"Ikaw, . . . "
Isang lalaki at kakilala ko siya. Nakaramdam ako ng takot.
"Sinabi kong layuan mo na siya diba? Hindi mo ba naiintindihan iyon?"
Nanggigitil ang tinig niya. Lumapit siya at hinawakan ang pulsuhan ko. Madiin.
"Nasasaktan ako! bitawan mo ako!"
Pero natawa lamang siya sa sinabi ko tapos ay inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Makinig ka, Hindi ko alam na nakakaramdam ka pala ng sakit? Ang mga tulad niyo ay hindi na namamatay at hindi makararamdam ng ganyang sakit kaya gusto ko umalis ka na dito ngayon na!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na akong magagawa, kailangan kong makuha ang kailangan ko at kailangan ko pang magtagal dito para makuha iyon kaya gumawa ako ng bagay na hindi ko pa nagagawa kanina. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Alam mo, hindi mo gustong umalis na ako agad. . . "
Pagkatapos ay nilapat ko ang aking labi sa kanya. at mariin ko siyang hinalikan. Itinulak ko siya palabas sa kwarto ni Eid at patungo sa katapat niyong kwarto. Hangang matumba siya sa kama. Nagsimula siyang gumanti ng halik at dumiriin ang pag hawak niya buhok ko at bumaba ang kamay niya sa bewang ko. Nakapatong ako sa tapat niya pagkatapos ay unti unti niyang itinataas ang damit ko pero bago niya pa niya iyon magawa, hinawakan ko ang kanyang ulo at tumigil sa pag halik.
"Pasensya na"
Sabay diin sa pagkakahawak sa ulo niya at nilabas ko ang pulang liwanag at sa isang iglap nakatulog siya. Tulog na siya kailangan ko nag magpatuloy. Dumaretso ako pagbalik sa kwarto ni Eidine. Asan na ba yon! Natataranta na ako. Saglit lang ang epekto ng pampatulog sa kanya dahil isa siyang half breed. Napansin ko ang picture frame sa desk niya. Eto na yon! Kinuha ko ang larawan at saka dumaretso papalabas ng bahay. 5 na! nandito pa ako. Hindi ito maganda. Dumaretso ako sa labas sa tapat ng zelkova tree at binuksan ang cellphone ko. Kailangan ko siyang itext. Isang minuto ay nagsend na ang mensahe nang biglang dumating ang lalaki kanina.
"Zoe!! mamatay siya at wala kang magagawa! kaya umalis ka na lang!"
"Hindi!"
Sigaw ko at pag katapos ay tumakbo siya papalapit. Hinawakan niya ang kamay ko pero nagpupumiglas ako.
"Bitawan mo ako!"
Pagkatapos noon ay hinalikan niya ko bigala sa liwanag ng dapit hapon at nagulat ako nang makita ko si Eidine na humahangos ng hininga.
Itinulak ko ang lalaki na humalik sa akin. At tumakbo ako papalapit kay Eidine. Naiwang nakatunganga siya. Niyakap ko siya ngunit wala siyang reaksyon.
"Eid! makinig ka, hindi mo dapat iyon makita."
At sa papalubog na araw, nagsimulang lumiwanag ang aming mga puso.
April 1
Hindi ako makapagisip ng maayos simula noong makasalubong namin kanina ang isa sa mga pinuno ng konseho ng liwanag. Nakilala niya ako at nakita niya ang taong pinagbigyan ko ng kalahati ng liwanag ko. Kung nandito siya, ibig sabihin nabuhay na ang liwanag sa katawan ni Alex o mas mabuting tawagin kong si Emerald.
Ang konseho ng liwanag ay hindi papayag na magkaroon ng isang tao na nagtataglay ng liwanag mula sa isang bituin lalo na kung sa akin ito galing. Napaisip ako na baka gumgawa na sila ng hakbang para Tapusin si Eidine kaya dapat umisip na din ako ng paraan para mailayo siya.
BINABASA MO ANG
Spark in Horizon
FantasyAnu ba ang mas mahirap abutin, ang puso mo o ang mga bituin?
Memory Loop
Magsimula sa umpisa
