Umuulit ulit ang mga pangyayayri.

Zoe Foster

April 3

        Nakasalubong ko siya sa daan. Halos ilang oras na ang nakararaan mula nung hating gabi. Nagliliwanag ang kanyang mga mata. kaya naisip kong lapitan na siya. Wala siya sa kontrol. mukhang hindi niya kakayanin ang pagsubok ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang mga mata. Tinakpan iyon at ipinikit pagkatapos ay tuluyan na siyang bumagsak sa daan. hawak hawak ko siya, at sobrang bigat niya. Kinakabahan ako. Anu ba itong nagawa ko? At sa dilim ng gabi, napaluha ako at tumulo iyon sa kanya.

        "Gumsing ka! Eid! pakiusap! . . . "

        Hindi ako malaman ang gagawin ko pakiusap kailangan ko siya. Hbang umiiyak ako ay may naririnig akong mga yabag. Kasabay noon ay ang malakas na tinig na sinisigaw ang aking pangalan.

        "Zoe!! Hindi ka niya matutulungan! at ganun ka rin sa kanya!"

        Tapos sa kanto, natanaw ko ang pinagmumulan ng tinig.

        "Zoe!!  Ginagawa ko ito para sa atin, para iligtas ka sa bingit ng kamatayan!"

        "Walang mamatay! yun ang sabi mo! at hindi ko papayagan lalo na kung ang mamamatay ay si Eidine!"

        Galit na sigaw ko habang umiiyak na sa tingin ko ay kinagalit niya. Nagtaas siya ng kamay at nagsimula siyang maglabas ng isang puting liwanag. Kasunod noon ay ang malakas na pagsabog ng nakasisilaw na puting liwanag sa likuran namin ni Eidine.

        "Ang susunod ay tatama na sa kanya kaya kung ayaw mong mawala, lumayo ka sa kanya at kapag lumayo ka, sisiguraduhin kong hindi malalaman ng konseho ang kasalanan mo"

        Natatkot ako pero dapat akong magpakatatag para kay Eidine. Yumuko ako at niyakap siya.

        "Hindi! hindi ko siya tatalikuran!!"

        Pagkatapos ay tinignan ko siya. Nakaramdam ako ng ligaya. Sa wakas sa loob ng mahabang panahon ay nagawa kong mayakap si Eid. Ilang segundo pa ay nabuhayan ako ng loob. bumulong ako sa kanya at hinalikan ang malamig niyang pisngi. Ang sumunod ay isang nakamamanghang pangyayari. Nabalot ako ng pulang liwanag na lumalaki at bumamablot din kay Eid. Ito ang liwanag ko at para kay Eid ay hindi ako susuko.

April 2

        Alas tres ng hapon, Nagmamadali kong binagtas ang daan papunta sa bahay nila Alex at Eidine. Hindi gaanong mabigat ang trapiko kaya mabilis ko iyong narating. Bumaba ako mula sa taxing sinasakyan ko at tumayo sa harap ng bahay nila. Wala na itong atrasan. Kailangan kong baguhin ang lahat ng pangyayayri. Kailangan ko siyang tulungan.

        Pagdating ko sa tapat ng pinto ay dahan dahan kong iniikot ang knob nito. Nagulat ako nang pihitin ko ito ay bukas ito. Binuksan ko ang pinto at dahan dahang nag lakd papunta sa loob. Mukhang walang tao kaya dumeretso na ako sa kwarto ni Eidine. NAkasara ang pinto niya, swerte at may susi ako ng kwarto niya kaya nabuksan ko iyon.

        Pag pasok ko nakaramdam ako ng kaligtasan. Ito ang kwarto niya. Pinagmasdan kong mabuti ang loob at dahan dahang naupo sa kanyang kama. Nakpansin ko ang oras. Darating na siya dito kaya tumayo ako at nagmamadaling hinanap ang kailangan ko. Wala dapat makakita sa akin na narito ako. Wala na akong pagpipiliaan kundi isabog ang mga gamit niya para makita ang kailangn ko. Binuksan ko ang mga drawer, Wala dito. Binuksan ko ang damitan, Shit! wala pa rin. Ang kabinet at ialalim ng kama, wala pa rin. San niya ba iyon nilagay! Habang nag hahanap ako ay nagbukas ang pinto.

Spark in HorizonWhere stories live. Discover now