CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Nasaan yung droga riyan? Nasa secret pocket?" Sigurado ako na hindi naman agad makikita ang droga pagbukas na pagbukas ng maleta.

"Wala naman kasi talagang droga 'tong maleta na 'to. Itong mga 'to talaga ang laman ng maleta. Mga damit mo tuwing mamamasyal tayo rito sa Guam."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow naman. Hindi napaghahalataan na ready ka."

Sinara niya ulit ang maleta saka binalik ang atensyon sa akin. "Ano tutuloy ka pa ng uwi sa Pilipinas?"

"Paano akong uuwi, ginigipit mo ako. Siguraduhin mo lang boss na wala kang gagawin sa akin na hindi ko magugustuhan. Binibigay ko ang tiwala ko sayo kasi mukhang wala ka naman gagawing masama sa akin saka isa pa wala naman akong ginawa na ikakagalit mo."

"I promise that you'll enjoy your stay here in Guam."

"And your room? Don't tell me we're going to share this room?" Kinakabahan kong sabi.

Umiling naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Don't worry. Doon pa sa kabila ang hotel room ko. Pero kung gusto mong isang hotel room lang ang gagamitin natin bakit hindi."

Inirapan ko siya at tinalikuran. "Hey. Halika na. Kumain na tayo. I'm starving!" He said while he follows me. Bumalik kasi ako sa balcony dahil sa ganda ng view dito. Medyo malapit sa dagat at tanaw na ang dagat dito.

"Pwede bang dito na lang tayo kumain? Medyo nararamdaman ko pa yung jetlag ko mula sa flight. Mamayang dinner na lang siguro tayo sa labas kumain."

Walang pagdadalawang isip naman siyang pumayag at agad na tumawag ng hotel service. Pagkatapos niyang tumawag ay bumalik siya sa tabi ko.

"You wanna go there?" Tukoy niya sa dagat.

Tumango ako. "Can we?"

"Sure. Anyway, I wanna say thank you for staying here with me."

Nilingon ko siya. "I said yes because I want to be nice to you and of course I don't want to waste the 500,000. Just don't expect anything in return boss. The only thing I'm sure right now is I'll be nice to you."

Tumango siya at halatang kuntento na sa sinabi ko. "It's okay. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang makasama kita rito sa Guam."

"Why Guam?" I asked randomly.

"Why not? Ang lapit kaya sa Pilipinas nito. Saka ang ganda rito sa Guam. Puro rin isla at gusto ko rin ang mga pagkain dito."

"Hmm. Be a good tour guide for me boss, while we're here in Guam."

"No problem."

***

Nang may marinig akong katok sa pinto ng hotel room ko ay umalis na ako sa pagkakaupo ko sa kama. Hinawi ko muna ang buhok kong ayos na ayos bago ko pinagbuksan ng pinto si boss.

"Hey. You look great. Good to go?" Sabi niya nang mapagbuksan ko siya at nakita niya ang itsura ko.

We're going to have a romantic date tonight in the rooftop of this hotel. 'Yon daw ang gusto niya kaya pinagbigyan ko na lang. Tutal may ilang dress naman sa maleta na pinadala niya sa akin na pang romantic date.

"Ikaw din. Halatang prepared ka para sa romantic date natin ah."

Nahihiya naman siyang nag-iwas ng tingin saka inakay na ako palabas ng hotel room ko. Ilang beses ko rin pinag-isipan na huwag ng ituloy ang ideya niya at uuwi na lang ako ng Pilipinas pero wala naman sigurong masama na subukan ko.

Single naman kami pareho at saka mukha naman siyang mabait. Malayong-malayo sa akala ko na may puso siyang bato. Pero parang masyado pang maaga para sabihin ko na mabait nga siya. Dalawang araw pa lang kaming nagkakasama kaya hindi pa sapat 'yon para makasiguro nga ako.

Naka-alalay siya sa akin simula nang makasakay kami sa elevator hanggang sa makarating kami sa roof top. Binalot agad ng malamig na hangin ang katawan ko kaya medyo nanginig ako. Nakakahiya kasi hawak pa naman ni boss ang kamay ko kaya sa tingin ko ay naramdaman niya ang panginginig ko.

Pinaghila niya ako ng upuan at hinayaan muna ako na maupo bago siya umupo sa tapat ko. May mga nakahain ng pagkain nang dumating kami kaya inumpisahan din namin agad ang pagkain habang nag-uusap ng kung anu-ano lang.

"I don't know how to convince you but please believe me Quebec. We tried to save Queenie. Pero hindi namin nagawa kasi nahuli kami ng dating at huli na namin nalaman na may ambush pala na magaganap." Napadpad kasi ang usapan namin sa pagkamatay ng mga kapatid ko.

"It's okay. Wala na rin naman kasing magbabago. Hindi naman na maibabalik ang buhay nila."

"Sorry. Galit ka ba?" Tanong niya na tila tinitimpla niya ang mood ko.

"Hindi naman. Malungkot lang ako kasi miss na miss ko na sila ni Qeena. Pero ganon yata talaga. Kapag oras mo oras mo na. Wala ng sisihan pa. Ang wish ko na lang ngayon ay sana masaya sila kung nasaan man sila hindi kagaya ko na heto miserable pa rin."

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "I'm sorry that I dragged you into your parents' mess. Na kailangan mo pang gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto dahil sa utos ko. Wala na akong magagawa pa Quebec dahil may pinirmahan kayo. Ang magagawa ko na lang para sayo dahil sa gusto kita ay ang ilayo ka sa kapahamakan kapag nasa misyon ka."

"Pwede bang idate mo na lang ako lagi tapos bawasan mo ng bawasan ang utang namin sayo? Para hindi na rin ako magbenta lagi ng ilegal na gamot." Biro ko sa kanya.

"Kung gusto mo pakasal ka na lang sa akin. Tatanggalin ko na lahat ng utang ng magulang mo sakin kapag nangyari 'yon." Bwelta rin tuloy niya pabalik sa akin.

"Papayag lang ako magpakasal sayo kapag hindi na puro ilegal ang negosyo mo." Sabi ko naman sa kanya. Hindi ko inakala na magkakaroon ako ng ganitong usapan kasama si boss.

"Malapit na. Matatapos na rin yung tatlong business ko na pinatatayo sa Batangas. Kapag nabuksan na 'yon at nabawi ko na ang puhunan ititigil ko na rin yung ilegal na negosyo ko."

"Pwede bang matanong...bakit 'yon yung negosyo na napili mo?" Pakiramdam ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko pero nagkamali ako.

"Simula bata ako ganong negosyo na ang negosyo ng tatay ko. Easy money kasi kaya siguro nahumaling siya. Nung magbinata ako nahuli siya at ako na lang mag-isa ang naiwan. Kasi single father tatay ko. Nung una pinasok ko ang pagiging kargador sa palengke, magtinda ng sampaguita at pagiging takatak boy. Yung kinikita ko roon sakto lang para sa pangkain ko at gusto ko sana mag-aral. The rest is history. Kaya nakapagtapos ako at heto na ako ngayon."

Uminom siya ng tubig bago tinuloy ang kwento niya. "Pero maniwala ka man o sa hindi unti-unti ko na ring binibitawan ang negosyo ko. Ayokong magaya sa tatay ko. Yung tatlong may kaliitang grocery store na business ko sa Rizal malakas na rin naman ang kita kaya masasabi ko na marangal yung income ko na 'yon. Saka halos lahat naman ng kinikita ko sa ilegal dinodonate ko sa isang foundation. Kung saan nakakapag-aral ng libre ang mga bata hanggang kolehiyo. Alam ko na sa maruming paraan ko nakukuha ang mga 'yon pero kaysa naman angkinin ko lahat 'yon. Mas mabuti pang kahit papaano mapunta sa mabuti."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. "Ano hindi ka makakibo no? Ito ang tandaan mo Quebec, lahat ng tao may sari-sariling storya at kung hindi mo gusto ang storya ng buhay nila, makuntento ka na lang sa buhay mo at tulungan mo ang sarili mong umunlad. Ganon lang naman kasi ang buhay. Ginagawa mo ang lahat para mabuhay ka, magtagumpay ka, at may maipudar ka. Akala mo ikaw lang ang sukang-suka na sa ilegal na ginagawa natin? Ako ba natanong niyo kung ayos na ayos lang sa akin ang mga ginagawa ko?"

Sa sinabi ni boss marami akong narealize. Isa na roon ang sinabi niya sa akin na kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita ang tunay kong pagkatao sayo, saka mo ako husgahan.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ