"OO! T*NG*NA mo ka! matutu kang kumilala!"
Wala na ang nanlilisik nitong tingin kay Alex at ibinaling niya iyon kay Zoe habang papadaan kami sa harap. Pinalisikan ko din siya. parang pusa na nakakita ng kapwa pusa na aagawin ang pagkain nito. Kinabig ko si Zoe papalapit sa akin.
"Ayos ka lang ba?"
mahinahon kong tanong. sumagot soya ng OO kaya nginitian ko na siya. tinignan ko ang lalaki sa likod ngunti wala na siya.
Natapos ang klase sa maghapon. Kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Zoe mula pa kaninang umaga. Naunang matapos ang klase niya kaya nagpaalam na siya na mauuna na siyang umuwi at hindi niya ako masasabayan. Pumayag naman ako dahil napansin kong medyo nanamlay siya.
"Kumain ka ba kanina?"
Nagaalalang tinig ko ngunit tumago lamang siya. Anu bang problema niya? Pinilit kong alamin iyon pero wala siyang imik.
Sa bahay nagaanatay ako ng paramdam niya. Nagaalala talaga ako sa kanya. Gusto ko sana siyang puntahan pero gamit ni Alex ang kotse niya dahil may dinner appointment daw siya ngayon.
Eto ang mahirap pag magisa ka, madami kang maiisip na kung minsan ay sobrang imposible. Lumabas ako ng bahay. Naglakad lakad sa kalsada ng subdivision. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nagaalala ako at nababato na. Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may message ba si Zoe, wala pa rin. Nagdadalawang isip ako, alam ko na, tatawag ako sa kanya. Idinial ko ang number niya tapos ay tinouch ang call.
Ring
Ring
Ring
Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung sasagutin ba niya ito o hindi.
Ring
At sa panglimang ring nagbukas ang linya. isang tinig ang maririnig sa cellphone. Teka? lalaki to sigurado ako.
"Ah . . magandang gabi, pwede kay Zoe, Zoe Foster?"
Nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. Pamilyar ang boses pero hindi ko matandaan kung sino. Naghinintay ako ng sagot, ilang segundo pa ay may tinag na nagsalita, babae malamlam ang kanyang boses.
"Eid, napatawag ka?"
"Gusto lang sana kitang tanungin kung ayos ka lang, medyo naging tahimik ka ksi nitong araw at baka na-"
Naputol ang paagsasalita ko nang biglaa siyang magsalita.
"Makinig ka, Eid, Mahal kita pero hindi ngayon. Gusto kita pero mahirap, hi-hindi ko alam kung paano pero sana maintindihan mo ako. Pakiusap, layuan mo ako."
Naputol ang kabilang linya sa isang lagabag. Anu yon? galit ba siya o ano? sabi niya mahal niya ako, eh bakit binaba niya ang telepono? anu bayun? ewan.
Ilang oras akong nakatunganga, nagiisip kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sinabi. Bakit niya ako palalayuin kung mahaal niya ako? binusted niya ba ako? Ilang buwan ko na rin siyang sinusuyo simula nung ika labing apat ng pebrero at mukha namang maganda ang kinakalabasan niyon kaya bkit ganto? aywa niya ba talaga sa akin?
Sa kalaliman ng aking pag iisip ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe. Binuksan ko, unregistered number ang sender at ang mensahe ay nagsasabing 'APRIL FOOLS pasensya na'. ang paraan niya ng pagtetext ay pareho kay Zoe kaya inisip kong siya iyon at nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya. Ngayong araw, napansin kong masyado akong nagpapadala sa emotion ko, pero san nga ba siya nagbiro? yung layuan ko siya o yung mahal niya ako?
YOU ARE READING
Spark in Horizon
FantasyAnu ba ang mas mahirap abutin, ang puso mo o ang mga bituin?
Memory Loop
Start from the beginning
