Prologue

0 0 0
                                    

"Gelibells!"sumigaw si Katarina, ang best friend ni Angelica since 1st year college.

Lumingon si Angelica at napasigaw habang tumakbo papunta sa kanyang kaibigan. "HOOOOOY!!"

Nagyakapan ang dalawa at tila mga lintang hindi mapaghiwalay matapos na hindi nagkita ng 2 buwan gawa ng summer break ng kanilang eskwelahan.

Tawa nalang sila ng tawa habang nagkkwentuhan sa isang cafe nang biglang nagseryoso ang paningin ni Katarina kay Angelica.

"Geli," sabi niya habang ngumunguya, "nakita mo na ba ulit si Wi---"

"'Wag mo nang ituloy, Katarina Ariana Gonsalvo," ani Angelica na parang biglang napagod. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?"

Nagulat si Geli ng bigla nalang niyang nakita na papalapit si Franco. She froze on her seat and her lips went white.

"Angel.." mahinang pagtawag ni Franco.

Umiwas na ng tingin si Geli nang makalapit sakanya ng tuluyan ang lalaki.

"Do not call me Angel," sambit niya. "Hindi ko maalalang inimbitahan kita dito. What are you even doing here?"

Tumikhim naman si Katarina. "Ako nagpapunta sa kanya dito, bes. Sabi kong kikitain kita, at ilang beses na din niya ako kinulit about it."

Hindi makapaniwalang tumingin si Geli sa kanya. "Bakit mo naman ginawa? Alam mo naman kung anong ginawa niya, nilang dalawa, sa akin tapos papapuntahin mo pa siya dito ng hindi mo sinasabi sa'kin?"

Nabigla si Katarina sa sinabi ni Geli. "Sandali nga, kausapin ko nga 'tong si Franco."

Napabuntong-hininga nalang si Katarina at hinila palayo ng lalaki.

"I will never forgive, nor forget, what you did to me," naisip in Geli habang nakatingin sa kanila na naglalakad palayo.

--Yan na muna. Gawa na ako ng chapter 1 haha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I've Already Done That.Where stories live. Discover now