Memory Loop

55 5 5
                                        

Eidine Gainer

April 3

        Iminulat ko ang aking mga mata. Mabigat pa ang mga talukap nito ngunit nais ko nang gumising. Nababalot ng dilim ang aking silid. Tanging ang sinag ng maliwanag na buwan na tumatagos sa salamin ng aking bintana ang nagsisilbing tanglaw dito.

        Hindi pa pala umaga.

        Agad kong tinignan ang orasan sa tabi ng aking kama. Ang mga umiilaw na kamay nito ay nagsasabing dalawang oras pa lang ang nakalilipas mula noong hating-gabi. Tumayo ako at naupo sa aking higaan. Inabot ko ang unan para yakapin at napansin kong basa ito. Laway? pawis? o luha? hindi ko na alam. Napansin kong hindi pa ako nakakapag palit ng damit, ito pa rin ang damit na suot ko kahapon. Bukod sa jacket na itim na nasa lapag, suot ko pa rin ang asul at itim kong damit, pati rin ang aking gray na fit pants. Dali dali akong tumayo para mag palit. Dahil sa maliwanag naman, madli kong nabuksan ang wardrobe at kumuha ng pam palit.

        Hubad ang damit, tapon sa gilid.

        Hubad ang pants, bato sa gilid at isinuot ang mas preskong pang-ibaba.

        Nakatambak sa gilid ang aking mga damit, yung hinubad ko ngayon at ang unipormeng hinubad ko kahapon ng hapon.

        Tumapat ako sa bintana at dahan dahan iyong binuksan. pumasok ang malamig na hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hangin. Sa pag dapo ng ihip nito ay siya namang tumutuyo sa mga basa sa aking mukha. Pawis, pawis lamang ito dahil mainit ang mga gabi ng tagsibol.

        Ilang minuto din akong nakatunganga sa labas. Hindi gaanong madilim sa labas ngunit napakatahimik nuon na malayo sa nasaksihan ko kahapon. Nag suot ako ng t-shirt, kulay puti at kinuha ang jacket sa sahig pagakatapos ay bumababa ako sa aking kwarto at lumabas ng bahay. Ito ang unang beses na lumabas ako ng bahay nang alanganing oras. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako lumabas.

        Sa labas, nakaramdam ako ng sobrang kapayapaan. Mabagal kong nilakad ang tahimik na daan.Tumitig ako sa kalangitan, ito pala ang itsura ng gabi, napakaganda. Kakaiba ang pakiramdam ko simula nung pangyayare kagabi. Pakiramamdam ko nadadama ko ang liwanag, hindi, pakiramdam ko nahahawakan ko ito. Hindi ko alam ang mga nangyayari sa akin pero  sigurado ako. Nagagawa kong damahin ang liwanag. Anu ba ang nangyari kahapon? anu ba ang nangyare at nag kaganto ako ngayon?

        Pinilit kong alalahanin ang lahat. Lahat ng mga bagay. Pagkatapos ay nagsimula akong makakita ng liwanag. hindi, nagsimulang magliwanag ang aking mga mata at mula sa liwanag, nabuo ang imahen ng kahapon. Ang imahen ng walang katapusang pangyayayri.

Mga matang may luha,

pilak na buhok,

pag kinang at kasawian.

        Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. sobrang liwanag ng paligid. wala akong maaninag ngunit may biglang dumaan sa harap ko. Naaalala ko ang kanyang mukha. sigurado ako roon. pamilyar iyon. Kulay maputlang rosas na mga labi at makinang na mata.

Oo! siya nga.  Unti unting bumalik ang mga pangyayari noong ika 2 nang Abril.

April 2

5:00 pm


        Mabilis kong binabagtas ang kahabaan ng main road bridge. Nagpapalit palit ang mga ilaw na natatanaw ko mula sa wind shield ng aking sasakyan. Pula, dilaw, puti at berde. Rush hour ngayon kaya maraming motorista ang nagmamadali pauwi sa kanikanilang bahay o di naman kaya ay sa kanilang mga pupuntahan.

Spark in HorizonWhere stories live. Discover now