Medyo mabilis ang trapiko, hindi tulad ng karaniwan na rush hour.  Diniinan ko ang accelerator para mas pabilisin pa ang aking takbo. 7 minuto, nalagpasan ko ang main road bridge. 10 minuto sa Central buildings at 10 na minuto sa papasok sa subdivision kung saan ako nakatira. 

        Sana hindi ako huli.

        Nakatangap ako ng isang text message mula sa isang unregistered number sa aking cellphone. Medyo hindi maganda ang nilalaman nito kaya nakalarma ito ng todo sa akin. Hindi ko alam kung sino sya pero isa lang ang alam ko, alam niya kung sino ako at kung sino ang babaeng pinakamamahal ko, si Zoe. 

        Pagkadating sa subdivision, inihinto ko ang aking sasakyan sa tapat ng matandang puno ng Zelkova. Ito ang lugar na binanggit sa text kaya dito ako tumigil. Inilibot ko ang aking mga mata. Sa kaliwa, may ilang mga naglalakad na mga estudyante. Sa kanan, may isang dalagang nakasuot ng maikling shorts na tumatakbo at sumusunod sa kanyang alagang aso. Sa tapat ko naman ay ang nakasisilaw na sinag ng papalubog na araw.Tumingin ako sa relo sa kanan kong kamay. 5:35 na, ldalawamput limang minuto na lang ay ala sais na. 

        Ilang minuto din akong nakatayo sa tapat ng matandang puno pero wala pa ring senyales ng tao na nagtext sa akin. Sa loob loob ko ay nagmumura na ako sa sobrang nerbyos. Malapot na din ang pawis sa aking katawan kaya naisipan kong umalis muna para magrelax.

        "Bente minutos pa naman . . . "

        Dali dali akong bumalik sa sasakyan, pinaandar iyon at lumiko lang sa kanto diretso sa bahay na tinutuluyan ko. Malapit lang naman iyon kaya ipinarada ko na ang sasakyang gamit ko. Actually, pagmamayari ito ng kasama ko sa bahay na ito, si Alex. Isang mayaman at popular na lalaki na pumapasok din sa Universidad na pinapasukan ko. Nakasama ko na siya noong nasa high school pa lang kame, isang taon na ang nakalilipas at maituturing ko siyang pinaka malapit kong kaibigan.

        Tuwing hindi siya papasok at gagala sa kalawakan ng New York, ako ang pinagagamit niya ng kanyang kotse. Marunong na rin kasi ako mag drive at may drivers licence na din ako dahil 18 na ako. Dito kasi sa amerika, kung legal ka na, lahat pwede mo nang gawin, depende na lang sayo kung anu ano ang gagawin mo kaya si Alex laging gumagala at kung saan saan gumigimik.

        Tumingin ako sa relo ko, 5:40. Sampung minuto pa. pumasok ako sa loob ng bahay, lagpas 5:30 na kaya siguradong nandito na si Alex. Hindi nakakandado ang pinto ngunit nakapatay ang ilaw. Minabuti kong dahandahang bukasan ang pinto, baka kasi natutulog si Alex at napagod ata sa kanyang pag gala. Binuksan ko ang ilaw, wala siya sa sala. Tumungo ako sa kwarto ko sa tapat ng kanya. Napansin kong nakabukas ang kwarto niya na bihirang maiwan niya ng bukas. Siguro nasa loob siya kaya nagsalita ako.

        "Kamusta ang pagliliwaliw?"

        Pabiro ang tono ko. Hinihintay kong sumagot siya pero naisip ko na baka pagod na siya kaya sinilip ko ang kanyang kwarto, unti unti kong binuksan ang pinto. Ang inaasahan ko ay nakahiga siya sa kama at mahimbing na natutulog pero, ikinagulat ko ang aking nakita. Wala si Alex sa loob, gusot ang kubrekama niya at hindi nakaayos ang kanyang unan.pero wala siya. Nakabukas din ang electric fan at gayun din ang airconditioner. Hindi niya iniiwanang ganto ang kwarto niya kaya nagmamadali akong tumakbo sa sala. Diretso sa kusina. Wala siya. Sa banyo, wala siya tapos sa likuran, wala rin siya. Napagod ako sa pag takbo at umupo sa kutson  sa sala. Bihira ito, halos naiwang bukas ang bahay at wala si Alex.

        Walang nawala sa gamit namin kaya siguradong naiwan lang itong ganito. Pero sino naman ang papasok dito at lalabas ng walang dala? Tinungo ko ang kwarto ko at laking gulat ko nang mabuksan ko iyon, sabog sabog ang mga libro, hindi nakaayos ang higaan. Ang mga drawer ng damitan at lamesa ko ay naiwan ding naka tungalngal kasama ang mga laman niyon na nagkalat sa buong paligid.

Spark in HorizonWhere stories live. Discover now