"M-Ma! M-May trabaho na'ko!" sigaw ko dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayun. Di ako makapaniwala dahil sa tagal na hinihintay ko ngayun lang ako tinawagan ng Nicholson's corporation.
"T-talaga?! Ayos yan anak, masaya ako sayo!" tuwang sabi ni mama pagpakababa ng hagdan. "Oh, yan Alli maghanap ka na den ng trabaho para may maipakain ka na dyan!" sigaw ni mama na ikanguso naman ng kapatid ko. " kelan ka daw pede mag-start?" pahabol na tanong pa ni mama.
"Pede na daw ako magsimula sa lunes. Ge ma, tatawagan ko pa si Nicks para ipaalam na hire na ako." nakangiting paalam ko at umakyat na sa kwarto ko. Pagkapasok ko tinawagan ko na agad si Nicks.
"Oy! Perstym tumawag ah! Ano pakay ng besprend ko huh?!" tumatawang sabi nya sa kabilanh linya.
"Hire na ako!" naisigaw ko sa kanya dahil sa tuwa.
"Wow! Congrats prend! Dapat may maipakain ka sakin kase may trabaho ka na. Ano saan tayo kain? Sempre libre mo yan kase hire ka na!"
"Gaga! Kakahire palang diba?! Sempre wala pa akong sahod at ipapakain sayo!" tatawa tawang sabi ko sa kanya kaya tumawa nalang din sya.
"Oh sya sige sa sunod nalang kapag may sahod na hahaha"
Pagtapos ng usapang naming iyon ay nagpaalam na sya saking may tatapusin pa daw sya at pepermahang mga papeles at kailangan na daw yun bukas. Nahiga pa muna ako saglit sa kama ko at nakangiting tumitig sa kisame. Masarap sa pakiramdam na may maabot na ako sa buhay. Ngayung may trabaho na ako, makakatulong na ako kay mama.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Kaya naman pagbangon ko kinabukasan ay naghanda na agad ako ng agahan. Di mawala ang ngiti sa mga labi ko simula kagabi dahil nga natanggap ako sa trabaho. Tulog pa sila mama at Alli kaya naman napagpasyahan kong majogging muna saglit.
Mga 30 minutes lang akong tumakbo mula bahay hanggang park at umuwi na den. Naabutan kong nagwawaliw na si mama sa salas at umalis naman daw si Alli. Nagpahinga lang ako saglit bago pumasok sa kwarto ko at naligo. Habang nagsasabon ako ng katawan ko, narinig kong nagring ang cellphone ko kaya naman lumabas pa muna ako sa banyo para sagutin ang tawag.
" Hi, good morning this is NCLS Company. Nabago ang sched ng pasok mo. I want you to come here before lunch to be your first day of work. Madaming gagawin ngayun sa opisina at may ipapagawa na ako sayo. Ayaw kong nalelate ang bata ko kaya umaasa akong mas maaga ka pa sa inaasahan kong oras." sabi ng caller.
"Yes, ma'am. Makakaasa po kayo. Thank you and I on ny way na po." Nakangiti kong sagot sa kabilang linya kahit di naman nya yun nakikita.
Ibinaba na ng caller ang linya at dalidali akong pumasok muli sa banyo at tinapos ang pagliligo. Mabilis den akong nakapagbihis at bumaba na ng kwarto.
"Oh, san ang punta mo? Bat nakapag opisina ka?" takang tanong sakin ni mama pagkababa ko at sumubo lang ng dalwang kutsarang kanin at isang hatdog na niluto ko kanina at uminomng tubig.
"Nabago ang sched ko ng pasok at marami daw gagawin sa office kaya pinapapunta na ako ng manager. Nabigla nga rin ako ma eh. Kala ko bukas pa. Sige po mauna na ako baka malate ako sa usapang oras ng pasok ko eheh. Bye love you ma!" sigaw kong pagsabi ng papalabas ng pinto ng bahay.
Naglakad pa ako papunta sa sakayan ng jeep sa labas ng village namin. Iba na ang village na tinitirhan namin. Lumipat kami kase andaming chismoso sa dati naming bahay. Pagkasakay ko at nagpasalamat na papuno na ang jeep at lalarga nalang. Ang daming dinaanan ang jeep bago pa ako naihatid sa NCSL Company. Nagspray pa ako ng collagne sa buo kong katawan para di maamoy ang usok ng iba't ibang sasakyan dahil sa traffic.
Pagkapasok ko sa entrance ng company, iniabot na sakin nung guard ang id ko para makapasok daw ako. Namangyan pa ako sa pagswip nung id ko sa machine para makapasok ako. Nakita ko namang natawa yung isang guard malapit sakin dahil sa kamangyanan ko, kaya naman lumapit sya para tulungan ako. Eh malay ko ba kung pano yun?! Tch!. Ngumiti lang ako sa guard dahil sa kamangyanan ko nga tch!
YOU ARE READING
Be My Guest
RandomHi, I'm Ellisa Hiens Mortel na nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Sabi nila kapag nakita mo na ang true love mo sya na den daw ang makakatuluyan mo hanggang dulo. Ngunit sa isang pagkakamali nagbago ang lahat at ang pagkakamaling nito ang nagsir...
