" Mahal, hahaha magdadrive na ako. manda ka saken mamaya." Sambit ko at nagdrive na

" WELCOME BACK NEWLY WEDS!!!." Napangiti naman kami ni Rai dahil lahat talaga sila ay sinalubong kami. 

" Mars! waaaah I missed you. tagal nyo rin nawala ni Gabbo." Sambit ni Nay Sheki at hinila sa loob ang asawa ko

" Nak! Kumusta? Enjoy na enjoy ba ang halos 3 buwan na bakasyon at honey moon?." Sambit ni Tay Jace sabay akbay saken

" Sulit na bitin Tay hahahaha pa extend pwede? hahahaha." Sambit ko kaya nagtawanan kaming lahat

" Major! Maligayang pagbabalik!" Sambit ni Eyrez

" Kumusta Captain? Natitiyak kong maayos naman ang pamamalakad mo habang wala kami. ang laki kaya ng tiwala ko sayo." Sambit ko 

" Oo naman, pero may kailangan kang malaman Skribikin." Sambit ni Eyrez

" Ano yun?." 

" Si Supremo unti-unti nang naghahasik ng lagim. 3 operations na naisagawa namin. Human trafficking at Drugs." Sambit ni Eyrez

" Talaga di siya tumitigil noh? Multuhin sana siya ng anak niya at isama na rin ni Abelaine sa kabilang buhay. Pero wag kayong mag-alala, hindi tayo magpapatibag sa Supremo na yan. nasa panig pa rin tayo ng katarungan at kabutihan." Sambit ko

Ella's P.O.V

" AKIN??." 

napabalikwas ako ng bangon at tila di ko maipaliwanag ang nangyayare saken. may isang taong laging sumasagi sa isip ko noon na nagiging dahilan na rin ng pag-aaway namin ng asawa ko. Pero sa pagkakataong ito naaninag ko na ng maayos ang maamo niyang mukha, yung mala anghel niyang ngiti. Sino ka Akin? bakit Akin tawag ko sayo?  at bakit Ella ang tinawag niya saken? sino si Ella?

" Helena asawa ko? ayos ka lang ba?." 

" Opo, masamang panaginip lang kaya nagising ako." Sambit ko, ayoko na sabihin kay Vera ang tungkol sa kanya dahil natitiyak kong magagalit na naman siya. 

" Ganun ba? Halika na at pinaghanda kita ng masarap na almusal." Sambit niya saken sabay halik sa balikat ko

Kailangan kong makatakas dito, kailangan kong hanapin ang taong tinatawag kong Akin at kailangan kong alamin kung bakit Ella ang tawag niya saken. Malakas ang kutob kong may tinatago saken si Vera kaya hindi na ako magpapapigil sa kanya, gagawa ako ng paraan upang makatakas ako dito. 

" Ang lalim yata ng iniisip mo asawa ko." Sambit ni Vera

" Asawa ko, hindi ba talaga tayo maaaring mamasyal sa ibang lugar? bagot na bagot na ako dito sa Isla eh." Sambit ko

" Ilang beses ba nating pagtatalunan yan Ell- Helena?." Teka Ella yun ha? 

" Ella? Ella yung dapat na sasabihin mo diba? SINO SI ELLA?? AKO BA SI ELLA??." Tuluyan na akong naiyak sa galit ko

" A-anong Ella? NAHIHIBANG KA NA BA? Helena ang pangalan mo." Sambit niya

" Vera nakikiusap ako, kung may di ako alam sa nakaraan ko, sabihin mo na saken. ramdam kong may lihim kang tinatago saken Vera!." Sambit ko habang iyak ako ng iyak

" TUMAHIMIK KA DYAN! HINDI KA SI ELLA, IKAW SI HELENA! NAIINTINDIHAN MO HA? HELENA ANG PANGALAN MO AT ASAWA KITA!." Sambit niya saken

" KUNG AYAW MONG SABIHIN SAKEN ANG TOTOO, PWES AKO ANG AALAM SA NAKARAAN KO!." Sambit ko 

Lumapit siya saken at hinila ang buhok ko

" At san ka papunta? Aalis ka ha? Iiwan mo ako??!!." 

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Where stories live. Discover now