang sa kanya! kabaliwan iyan!"
Sigaw ni Alex. Natrauma ko. Tumigil ang pag patak ng luha at napalitan iyon ng galit. Nagdilim ang paningin ko at nagsimula akong manggigil. Si Alex, papatayin ko siya. Papatayin ko siya!!
Pagkatapos noon ay tumayo ako at mabilis na sinuntok si Alex sa mukha. Natamaan ko siya pero parang wal lang iyon sa kanya. Sinuntok ko ulit siya at wala pa ring epekto.
"mamamatay kang mahina Eid, sa mundong ito, ang katothanan ay kasinungalingan."
Sabay saksak sa akin ni Alex sa dibdib.
Nagsimulang manikip ang dib dib ko. hindi ako makahinga. Mamamatay na ba ako? Hindi. Kailangan pa ako ni Zoe at kailangan ko pa siya.
Zoe Foster
Present Time
April 3
Nagsimulang sumuka ng dugo si Eid. Mukhang hindi niya kakayanin at hindi na rin kakayanin ng kapangyarihan ko ang matagal na paananggalang na ginawa ko. Patuloy sa pag atake si Emerald (Alex) sa amin.
"Isuko mo siya o maamamatay ka!"
Pero hindi ako nawawalang ng loob. Magagwa ni Eid to. At sa isang iglap, dumilat si Eidine at nagliwanag ang mata niya. malakas na liwanag na nakasilaw sa aming lahat. Ang sumunod na pangyayari ay napakbilis. Nakatayo na si Eidine sa loob ng isang poste ng asul na luwanag at nagsimulang gumalw papalabas. Nag tagumpay ba ako? Naisalin ko ba nag memroya niya sa Sapphire o ang sapphire ang kumokontrol sa kanya?
"Alex, pagbabayaran mo ang ginawa mong pag patay kay Zoe."
Malalim ang boses niya pero alam kong si Eid ang nagsasalita. Kunggayon nagtagumpay nga ako.
"Sapphire, ang bago mong katwan ay walang ibabatbat sa akin, Ako na nag kulong sa yo sa loob ng mahabang panahon."
Alam kong mangyayari ito at ang susunod na mangyayri ay ang katapusan ng isa sa mga storya. Ang liwanag ni Eidine at Emerald ay Kumikislkap sa kalangitan.
Eidine Gainer
April 3
3 am
Nagising ako sa bago kong katawan. Ramdam ko ang pagdaloy ng purong kapangyarihan sa katawan ko. Nasa harap ko ngayon si Alex. Hindi, kilala ko na siya. Siya si Emerald. Ang taong papatay sa pinakamamahal ko. Nauna siyang sumgod gamit ang kulay berdeng liwanag na palaso. pero hindi ako noon tinatablan.
Naging kagimbal gimbal ang pangyayayri at nagpalitan kame ng palaso, bala, at nagkatamaan ang espada. Nabalot din kame ng malalakas na pagsabog ng Asul at Berdeng liwanag.
"Sapphire, nagwa kitang ikulong at magagwa ko ulit iyon!"
"Manahimik ka!"
Gamit ang halberd, ay sinugod ko siya ngunit nagawa niya iyon salagin gamit ang kanyang nagliliwanag na kamay. Idiniin ko pa ang halberd at tuluyan nang nagdugo ang kamay niya. nawala ang liwanag at naramdaman ko ang pag daan ng talim ng sandata ko sa mga buto at lamn niya sa maay na ngayon ay naputol na.
Nagdudugo ang kamay niya at lumayo sa akin. Naktitig lamang siya pero nagulat ako nag biglang may sumaksak sa kanya sa likod. Isang Dilaw na espada. Ang may hawak niyon ay ang lalaking nakasalubong namin noong ika 1 ng abril.
"Quartz!"
Sigaw ni Zoe. Iyon pala ang pangalan niya at sa isnag iglap. lumagpak si Alex sa lupa at unti unting nawawala na pang buhangin.
"Ang bituin ay hindi dapat umasta na parang mamamatay tao."
Mahinag sabi ni Quartz.
"Pero kung mali na ang ginagawa mo ay dapat ka nang pigilan."
Natapos ang gabi. napuno ng berdeng alikabok ang paligid at nilapitan ko si Zoe. bakas pa rin ang sugat niya sa dibdib at mahina pa rin siya. Inakay ko sy apaptayo at yumakap siya sa akin. Bumuhos ang luha. Ganun din ako.
"Mahal kita Eidine."
Niyakap ko siya ng mariin. Ayoko na siyang mawala sa akin. Naging mahirap ang pagabot ko sa kapangyarihan. Mahirap abutin ang bituin, pero mas mahirap abutin ang puso niya. Ngunit nayon abot kamay ko na siya. At nangako ako sa sarili kong hinding hindi o na siya bibitawan.
Natapos ang lahat. at tuluyan akong nawalan ng malay. Pero bago iyon, sinigurado kong hindi na mawawala si Zoe sa akin.
Eidine Gainer & Zoe Foster
April 3
6 am.
Iminulat ko ang aking mga mata. Mabigat pa ang talukap niyon ngunit gusto ko nang dumilat. Pag ka bukas ng mata ko, tinungo niyon ang tabi ko. Nasa taabi ko si Zoe. Nakayakap sa akin at nagising nadin. Ang lahat ng paghihirap ko ay sulit. Nagtama ang mga mata namin at sabay naming binati ang isat isa ng Magandang Umaga.
THE END
=============================================================================
Ang katahimikan ng madaling araw ay naghudyat ng bagong simula hindi para sa kanila kundi sa pag iibigan nila. Ang Berdeng alikabok ay muling nabuo at kumalat sa hangin. Nagaantay ng panahon na uli siyang isilang tulad ng Asul na Liwanag.
=============================================================================
Guys! Nalate pero sana nag enjoy kayo! Rush na kaya may typo pa yan pero san magustuhan niya hahah ^^
JUDGEs
FHAYE, STAN, at JHANINE alam na this ahahaha xD
Para to sa kuya kong makulet! na nanggugulo kanina pa habng ginagawa ko ang last part ^^
YOU ARE READING
Spark in Horizon
FantasyAnu ba ang mas mahirap abutin, ang puso mo o ang mga bituin?
Memory Loop
Start from the beginning
