Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano to! Napagkamalan lang ako. Pero ayoko pang mamatay! Huwag naman ngayon oh! 

" Ba't wala kang ginagawa? Ba't dimo piitin ang kabayo! " 

" Mahal na Reyna! " mahinang bigkas nito. 

" Ano? Gumawa ka naman ng paraan, natatakot ang prinsesa! " 

" Mahal na Reyna yung kabayo po kase! " ano ba yan pasuspense! 

" Anong meron sa kabayo? " takang tanong ni Ina dito. 

" Sa prinsesa ang kabayong ito, pero diko alam ang dahilan kung bakit tumakbo to. Mahal na Reyna pasensya na po! " Sa Prinsesa. Sa nawawalang prinsesa ang kabayong ito. 

Nagitla lamang sila dahil sumigaw ako. 

" Inaaaaa!!! " 

" Jusko pooo!! " Niyakap ako ni Ina dahil bangin ang dadaanan nito. Ayoko pang mamatay! Ayoko! napagbintangan lang ako. Oo Napagbintangan pero ayoko pang mamatay. Ayoko! 

Sa munting sandali inalala ko kung paano nila ako napagbintangan na Prinsesa. 

*Flash back* 

Atasha's pov 

" Magandang araw mga chikiting!! Oh, uminom muna kayo bago kayo kumain. " saad ko sa mga alaga kong manok. Nilagyan ko muna ito ng tubig, at sa kaliwang baso ay pagkain naman. 

Sa araw araw ay ganto ang ginagawa ko. Sa gantong bagay lang ako sumasaya. 

Bumalik naman ako sa niluluto ko. Tinikman ko ito ay hindi pa okay. Kumuha ako ng isang pirasong kahoy Pinapainit ko ang dulo nito, dahil may gagawin ako. Sa sobrang init nito ay muntik pa akong mapaso. Pero okay lang sanay na ako mapaso. 

Lalabas pa sana ako ng biglang may pumasok. Tinago ko naman ito agad sa likod. At diko alam na napapaso na ako. Teka sino ba itong mga to? Mga diko sila kakilala! Para nga silang mga tauhan sa palasyo eh. At habang pinagmamasdan ko sila ay may pumasok. 

" Mahal na Reyna, Mahal na Hari! " at tumungo ako dito. At sa pagtungo ko ay banat na banat yung paso ko. Kaya't " Aray! " Tumayo ako at napahawak sa likod ko. Shit ang sakit non. 

" Tignan nyo ang likod ng batang yan. " Nagsalita ang hari kaya't ginawa nila ang utos nito. May pumuntang komadrona sa likod. Tinignan nya ito at nag salita. Juskoo! 

Ano bang meron! Anong kailangan nila sakin?! 

" Meron syang balat sa likod Mahal na Reyna! " balat?! Pano ako nagkaroon ng balat?! Dahil siguro ay dahil yun sa pagkakapaso ko. Inang yan! 

" Anak, anak ko! " sambit nito. 

" P-po? ano pong tinutukoy nyo?! " ako naman itong nagtataka. Sa totoo magkakaroon talaga ng marka ang likod ko. Dahil sa natamo kong paso. At alam ko sa sarili ko na mabubura yun. 

" I-ikaw, anak ko. Anak nga kita! " sabay yakap nya sakin. Ako? Anak? Ako ba ang nawawalang prinsesa? Imposible. Napailing na lang ako sa isipan ko. Ano ba to? 

Ano ba talaga ang kailangan nila? Bakit may payapos yapos sakin ang Reyna? Nakakagulo! Kinalas ko naman ang pagkakayakap nya at nagsalita. Sa pagbibintang nila na ako ang prinsesa? Nang gugulo lang sila. Guguluhin lang nila ang buhay ko, ayokong mapahamak ang buhay ko. Nagtatahimik ako sabay ng pang gugulo nila? 

" Ako ho? Sa pagkaka alam ko ay bata pa lang ako. Iniwan na ako ng magulang ko. Tahimik po akong naninirahan dito. Kaya't sana wag nyo ho ako guluhin. Hindi po ako ang nawawalang prinsesa. " 

The Eclipse ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon