ALLISON'S POV
"Go, Kleid!" masayang sigaw ko habang hawak ang malaking banner na ginawa ko para sa kanya. Nagpuyat ako kagabi para lang matapos ko ito, nangako kasi ako na manunuod ako ng laro nila ngayon. Kaya ito ako, walang pake sa sasabihin ng iba kahit na maingay ako, maisigaw ko lang ang pangalan niya.
"Monteciervo for three!" narinig kong pag announce sa loob ng court.
"Wooooh!" sigaw ko ulit nang pumasok ang bola.
Wala akong pake kung ano man ang sasabihin sa akin ng mga tao dito, masaya ako sa ginagawa ko. At masaya akong sinusuportahan ko ang aking boyfriend.
Siya na ang pinaka perpekto na nobyo para sa akin, at gusto ko rin na ipadama sa kanya ang pagmamahal na nararapat niyang maramdaman. Gusto kong maging isang perpektong girlfriend sa paningin niya.
"Congrats!" bati ko sa kanya matapos silang manalo mula sa kalaban. Malaki din ang naging lamang nila kaya hindi sila masyadong nahirapan para maipanalo ang laro.
Nagsisimula ng mag alisan ang mga tao dito sa court, nakikipag apir siya sa ilang mga kaibigan niyang dumadaan.
"Halika" utos niya sa akin. Umupo siya sa upuan sa gilid ng court, samantalang ako ay nanatiling naka tayo at di sigurado sa sunod na gagawin.
Napa nguso ako habang tinitingnan siyang naghihintay sakin habang naka taas ang kilay. Salubong ang aking kilay habang tinitignan ko siya, samantalagang tumawa lang siya ng mahina.
"Hey, come here" sambit niya. Gustong-gusto kong itago ang mga ngiti sa aking labi tuwing naririnig ko ang kaniyang medyo paos na boses, kahit bagong gising, pagod at masaya, talagang ang lalim at sobrang nagugustuhan ko ang tunong ng boses niya.
Sabihin mo sa akin... paanong hindi mas mahuhulog ang loob ko sa kaniya?
Napalingon ako sa buong court ng makitang ilan na lang ang mga taong nandito, at puro naglalabasan na. Muli akong ngumuso, napapa isip kung bakit hindi pa rin kami umaalis dito.
Lumapit ako sa kaniya ng paunti-unti at dahan-dahan. Tinignan ko siya ng masama habang siya naman ay pilit na itinatago ang kaniyang ngisi sa labi.
"Bilisan mo, mahal ko" sabi niya sabay tawa ng mahina. Hindi ko binilisan ang paglalakad ko at mas lalo ko pang binagalan para mainis siya. Gusto ko siyang nakikita na naiinis, parang bata kung umasta, dahil mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
"Tss" angal niya at umirap sa akin. Tatawanan ko pa sana siya nang biglang hinuli niya ako sa palapulsuhan ko at mabilis na hinila papunta sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang makitang naka upo ako sa lap niya at naka pulupot ng mahigpit ang kanyang mga bisig sa aking tiyan.
"Uh ano, Kleid" natataranta kong sabi habang tumitingin sa mga taong naka tingin din sa amin. Ang iba ay naka ngiti na parang kinikilig, ang iba naman ay naka tingin lang at naka taas pa ang kilay na para bang ayaw nila sa akin.
Oo, alam ko. Hindi ako tulad niya, sikat siya at ako? Isang ordinaryong babae lang. Yun ang rason kung bakit laging masama ang tingin ng karamihan sa akin.
"Oh, bakit?" malambing niyang tanong sa akin, lalo akong napa pikit sa kahihiyan, pilit kong kinakalas ang kamay niya pero masyado siyang malakas para matalo ko.
Panigurado akong pulang pula na ang pisngi ko ngayon dahil sa hiya, hindi sa nahihiya ako sa relasyon namin, ang nakaka hiya ay itong posisyon namin, sobrang lapit naming sa isa't isa!
"Yung mga tao" hindi mapakali kong sabi.
Naramdaman ko ang paglapat ng labi at ilong niya sa buhok ko.
"Hmm?" aniya at muling inamoy ang mahaba kong buhok.
Napansin ko lang na lagi niya 'yong ginagawa, hindi ko alam kung anong meron sa buhok ko at lagi niyang inaamoy 'yon, nagtataka ako kung bakit.
Pinalo ko ang braso niya.
"Hmm ka nang hmm 'dyan! Naka tingin yung mga tao" naiinis kong sabi at itinuro ang ilan sa mga taong naka tingin sa amin kanina, na ngayon ay palabas na.
"Wag kang mag-alala, wala akong pake sa sasabihin nila" sabi niya gamit ang napapaos at malalim niyang boses. Napa sulyap ako sa kabuuan ng court ng mapagtanto ko na kami na lang ang tao dito.
"Naka tingin sila sa atin, hindi ka ba natatakot? Sikat ka–"
"Sikat ako at ikaw ordinaryong babae? Hmm? Tigilan mo na nga iyang mga ganyang linyahan mo. Seryoso, Allison? Wala namang espesyal sa linya na yun para maging paborito mo yung linya mo na yun. Nakaka selos na" sabi niya sa seryoso at nagseselos na tono.
KAMU SEDANG MEMBACA
One Shot Stories (Random)
AcakThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblace to actual persons, living or deaed, or actual events is purely coin...
