" Oo, nandito na ako ulit, at pangako ko sayong hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa. Hindi ko na muli pang bibitawan ang kamay mo Akin. pangako ko yan sayo." Sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit

Nilabas ko si Ella sa Ospital at dinala sa isang Condo, hindi ko muna sinabi sa kanya na may asawa na ako. kasama ko ngayon si Coco habang nagpapahinga si Ella

" Gabo, may Marsela ka na ha? magkakababy na kayo." Sambit ni Coco

" Alam ko yun Coleen, Sasabihin ko din naman kay Ella yun. At siyempre sasabihin ko rin kay Rai na buhay si Ella." Sambit ko

" Posible din kayang buhay si Abelaine?." Sambit ni Coco

" Malay ko, pero alam mo, ang saya ng puso ko ngayon, kase buhay si Akin." Sambit ko

" Gabo, wag mo sanang gagawin kay Marsela yung ginawa ko sayo noon. yung dahil sa biglang pagbabalik ng mga dating minamahal natin ay iiwan na natin ang kasalukuyan." Sambit ni Coco

" Hindi mangyayare yun Coco. Nirerespeto at mahal ko ang asawa ko wala akong balak pagtaksilan siya." Sambit ko

" That's my Gabo!." Sambit ni Coco sabay ngiti

Kausap ko si Rai sa Video Call ngayon, nagdahilan na muna ako dahil hindi pa ngayon ang tamang panahon na malaman niyang buhay si Ella. 

Phone Convo:

Rai: Mahal? Di ka pa uuwi?

Me: Hindi pa mahal eh, marami pa akong imbestigasyon na gagawin, tungkol dun sa babaeng nailigtas ni Brei

Rai: Oh I see, sige basta mag-iingat ka ha? Mahal na mahal ka namin ni Baby.

Me: I love you, both. pahinga ka na anong oras na oh

Rai: Opo, tawag ka saken bukas ha kung uuwi ka, magluluto ako nung favorite mo.

Me: Okay Mahal, O pano bye na? 

Rai: Maya na pag nakatulog ako eeee..

Wala akong choice kundi ang manatili sa VC hanggang sa makatulog ang asawa ko at nang makatulog na siya ay pinatay ko na yung call at pinuntahan ko si Ella

" Hi Akin. San ka galing?." Pagtatanong ni Ella na kakagising lang, nilapitan ko siya at hinalikan sa noo

" Dyan lang sa baba, sinagot ko lang tawag ni Tay Jace." Pagsisinungaling ko

" Oh si Tay Jace, kumusta na pala sila?." Sambit ni Ella, umupo ako at sumandal sa head board ng kama at yumakap naman si Ella saken

" Okay naman siya, magkakababy na sila ni Nay Sheki." Sambit ko

" Halaaa sila pala talaga nagkatuluyan noh?." Sambit ni Ella

" Oo nga eh." Sambit ko habang nilalaro ko ang buhok niya. 

Kung sino-sino mga kinamusta niya hanggang sa..

" Si Marsela Rai, kumusta siya?." Natigilan ako sa tanong ni Ella, pero pinili kong wag muna ipagtapat sa kanya

" Ayos naman sya, Uhm Akin nagugutom ka ba? tara kain tayo, pinagluto kita ng adobo." Sambit ko

" Wow! sige tara akin." Sambit niya

Gen. P.O.V 

Dalawang buwan na ang lumipas ngunit inilihim pa rin ni Gabb sa dalawang babae ang totoong sitwasyon. Walang kaalam alam si Ella na may asawa na ang Akin niya, at wala ring ka alam alam si Marsela sa lihim na relasyon nina Gabb at Ella. 

Eyrez P.O.V

" Coleen, nasaan ba si Gabo? Ngayon pa siya wala na isinugod na naman sa ospital ang asawa niya?." Pagtatanong ko

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Where stories live. Discover now