Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong ayusin dito, pero mas iniisip ko kung ano ba ang nawala. Naroon pa rin kasi ang PC at Laptop ko, nandito pa rin ang Tab at iba ko pang gadget. Sinu namang magnanakaw ang kukuha ng libro at underware o mga damit? wala rin naman ako masyadong burloloy na isinusuot kaya hindi ko alam kung anu ang kinuha at nawala. Napaupo na lang ako sa kama ko. nag iisip at natatranta. Tapos nun, bigla akong napatingin sa mesa ko, yung picture frame, Naiwan iyong nakatayo pero ang larawan doon ay wala na. Larawan ko iyon at ni Zoe noong nakaraang taon sa graduation namin, teka, si Zoe! siya nga!
Naalala ko ang text message sa akin, tungkol iyon sa kanya. Dali dali akong tumingin sa orasan sa sahig. 5:58 na!. 2 minuto na lang ang natitira sa oras na isinaad sa text. Nagmamadali akong tumakbo paapalabas ng kwarto at bahay. Tumakbo ako papunta sa kanto sabay liko. napakahabang takbuhan nito pero nagawa kong umabot sa kanto.
Wala nang araw. nakabukas na ang ilaw sa daan. hinahabol ko ang aking hininga. nakayuko ako habang nakahawak sa aking mga tuhod. kanina pa ako napapagod at kanina ko pa gustong mag pahinga ngunit nang itaas ko ang aking tingin, nasabi ko sa sarili kong hindi ko na iyon magagawa. Tanging pinaghalo halong emosyon na lang ang nadadama ko. Tama ba itong nakikita ko?
April 1
7:00 A.M
Ang unang araw ng abril ay araw ng kalagitnaan ng panahon ng tagsibol. Namumukadkad ang mga bulaklak kasabay ng pag tubo ng mga dahon ng mga puno. Nararamdaman pa rin ang katamtamang lamig ng hangin ngunit papainit na rin iyon ng papainit. Masaya naming tinatahak ang daan patungong school nina Zoe at Alex. Hindi namin gamit ang kotse nya dahil hindi namin trip na sumakay.
"Eid? kamusta naman si Alex kasama sa bahay? siguradong nakakabaliw yun hahaha"
Tanong ni Zoe. Pabiro ko siyang sinagot.
"Hindi nagkakamali ka, SOBRANG nakakabaliw hahaha"
Nagtawanan kaming dalawa ni Zoe samantalang si Alex ay todo dipensa at pagbubulaan.
"Hoy! siyempre ayus lang kay Eid yun! pareho naman kaming baliww eh, di ba Eid!"
Nandamay pa ang loko. Tumingin siya sa akin na parang nanghihingi ng tulong at pagsang ayon. Anu bang magagawa ko? Edi nagkibit balikat na lamang ako.
"hahaha Tatandaan ko ito Eid! tandaan mu yan!"
Biro ni Alex sa akin.
Habang abala kame sa pag uusap, hindi namin napansin ang isang lalake na nag lalakd pasalungat sa amin. nabangga niya si Zoe na kamuntikan nang matumba kung hindi ko siya nasambot..
"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo ha Baliw!?"
Galit na sabi ni Alex sa lalaking nakabangga namin. Nakatingin lang yung lalaki kay Zoe habang nakahawak siya sa kamay nito. Kakaiba ang titig ng kanyang abuhing mata. napansin ko na kakaiba din ang titig ni Zoe sa kanya. Takot. oo iyon nga ang nakikita ko sa mata ni Zoe. May kakaiba akong naramdaman kaya tinapik ko ang kamay ng estranghero na nakahawak sa pulsuhan ni Zoe.
"Excuse me, ayos na siya"
Mataray na tinig ko tapos ay lumayo ang estranghero.
"Hoy! nakikinig kabanag P*TANG*NA mo ka?!"
Gitil ang tinig ni Alex sabay tulak sa dibdib ng estranghero.pinanlisikan ng estranghero si Alex at gayun din ang ginawa ni Alex sa kanya. ilang minuto din yon bago tuluyang gumilid ang lalaki at pinadaan kame.
YOU ARE READING
Spark in Horizon
FantasyAnu ba ang mas mahirap abutin, ang puso mo o ang mga bituin?
Memory Loop
Start from the beginning
