Pagkatapos ng klase ko ay dumaretso ako sa Bulwagan ng Kalawakan (The Hall of Space) para makipag usap sa isang kaibigan. Ang taong nabangga ko kanina, si Topaz, Isa sa matataas na pinuno ng Konseho at malapit kong kaibigan.
"Reck, anu na ang gagawin ko? Nakagawa na ba sila ng hakbang?"
Reck Robin ang pangalan niya dito sa lupa at Topaz sa Kalangitan.
"Mukhang gumagawa na sila. Dapat mo nang paganahin ang liwanag sa katawan ni Eidine yun na lang ang magagawa natin. Kung magagawa niya iyong kontrolin, Hindi na iyon magiging kaso sa Konseho."
"Hindi maaari iyan! Ikamamatay niya kapg tinanggal ko ang seal na pumipigil doon. Hindi pa siya handa at ganun din ang isipan at memorya niya. Maaaring Makulong siya sa Paulit ulit na Memorya (Memory Loop) at hindi na maklabas doon. Hindi ko isasang alang alang ang buhay niya!"
"Ano ang gagwin mo kung ganun? Alam na ito ng konseho at kapag nagkataon ay si Emerald na mismo ang tatapos sa buhay ng binata"
"Hindi siya mamamatay"
Matapang kong sabi kay Topaz. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha at kasbay noon ay ang pagaalala.
"Pero ikamamatay mo iyon! Hindi na kumpleto ang liwanag mo Amethyst, Ibinigay mo na sa kanya ang Asul na bahagi ng liwanag mo. Ang kaparusahan ng konseho ay kamatayan kaya paano mo ito magagawa? Wala kang tsansang mabuhay kung hahamunin mo si Emerald."
Napaisip ako sa sinabi niya Oo hindi na ako kasing laks ng dati pero hindi ko rin naman dapat hayaang mamatay si Eid. Sa kalaliman ng pag uusap namin ay tumunog ang cellphone ko na nasa taabi ni Topaz. sinagot niya iyon.
"Hello?"
Lalaki ang tinig sa linya at hindi ako pwedeng magkamali.
"Pwede ba kay Zoe? Zoe Foster?"
Natatrantang inilapit ni Topaz ang phone sa akin at nag simula akong mag salita.
"Napatawag ka Eid?"
"Ah, gusto ko sanang tanungin kung ayos ka lang ba kasi medyo naging tahimik ka ngayong araw at baka nag-"
Pinutol ko na ang sinasabi niya at nagsimula akong mag salita. Naisip ko na ang dapat kong gawin. Hahayaan kong magbukas na ang liwanag sa loob niya at tutulungan ko siya para magawa iyon.
"Makinig ka, Eid, Mahal kita pero hindi ngayon. Gusto kita pero mahirap, hi-hindi ko alam kung paano pero sana maintindihan mo ako. Pakiusap, layuan mo ako."
Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero biglang nagbukas ang pinto ng Bulwagan kay pinatay ko na ang phone.
"Amethyst! narito ako para sunduin ka."
Si Quartz ang pumasok. isa sa Sundalo ng Konseho (Council Knight). Pinatwag siya ni Topaz para samahan ako sa Grand Hall kung saan ko bubuksan ang pinto ng Asul na liwanag, ang liwanag na mas kilala bilang Sapphire na malapit nang maging si Eidine.
"Meron kang isang araw, sa ika 3 ng abril ang panahon ng pagsilang muli kay Sapphire kaya magiinagt ka."
tumango ako at dumersto na kay Quartz papunta sa grand hall. Daladala ko ang pagasa para sa pagibig ko kay Eidine.
Eidine Gainer
Unknown date
YOU ARE READING
Spark in Horizon
FantasyAnu ba ang mas mahirap abutin, ang puso mo o ang mga bituin?
Memory Loop
Start from the beginning
