"Ayaw mo?" sagot naman niya.

Ngumiti na lamang ito at tumuloy na rin siya sa counter.

Pagbalik niya sa table nila ay nandun na rin ang dalawa pa nitong kaibigan. Halos sumabog na ang ear drums nito dahil sa tawanan at walang katupasang kwentuhan. Bigla namang nalipat sakanya ang kwentuhan.

"So.. I saw them" sabi ni Jonah.

"Let them be. Wala naman akong magagawa dun, pagod na pagod na ako" sabi niya na konting galaw nalang ay tutulo na ang mga luha nito.

"So your giving up? Buti naman at natauhan ka na" Si isabel naman ngayon.

"Pssh. I don't know, maybe yes but I can't assure that alam niyo naman ang kahinaan ko" na halos mapiyok na ito sa pagsasalita.

"We understand you Bhe, but if you want to be at peace you need to set him free" hinaplos nito ang kamay ng kaibigan na nakapatong sa mesa.

Di na niya napigilang umiyak, naglabas naman ng tissue ang mga kabigan.

Maya-maya pa'y naramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone, dinukot niya ito mula sa bulsa at tinignan ang screen nito. Nakita niya ang isang unknown number noong una ay ayaw niyang basahin ang message nito pero parang may sariling pagiisip ang mga kamay niya at kusang pinindot ang screen.

From: 0977*******

"I just wanna say Hi :)" napaisip siya at naalala niya ang lalaki na kumuha ng cp number niya kanina.

"Sinong katext mo? Si Mond na naman?" galit na galit si amaya.

Napailing-iling nalang siya at ibinaba ang cp sa lamesa.

"Ang kulit kasi ng lalaki sa badminton court kanina, and unconsciously I gave him away my number"

"Gwapo ba? Bigay mo nalang samin" tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan nito.

"Ayoko nga!" inirapan niya ang mga ito.

"Uyy type mo?" sabi ni isabel.

"Hindi"

"Oh yun pala ehh, Bigay mo na samin dali" inilabas nila isabel at Jonah ang kanya kanyang cellphone.

"Sus, ayoko nga sabi! Ang kulit niyo"

"Don't tell me may binabalak ka?" sabay na sabi nila isabel at Jonah.

Ngumisi ito sa mga kaibigan..

"Nako Abby, tigilan mo na kasi yang mond na yan. Kahit anong gawin mong pagpapaselos diyan hindi na yan magbabago" sabi ni amaya.

Bigla naman nalungkot si Abby sa sinabi ni Amaya.

Hapon na pero nasa may gate parin si Abby hinhintay ang anino ni Mond. Halos nag-uwian na lahat.

Biglang may bumisina at agad namang napagilid ang mga estudyante na naglalakad sa dadaanan ng sasakyan. Napatayo si Abby at halos matumba na siya sa taranta. Mabilis naman siyang nakarating sa harap para pigilan ang pag-alis ni Mond. Biglang lumabas si Mond sa kotse.

"Pumasok ka sa loob ng saksakyan, NOW!" utos nito.

Dali-dali siyang pumasok sa may front seat katabi ni Mond.

Sinimulan na ulit ni Mond magdrive. Nabibingi siya sa katahimikan na nakapalibot sakanila ni Mond.

"M-mond.." utal niyang binigkas ang pangalan nito.

"Hmm?"

"M-mahal mo pa ba ako?" halos tumigil na ang pagtibok ng puso niya ng masabi niya ito.

Hindi siya sinagot ng binata. Deretso lang siya sa pagdradrive.

Lalong sumikip ang dibdib ng dalaga dahil sa hindi pagsagot sa tanong nito, na para bang alam na niya kung anong sagot sa mga tanong niya. Halos mahulog na ang mga luha mula sa mga magaganda niyang mata. Ipinikit nalang niya ito ng madiin para pigilan ang mga ito sa pagbagsak.

"Can.. w-we just spend time for the last time?" Pautal ang pagkakasabi nito.

"What do you mean?" tanong ng binata

"Nothing.. just forget about it" mukhang nagbago ang mga plano nito sa utak.

"Let's have dinner together"

Tumango-tango nalang ang dalaga.

"Sa bahay nalang tayo magdinner, so we could talk about us"

"S-sige"

Nang makarating sila sa bahay ng binata ay lalo siyang kinabahan na para bang may di siya inaasahang mangyayari.

Nagluto sila ng dinner nila, nakabakasyon kasi ang mga maids ng lalaki kaya walang magaasikaso sakanila. Malaki ang bahay nito, nagtataka nga siya kung bakit hindi nalang lumipat sa mas maliit na bahay ang binata.

"Mom and Dad are out of town, alam mo naman busy lagi"

"Paano ka? Wala ka man lang kasama dito?"

"Babalik naman ang mga maids next week, magtitiis muna ako sa ngayon"

"Ahhh.." yun na lamang ang naisagot niya.

"Tara kain na tayo"

Kumain sila, nagkwentuhan about sa mga nangyayari sakanilang dalawa.

After nila kumain umakyat sila at tinungo ang kwarto ng lalaki.

Kinakabahan si Abby sa mga susunod na mangyayari. Ilang beses na rin siya nakapunta at nakapasok sa kwarto nito pero parang may mali sa mga ikinikilos nilang dalawa.

Lumapit sakanya ang lalaki at hingit ang bewang ng kanyang nobya. Dahang-dahang pinagdikit ang mga labi nito, hindi ginagalaw ni ang mga labi nito hinahayaan niya lang ang binata na gawin iyon. Madami siyang naiisip, naguguluhan siya sa nararamdaman niya pero isa lang ang gusto niyang mangyari ngayon.

"M-mond.." ungol niya.

Pinagpatuloy parin ng binata ang pinaggagawa nito. Hanggang sa itulak ito na abby, muntik na nga siyang mapasubsob buti nalang at naitungod niya ang mga palad sa gilid ng kama.

"F*CK ABBY, ANONG GINAGAWA MO?" sigaw ng binata.

"This is so wrong M-mond" Nanginginig siya habang sinasabi ang mga iyon.

"Dati na natin tong ginagawa, Buti nga di kita ginagalaw" Bumababa na ang tono ng binata.

"That's not my point"

"SH*T EH ANO BANG GUSTO MO?"

"I wan't to set you free" Sinigurado niyang hindi siya mautal sa sasabihin niya. Matagal na rin niyang gustong sabihin ang mga iyon, ngayon lang siya naglakas loob.

"TANG*NA!! Ngayon ka pa susuko"

"Ayoko na.. Masyado na akong nasasaktan"

"Pinaliwanag ko naman sayo lahat simula palang diba?" sumbat ng binata.

"I know.. I know" umiiyak siya "Alam ko naman yun pero.. Nahihirapan na kasi ako Mond. Possessive na kung Possessive pero gusto ko akin ka lang"

"THE H*LL! OK FINE LET's END THIS F*CKIN' RELATIONSHIP"

At hindi na siya nagdalawang isip tumakbo palabas ng kwarto. Bakit parang mas bumigat ang pakiramdam niya eh yun naman ang gusto niyang mangyari, pero ang marinig ang mga salitang yun sa minamahal parang binuhusan siya ng mainit na tubig.

Hindi niya namamalayan nagalalakad na siya palabas ng Village habang umiiyak. She called her friends and told everything that happened.

Two Hearts, Beat As OneWhere stories live. Discover now